TAHIMIK lang si Eyphah sa kaniyang kuwarto habang tumitingin sa morgany.
"Ano kayang ipapangalan ko sayo, teka babae ka ba o lalaking morgany?"
Biglang umalis ang morgany at may hinawakan ito at itinulak kay Eyphah.
"Isang ribbon? Hmm, babae ka ba?" pagdadalawang isip na tanong nito, masaya namang umikot ang morgany.
"Ang saya mo ah, mukhang tama ako, babae ka nga. Kung babae ka at lalaki si Mosley. Hmm, siguro ikaw na lang si Leys."
"Grrrm!" tugon ng morgany.
Biglang may narinig na kaluskos si Eyphah, mula ito sa labas ng dorm nila.
"Bakit may naririnig akong kaluskos? Ang taas ng dorm namin. Nasa ikatlong floor kami, may estudyante pa kaya sa ganitong oras?"
Tumingin si Leys sa labas ng bintana ni Eyphah at agad na nagtungo doon.
"Leys, shhh... Huwag kang maingay, magigising sila Dasarah. Ayaw mo naman atang magkagulo hindi ba?"
Mahinahong tanong nito ngunit nakatingin pa rin ito sa labas ng bintana. May napansin si Eyphah na papel at patungo ito sa kaniya kaya agad naman itong umiwas.
"Saan naman kaya nanggaling ang papel na ito?"
Pumunta si Leys sa papel at inamoy-amoy ito. Wala naman itong napansin na kakaiba kaya hinayaan niya na lamang.
Kinuha ni Eyphah ang papel at may nakita itong naka-sulat.
"Tangging pag-iingat at kahandaan lamang ang iyong maaasahan. Sa oras na kailangan mo ng kakampi, tawagin mo ang ina ng morgany at tutulungan ka nito." basa nito sa sulat.
Tinignan ni Eyphah si Leys. "May ina ka ba, Leys?" tinuro ng morgany ang direksyon mula sa bintana hanggang sa labas nito.
"Hmm, kung may ina ka. Bakit hindi mo ito kasama? Nahiwalay ka ba sa kaniya?"
Biglang nalungkot ang morgany kaya naman hindi na nagtanong pang muli si Eyphah.
"Matulog na tayo Leys, gabi na at napagod ako sa kakalibot natin kanina."
Humiga na si Eyphah sa higaan nito pero nanatiling nakaupo at tulala ang morgany sa mga bituin.
"Good night Leys, maaari kang matulog sa tabi ko kung gusto mo."
Wala pa ring imik ang morgany.
—————
MASAYANG nag-uusap sina Eyphah at Aideen sa kanilang classroom.
"Hello, Eyphah."
"Good morning, Eyphah."
"Magandang araw sayo, Eyphah"
Mga bati ng mga estudyante kay Eyphah. Nagtataka man ay hindi na pinansin ni Eyphah ang mga bati nila.
"Unang araw pa lang nakagawa kana agad ng pangalan sa SA. Kung sabagay, bibihira lang ang ganun, pakalmahin ang mabangis na morgany. Haynako, hindi nga ako makagalaw sa lugar ko kahapon dahil sa takot." ani nitong si Aideen habang nagbabasa ng libro.
"Hindi naman big deal 'yon, hindi ba? I mean, sa dinami-rami ng estudyente. Malamang ay kayang gawin yun." tumigil sa pagbabasa si Aideen at seryosong tinitigan si Eyphah.
"Seryoso ka ba? Eyphah, ang morgany ay isa sa pinaka-mababangis dito sa mundo natin. Huwag mong sabihin na hindi mo alam iyon. Dapat nga wala ito sa SA, dapat nasa kagubatan ito kasama ang mga kauri nila."
Napaisip si Eyphah nang sabihin iyon ni Aideen.
"Attention class! Dahil sa unang araw ngayon ng klase niyo. Kailangan niyong magpakilala, isa-isa." agad na saad nito pagkapasok ng silid.
"Pero Ms. Prescila, ilang taon na naming kilala ang isa't-isa." sagot ng isang estudyante.
"Ang sabihin niyo, ayaw niyo lang magpakilala, tsk. Ms. Vinisha, ikaw na ang magpakilala. Pagkatapos mo, magsisimula tayo sa lesson natin. Pumunta ka na rito sa harapan."
Gaya ng sinabi ni Ms. Prescila ay tumayo ito at naglakad papunta sa harapan.
"Ehem, ako nga pala si Eyphah Vinisha. Bago pa lang ako rito sa SA kaya pasensya kung may ginawa man ako na hindi niyo gusto. Nagagalak akong makilala kayo." pagpapakilala ni Eyphah sa lahat at bumalik na ito sa kaniyang upuan.
