Chapter 59 Zhiya Sabriya Smith DUMADAGUNDONG ang puso ko habang pinagmamasdan si Amari na siya mismong naglapag kay Seve sa stretcher. Wala sa mukha niya ang nagpapakita na kahit anong emosyon—matigas, parang walang pakialam. Alam kong kahit papano, kahit pilit niyang itinatago, may nararamdaman siya para kay Seve. Ayaw niya lang siguro ipakita sa akin. At napansin ko...may dugo sa kwelyo ng polo niya. Agad lumapit si Dr. Medrano sa amin, dala pa rin ang pamilyar niyang calm presence. Tiningnan niya si Seve, mabilis pero maingat. "Doc..." paos na ang boses ko. "Naulit po ang nosebleed. Tapos nawalan siya ng malay." Bahagya siyang tumango habang sinusuri ang bata. "Na–inform na ako ng ER. Buti na lang at nadala agad." Lumingon siya kay Amari, at bahagyang tumango. "Salamat at ikaw a

