Chapter 2

1242 Words
Angelie Princess William POV... Maaga akong nagjojogging sa subdivision namin ngayon. Napahinto ako bigla kasi may naramdaman akong sumusunod saakin. "Eh? sino yan?" sabi ko, nang walang nagsalita nagpatuloy ako sa pagtakbo. Baka kase multo ang naririnig ko. Nagmamadali akong tumakbo ng.... "Booo!" nagulat ako kasi biglang lumabas ang bestfriend ko na si Meldonna. Napahawak ako sa dibdib ko at nakaupo ako ngayon sa sahig. "Wahahahaha!! Ang epic ng mukha mo kanina El! hahaha." natatawang sabi niya habang nakahawak siya sa tiyan niya. "Waaaa! Mel naman eh! wag mong uulitin yun kundi isusumbong kita kay Wonder Pets. Sige ka!" nakapout kong sabi. Pinipigilan niya ang tawa niya. "Pffft!! El nagiging childish kananaman eh!" reklamo niya. Napakamot nalang ako sa ulo. At tsaka napangiti ng malaki. "Aish, tama na nga yan. Tayo na baka mapasukan ng malamig na hangin ang utak mo. baka may masabi kana naman." Sabi niya. Napataas ang isang kilay ko. Grabe naman siya makapagsalita parang di kami magbestfriend neto ha. Nakauwi na kami ng bahay. Dali dali akong pumunta sa kwarto ko at humiga sa malambot na higaan ko. Everyone, ako nga pala si Angelie Princess Willian, 17 years old. Maganda, sexy, cute, matalino, and Friendly. But no one see my other side. Family? Yes, I have family. Nasa Japan sila super duper busy sa company namin. Pero binibisita nila ako limang beses sa isang Buwan kaya okey lang nagkikita pa kami. Hay, nakakapagod! gusto ko ng matulog. Pumikit ako  hanggang sa makatulog ako. ****** Nakatayo ako sa isang palasyo?! Anong ginagawa ko dito? Lumakad ako hanggang sa makarating ako sa isang garden. "Uhmm, hello?! may tao ba dito?" sabi ko habang tinitingnan ang paligid. Mukhang wala namang tao dito. Naglalakad padin ako ng may nakita akong lalaking nakaupo sa isang upuan at nakatingin sa pool ng palasyo. Mukhang malungkot siya. According sa nakikita ko isa siyang hari. Wait? wala namang hari o reyna sa pilipinas ha? Diba president lang ang meron. Napatago ako bigla kasi may dumating na mga kawal. Mukhang nakidnap siguro ako kasi napunta ako sa isang palasyo at di ko alam kung saang planetang matatagpuan ang lugar na ito. "Mahal na hari, may nakita kaming babaeng umaaligid dito sa palasyo." nanlaki ang mata ko sa sinabi ng kawal. Agad akong napatayo at lumayo doon. Habang patakas ako ng may nabangga ako. "Aray!" reklamo ko at pagkatingin ko. Nanlaki ang mata ko sa nakikita ko. S-siya yung hari na sinasabi nila. "Ikulong siya!" utos niya. N-no nooooooo!!! Napamulat ako habang hingal na hingal, ano yun? Dream boy ko ba yun o kalaban ko? Aish! panaginip lang pala iyon. Nothing to worry. Napatingin ako sa alarm clock sa gilid ko 3:20 pm na pala. Tumayo ako at nagstretch. Mukhang napasarap atah ang tulog ko kahit ang creepy ng panaginip ko. Bumaba ko at hinanap si Mel pero no sign of her. At may nakita akong papel sa ref na nakadikit. Dear El. May lalakarin lang ako kaya don't worry lang ha. Uuwi ako mga 10 pm, Okey! Nasa company ako ngayon may pinaasikaso kasi si mom saakin. Kumain ka nasa ref ang niluto ko initin mo nalang sa oven. Arraso?! Nagmamahal mong bestfriend Mel. Napangiti nalang ako. Parang kapatid ko na talaga siya kasi siya yung nag aalaga at nagpoprotekta saakin simula bata pa kami. Mas matured pa siya kaysa saakin. Childish kasi ako eh. Napansin ko ang susi sa lamesa mukhang ito ang susi ni Mel dito sa bahay naiwan niya. Nako makakalimutin talaga. Kinuha ko ang pagkaing sinasabi niya at inilagay sa oven at ng mainit na naghanda nako ng plato at kumain nako ng biglang may tumawag. Mom Calling... Sinagot ko naman. "Mom!" masayang bati ko. I miss my mom also dad. "My princess, how are you?" malambing na sabi ni mom. "I'm fine mom, you and dad okey din ba kayo?" sabi ko. Narinig kong biglang bumukas ang pinto sa kabilang linya. 