"Girl, seryoso ka do'n? Hindi mo naman kailangang magsabi ng pasensya kung may nagawa ka man, tsk. Wala naman silang pake kung gusto o hindi nila gusto yung ginawa mo."
Napabuntong hininga na lamang ito. Hindi pa kasi ito nakakaranas ng pagpapakilala sa ibang ka-klase. Simula ng bata ito ay hindi na ito nakapasok ng paaralan.
Kahit nagustuhin man nito ay ayaw ng kaniyang ama. Wala itong magawa dahil alam naman niya na nag-aalala lamang ito sa kaniya. Kaya gano'n na lamang ang saya niya ng malaman na makakapasok na ito sa SA.
"Ok, students follow me." Lumabas silang lahat at nagtungo sa training hall, kung saan lahat ng estudyante ay doon nag-aaral ng spells or chants.
"Ms. Prescila, ano naman po ang ituturo niyo sa amin?" Tanong ng kaklase nito.
"Transformation... May mga dahon dito, kailangan niyong baguhin ang anyo nito. Dahil sa ayoko ng gulo, wala namang gagawin ang dahon kapag nagbago na ang anyo nito." Pagpapaliwanag ni Ms. Prescila.
"Tama, dahil kahit ano namang pagbabago nito ay dahon pa rin ito." Pag-sang-ayon ni Aideen.
"Ngayon, kailangan niyong pumikit at isipin ang isang bagay na paburito niyo. Pagkatapos ay bibigkasin niyo ito..."
Kumuha si Ms. Prescila ng isang dahon at inilagay ito sa sahig. Lumayo ang mga estudyante at nagsimula ng pumikit si Ms. Prescila.
"Inova forma!" Saad nito at nagbago ng anyo ang dahon, naging libro ito.
Nagtawanan naman ang mga estudyante, "Anong tinatawanan niyo? Hindi ba puwede ang libro? Paborito kong magbasa." Seryosong saad nito. "Nakapag isip na ba kayo?" tumango ang lahat kaya naman tumawag na ito ng estudyante.
"Nakalimutan kong sabihin, kapag malaki ang ginawa niyo malaki rin ang puntos, pero kung maliit ay maliit din ang puntos. Ms. Avalon, ikaw ang sumunod."
Nahihiyang pumunta ito sa harapan at kumuha ng isang dahon at inilagay ito sa sahig. "Inova forma!" agad itong nagbago at naging isang libro.
"30 points for Ms. Avalon, next, Ms. Vinisha."
Kumuha ito ng isang dahon ay sinabi ang spell, agad itong nagbago at naging morgany. Natakot ang lahat dahil rito ngunit hindi naman gumalaw ang morgany kaya naalala nila na dahon pa rin ito.
"50 points for Ms. Vinisha, next, Mr. Retmerra."
Agad na pumunta sa harapan ang mga babae bukod kay Eyphah, upang makita nila ang gagawin ng binata.
Kumuha ito ng dahon at agad na nagbago ang dahon, isa itong babae ngunit walang mukha. Natigilan ang iba at nagulat, nilapitan ito ng lalaki at hinawakan.
"Mukhang nagkakamali ka ata Mr. Retmerra, sabi ko ay paborito hindi minamahal. Mukhang may babae ng bumihag sa puso mo." pagbibiro ni Ms. Prescila.
Kinilig naman ang mga babae.
"Hay, sino naman kaya iyon." Pagpapantasya ni Aideen.
"Nako Aideen, tigilan mo na yan. Malamang ay hindi siya magkakagusto sa babaeng mahihina, kabilang kaya sa Darknessknights yan, kung ako sayo love yourself na lang."
Hindi naman siya pinansin ni Aideen.
"60 points for Mr. Retmerra, next, Mr. Wagner."
Lumapit ang isang lalaki at kumuha ng isang dahon, tinignan naman ni Eyphah kung sino iyon.
"Ang amo naman ng mukha nito, sana ay mabait siya."
Tinitigan ni Eyphah ang lalaki ngunit lumingon naman ito at nagkatinginan sila.
Nagulat ito ng makita nito ang buong mukha ng lalaki.
"Hi-hindi, ba-bakit..."
Agad napansin ni Aideen kung anong reaksiyon ni Eyphah. "Ms. Prescila! Masama po ata pakiramdam ni Eyphah, namumula po ito."
Agad namang lumapit si Ms. Prescila. Hindi na kinaya ni Eyphah kaya bumagsak ito ngunit nasalo ito ni Trimus.
"Mas mabuti pang pumunta kayo kay Mr. Spike, dalian niyo."
