Chapter 54 Zhiya Sabriya Smith PINILIT kong bumangon nang umagang 'yon kahit ang bigat ng katawan ko. Muli siyang pumasok sa kwarto ko kagabi, hindi na ako nakatanggi pa. May nangyaring pagtatalik na naman—at gaya ng dati, pagkatapos niya akong angkinin, iniiwan akong mag–isa, pilit iniipon ang natitirang dangal sa sarili ko. Pero ngayong umaga, kailangan kong bumangon. May mga dapat akong gawin. Maglinis at tumulong sa kusina. At...baka sakaling makiusap kay Amari tungkol kay Seve. Kailangan niyang ma-check up ulit. Gusto ko lang na makasiguro sa kalusugan ng anak ko. Matapos maligo at magbihis ay bumaba na ako. Tahimik akong bumagtas sa hallway patungong komedor. Pagkapasok ko, agad kong narinig ang kaluskos ng kubyertos at mahihinang halakhak. Nasa kabisera si Doña Evelyn, sa kanan

