Chapter 78 Two Years Later Amari Chance Hayes BUMALIBAG ang pinto ng opisina ko. "I asked for that damn report two days ago!" sigaw ko habang sumambulat ang tinapon kong folder sa sahig. "Two f*****g days and still nothing!" Walang sumagot. Tahimik ang kabilang linya ng intercom, pero alam kong lahat sila sa labas, natataranta na. Mula sa glass panel ay aninag ko ang mga staff kong nagsisiksikan, nagpapasahan ng papeles, at nagkakandarapang ayusin ang dapat matagal nang tapos. Hindi ko alam kung anong mas nakakairita—ang kapabayaan nila o ang sarili kong inis na hindi ko maipakpakalma kahit gusto ko. Humampas ako sa armrest ng leather chair ko at tumayo. "Pagkatapos ng limang revision ng design presentation sa bagong unit ng Trident Series ay hindi pa rin maayos ang compilation ng tec