Nagmadaling buhatin ni Trimus si Eyphah at dinala kay Mr. Spike. Pagkarating nila ay maraming estudyante, sisilip sana si Aideen ngunit pumasok na si Trimus sa loob.
"Mr. Spike! Nawalan ng malay si Eyphah!" walang pag-aalinlangang sigaw nito.
"Class dismissed, pumunta na kayo sa next lesson niyo." Kalmadong wika nito.
Agad na tumakbo ang mga estudyante at lumabas ng silid-aralan.
"Halika, ihiga niyo siya dito. Magnus migrante!"
Inihiga ni Trimus si Eyphah sa isang higaan at agad na kumuha ng gamot or potion si Mr. Spike.
"Anong nangyare sa kaniya, na saan kayo ng mahimatay siya?" - Mr. Spike
"Nasa training hall po kami, kasama namin si Ms. Prescila. Hindi ko alam pero bigla siyang namula at nanghina. Tinawag ko po si Ms. Prescila ngunit bigla na lamang po itong nahimatay, buti nasalo po siya ni Trimus." mahabang paliwanag ni Aideen.
"Ipainom mo sa kaniya ito." may iniabot si Mr. Spike at agad na pinainom si Eyphah.
"Hayaan niyo na siyang magpahinga rito, kailangan kong pumunta sa main office. Bumalik na rin kayo sa training hall."
Umalis na silang dalawa, sumunod naman si Mr. Spike at bago sila tuluyang umalis sinarado muna nila ang pinto.
—————
ILANG minuto ay nagkaroon na ng malay si Eyphah. Dumilat ito at tumingin sa paligid nito. "Na saan naman ako ngayon?"
"Gising ka na pala Eyphah, ok ka na ba?" Tanong ng isang babae na hindi nito kilala.
"Ok naman po pakiramdam ko, sino po kayo at na saan po ako?"
"Nasa laboratory ka Eyphah, anong nangyari bakit ka hinimatay kanina?"
Biglang bumalik sa kanyang alaala ang nangyare noong nasa training hall sila.
'Sasabihin ko ba? Pero, baka naman nagkamali lang ako ng nakita kanina?' pag-aalinlangan nito.
"Sa gutom lang po iyon, hindi po kasi ako nakakain kanina."
Hindi sila naniwala sa dahilan nito ngunit tumango na lamang sila.
"Sige na at kumain ka na muna. Tapos na rin naman ang klase." - Ms. Prescila
"May absent po ba ako? Pasensiya po, kakain na po ako palagi." - Eyphah
"Hindi naman, may dahilan ka naman pero huwag mo ng uulitin iyon. Sige na, kumain kana at nag-iintay na rin mga kaklase mo." - Ms. Prescila
"Salamat po, pangako hindi na po mauulit. Bye po!"
At umalis na nga ito, pero ang mga professor ay nag-iisip pa rin kung ano nga bang nangyari sa dalaga.
"Malamang hindi kayo naniwala sa dahilan niya?" - Mr. Spike
"Hindi, nagsisinungaling siya, halata naman sa kaniya iyon kanina lalo na noong nag-isip pa siya at matagal na sumagot." Tumawa naman si Ms. Prescila sa sagot nito.
"Kahit kailan ang detalye mo sumagot,
Ms. Heartly." - Ms. Prescila
"Pero anong gagawin natin? Ayaw niyang magsalita." - Mr. Spike
"Wala naman tayong gagawin, katulad ng napag-usapan sa main office, babantayan natin siya 24/7." - Ms. Prescila
"Hindi naman kaya matakot siya sa atin?" - Ms. Heartly
"Magpapakita ka ba sa kaniya? Magpapahalata ka ba? Magpapakilala ka ba na, Eyphah ako ang taga-bantay mo 24/7?" - Sarkastikong wika ni Mr. Spike
Tumawa naman si Ms. Prescila habang si Ms. Heartly ay nainis.
"Hindi ka na bata para mang-pikon Mr. Spike!" - Ms. Heartly
"At hindi ka na rin bata para paliwanagan Ms. Heartly." - Mr. Spike
"Tama na yan! Hindi naman kayo mga bata, ilang taon na kayo!!" - Ms. Prescila
Biglang tumahimik sila Mr. Spike at Ms. Heartly.
—————
HABANG kumakain si Eyphah, hindi nito makalimutan ang lalaki kanina.
"Tulala ka naman diyan, kakagaling mo lang para kang estatwa diyan."
Bumalik sa reyalidad si Eyphah ng kausapin ito ni Aideen.
"Na saan si Dasarah?" tanong ni Eyphah.
"Hindi ko alam at wala akong balak na alamin kung na saan man siya."
"Magkagalit pa rin kayo?"
"Bakit, ikaw ba, pinatawad mo na ba siya sa pagturo na ikaw ang may-ari ng morgany na 'yon?"
Tumahimik na lamang ito at hindi na sinagot ang tanong.
"Oh, natahimik ka diyan."
"Hindi kaya siya ang may gawa no'n Aideen?"
"Anong tinutukoy mo? Ano namang gagawin ni Dasarah?"
"Yung kahapon, hindi ko alam pero wala naman akong sinabi na hindi kita naabutan kahapon noong tumakbo ka. Hindi ko nga siya nakausap dahil hindi agad ako bumalik sa dorm natin."
"Baka ikaw ang sinundan niya?"
Napaisip itong muli. 'Maaari nga iyon pero, iba talaga kutob ko.'
Nagpatuloy na lamang silang kumain.
—————
HAPON na at hinahanap ni Eyphah si Leys ngunit wala ito sa dorm nila maging sa paaralan nila.
'Leys, na saan ka na ba. Kanina iniwan ko lang siya sa dorm. Hindi ko naman iniwang nakabukas ang kwarto ko.'
Nagtanong na rin ito kay Aideen pero wala ding alam ito. Hindi naman nito makausap si Dasarah dahil galit pa rin ito dito.
'Hindi kaya lumabas ito? Pero, kung lalabas ako ng SA. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at kung papaano bumalik.' tanging naisip nito.
Hindi niya alam kung paano hahanapin si Leys.
"Bahala na nga..." tanging nasambit na lamang nito at lumabas ng SA.
Naalala nito na sa forest naninirahan ang isang morgany kaya doon ito nagtungo.
Tumigil ito sa paghahanap ng mapagtanto nito na bakit pa nito hahanapin ang morgany kung nandito siya, nasa tahanan na siya dahil ang kagubatan ang tahanan nito.
"Maka-uwi na nga lang..."
Nagsimula na itong bumalik sa SA at nakarating na ito ng garden ngunit may narinig itong kaluskos.
"Sino nandiyan?" matapang na tanong nito.
Patuloy pa rin ang pagkuluskos, nanatili itong kalmado at pumikit.
May nararamdaman itong mga paa mula sa lupa, maaaring dalawa ito.
"Lumabas na kayong dalawa!"
At lumabas nga ang dalawang lalaki.
"Paano mo nalaman?" takang tanong ng lalaki.
Tinignan isa-isa ni Eyphah mga mukha ng lalaki, wala silang kilala ni isa man dito.
"Marami akong kayang gawin, baka matakot kayo." diretyong sagot nito.
"Kami, matatakot sa isang katulad mo? Babae ka lang, isang babae at kami, dalawang lalaki kami. Paano mo kami makakaya?"
"Bakit, sino bang nagsabi na ako ang kikilos?" ngumisi ng nakakaloko si Eyphah.
"Wraaaawr!" agad na sinugod ng morgany ang dalawang lalaki at akma na sanang sasaktan nito ang dalawa ngunit pinigilan niya ito.
"Huwag Leys, gusto ko lang na kagatin mo yang mga damit nila para hindi sila makawala. Anumang oras alam kong narinig na nila professor ang sigaw mo. Mag-intay na lamang tayo."
"Gusto ka lang naming takutin! Inutusan lang kami!" takot na takot ang dalawang lalaki.
"Sino nag-utos sa inyo?"
Sasagot na sana ang dalawa ngunit nagsimula ng magdatingang ang mga estudyante at ang mga professor.
"Anong gulo ang nangyayare dito?!" galit na tanong ni Mr. Spike
"Balak nila akong takutin Mr. Spike, sinong nag-utos sa inyo na takutin ako?!"
"Si..." hindi na natapos ang sasabihin ng dalawang estudyante ng biglang napugutan ng ulo ang dalawa.
"Ahhhhhh!" sigaw ng mga estudyante.
Nagulat si Eyphah dahil dito, maging si Mr. Spike ay nagulat din.
"Bakit nandito kayong lahat—oh... my... lahat ng mga estudyante, pumasok kayo sa mga dorm niyo!" Nagmadaling pumasok ang mga estudyante sa kanilang dorm.
Hanggang ngayon ay gulat pa rin si Eyphah sa nakita nito.
Lumapit naman si Leys kay Eyphah at agad na nilapitan ng mga professor ang dalawang estudyante.
"Du-dugo..." tanging nasambit ni Eyphah.
Hinarangan ng isang estudyante ang harapan ni Eyphah, nakatalikod ito kaya hindi nito nakita kung sino ito.
"Huwag kang titingin..."
Bigla itong pumikit at nagsalita. "Pigilan mo Eyphah, pi-pigilan mo..." pagkadilat ni Eyphah ay nawala ang estudyante na nasa harapan niya.