'Is that princess?' I heard Dad's voice. "Dad!" masayang sabi ko. "Princess, don't worry uuwi kami diyan mga next week." sabi ni dad. Napangiti tuloy ako sa sinabi ni dad. "Mom, Dad I miss you." malambing kong sabi. Masaya ako kasi ganito ang parents ko di parehas ng ibang parents nasa ibang bansa sila pero di nila binibigyan ng kahalagahan ang mga ansk nila. Ibang iba sina Mom and Dad sa kanila. "We miss you too, Princess." sabi nila. "Okay, we need to hung up now, Princess. See you, bye! We love you." sabi ni mom. "I love both of you, Bye." at binaba na nila. Ako na ang pinakamaswerteng tao sa boung mundo dahil kumpleto at safe kami. Pagkatapos kong kumain. Lumabas ako at pumunta sa Park malapit dito sa subdivision namin. Nagpapahangin ako dito, nang may kakaiba akong nakita at isa yung lalaking nakahood. Lumapit ako sa lalaki pero bigla itong nawala. What the! Baka si Casper the ghost iyon?! Nanindigan ang balahibo ko. Wait kung si Casper yun ibig sabihin mabait siya! sayang nakalimutan kong magdala ng papel at ballpen magpa autograph sana ako. Umalis nalang ako dun at pumunta sa tindahan ng Ice Cream. Ang sarap talaga ng Vanila. Yum yum! Habang nag eenjoy ako sa ice cream may nararamdaman talaga akong tumitingin saakin. Nako baka si Swiffer the fox yun! Nako kailangan ko si Dora ngayon para mataboy si Swiffer the fox. Tumakbo nalang ako at napagpasyahan kong umuwi nalang ng mansyon baka atakihin ako ng fox na iyon. Mahirap na mababawasan ang mga magaganda sa mundong ito. Sa kaba ko nanood nalang ako ng TV. *Ding dong* Napatingin ako sa may pinto. Sino naman kaya yun? Ah! baka si Kokey! Pero nakakatakot ang itsura ni kokey baka di ko makayanan ang mukha niya. *Ding dong* Hala mukhang galit na. 'El! pakibuksan naman!" kaboses ni Mel. Baka ginaya ni kokey ang boses ni Mel. Oh baka dinala ni Kokey si Mel sa planeta nila tapos si Kokey ang pinalit dito? "K-kokey, ibalik mo si Mel! Wag ka ng magpanggap alam kong hindi ikaw ang bestfriend ko!" sigaw ko. 'Huh! El it's me. MEL! Open this d*mm door! Gusto mo sapakin kita." sigaw niya. What?! sasapakin ako ni kokey. Naku naku!! Binuksan ko maliit ang pintuan at nakita ko siya naka poker face. Nang makita ko siya agad kong binuksan at hinawakan ang pisnge niya at kinurut ito. "Eneng genegewe me!" (Anong ginagawa mo!) nanlaki ang mata ko. Waaaa!! iba ang linguwahe niya! Hindi siya ito! Bigla niyang pinitik ang noo ko. Kaya napahawak ako sa noo ko. "Waaa!!! Mel ikaw talaga yan! akala ko kinuha ka ni kokey...." sabi ko sabay yakap sa kanya. Kaya nabigyan ako ng isang malaking batok sa ulo. At pumasok na siya sa pintuan. Sinundan ko naman siya. "Inaatake kana naman ng pagka sira ulo mo." sabi niya tsaka pinat ang ulo ko. Napapout nalang ako. "Hay, eto oh pinabibigay ni Mommy. For you daw." sabi niya sabay bigay saakin ng dalawang kartong Chucky na chocolate. Ang ngiti ko parang abot na sa tenga ko at tsaka kinuha ko ang cellphone ko at dinial si Tita. "Hello, Princess." sabi ni Tita. "Waaaa!! Tita thank you very much po. Salamat po ng marami!" masaya kong sabi. Napatawa nalang si Tita saakin. "Wala yun. Gusto mo bibigyan kita taga week ng limang box eh." sabi ni Tita. Napangiti nalang ako. "Waaa arigatou! sige po Tita bye!" sabi ko at binaba ko na. "Ikaw talaga. Matulog na tayo kasi may klase pa tomorrow." sabi ni Mel napatango nalang ako at dumiretso sa kwarto ko na dala ang chucky napatawa nalang si Mel sa inakto ko. Gusto ko masaya sila. Ayokong nalulungkot sila. Bago ako makapasok sa kwarto ko... "Good night!" sigaw ko para marinig ni Mel sa malayo. "Good night too!" sigaw din niya napangiti nalang ako at pumasok sa kwarto ko. At nanghilamos nako at humiga na sa kama. Sana walang mangyaring masama saamin tomorrow. Sana bantayan mo kami hanggang sa pagtulog namin. Papa God. Amen. At binisita nako ng antok. ********************************** LMCD
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD