Chapter 47 Zhiya Sabriya Smith MAAGA pa lang ay bumangon na ako. Tahimik pa ang buong mansiyon. Wala pa ang ibang katulong at lalong wala pa si Amari—siguro tulog pa. Hindi ko alam kung bakit, pero kahit ilang beses na akong nasaktan, gusto ko pa ring subukan. Maybe if I try hard enough, things will work. Pinilit kong ayusin ang sarili. Isang hakbang kahit papaano. Hindi ko man kayang baguhin ang nararamdaman niya sa akin ngayon, baka kaya ko siyang paunti–unting mapalapit sa akin. Baka, sa huli, pwedeng matutong mahalin ng isang tulad niya ang isang gaya kong iniwasan at kinamuhian. Naisipan kong magluto ng kalderetang baboy. Paborito ko noong bata pa ako. Hindi ko alam kung gusto rin iyon ni Amari, pero iyon ang kaya kong ihain ngayon. Mula sa kawali hanggang sa pagbalat ng patatas,

