Chapter 70 Zhiya Sabriya Smith NAPAPIKIT ako, pilit kinokontrol ang sarili na 'wag mapaiyak. Pero tuluyan nang bumigay ang mga luha ko. Sinubukan kong lumayo, pero hinawakan niya ang braso ko. "Let go," mariin kong utos. "No," he snapped. "Sabihin mo sa akin. Na hindi mo ginamit ang katawan mo para makuha ang gusto mo." Nanggagalaiti niyang sabi. Walang pasubaling tumaas ang isang kamay ko at isang malakas na sampal ang ang pumunit sa hangin. Tumama iyon sa pisngi niya, pero hindi siya natinag. Tumitig lang siya sa akin. Matigas. Walang kahit anong pagsisisi. "Kahit kailan hindi ko ginamit ang katawan ko," singhal ko. “Oo, may pagkukulang ako, may kamalian ako. Pero hindi ako sinungaling. At mas lalong hindi ako gold digger." Tahimik siyang nakatingin lang sa akin, nanatiling walang

