Chapter 07
Ariana Samantha
PAGDATING namin sa mansion, dumiretso na kami sa garden sa dining area kung saan nakahanda na ang mahabang mesa sa ilalim ng malaking pergola. Warm ang ilaw mula sa mga hanging lamps, may mga halaman at bulaklak sa paligid, at sa gilid ay may maliit na fountain na tuloy-tuloy ang agos. Mukhang simple lang ang setup pero halatang pinaghandaan, mula sa silverware hanggang sa mga wine glass na nakahanay sa bawat upuan. Marami nang tao roon, karamihan ay mga kamag-anak ni Raiko na pamilyar sa mga business gatherings at political events ng pamilya nila.
Paglapit namin sa mesa, agad akong sinalubong ng ina ni Raiko. Ngumiti siya sa akin, pero mas napunta ang atensyon niya sa tiyan ko.
“Aria, finally. Come here, let me see,” masiglang sabi ni Doñya Victoria habang lumalapit at marahang hinahaplos ang tiyan ko. Napangiti ako nang pilit dahil hindi ko alam kung paano tutugon sa biglang paghawak niya sa akin. “Malaki na ang tiyan mo. I hope it's a boy,” dagdag niya habang nakangiting nakatingin sa tiyan ko. “Kapag lalaki ang apo ko, he will carry the Montemayor name. He will be the next heir, and of course, he will have a place in our business empire. I’ll personally make sure he understands what it means to be a Montemayor.”
Napangiti ang ilan sa mesa, tila normal lamang sa kanila ang ganoong usapan. Para sa pamilya ni Raiko, ang apelyido ay hindi basta pangalan. May kasamang negosyo, impluwensiya, koneksyon at kapangyarihan. Kaya ang pagkakaroon ng lalaking tagapagmana ay parang continuation ng lahat ng pinaghirapan ng pamilya nila sa loob ng maraming taon. Hindi ko man lubos na maintindihan ang ganitong klase ng pride, ramdam kong seryoso sila tungkol doon.
“What if it's a girl?”
Biglang may sumabat mula sa kabilang bahagi ng mesa. Isang auntie ni Raiko ang nakangiting nagtanong habang nakataas ang kilay, tila curious lamang, pero agad kong napansin ang pagbabago sa mukha ni Doña Victoria. Saglit itong nanigas bago niya pinilit ngumiti.
“A girl?” ulit niya, saka bahagyang umiling. “Of course, we’ll love the child. She’s still a Montemayor—” Huminto siya at muling napatingin sa tiyan ko. “But a boy would be more suitable to carry the family name and eventually take over responsibilities that require a strong successor.”
Naramdaman kong nanikip ang dibdib ko. Hindi ko na lamang pinansin ang sinabi niya. Gusto ko sanang sabihin na babae man o lalaki ang anak ko, hindi nito mababawasan ang halaga niya. Pero bago pa man ako makapagsalita, sumagi sa isip ko ang malamig na boses ni Raiko kanina.
Just be quiet sometimes.
Kaya pinili kong manahimik na lang.
“Everyone, let's sit down,” sabi ng ama ni Raiko mula sa kabilang bahagi ng mesa. Itinaas niya nang bahagya ang kamay niya para kunin ang atensyon ng lahat. “Dinner will be served in a few minutes.”
Naunang umupo si Raiko. Hindi man lang siya lumingon para tingnan kung nakasunod ba ako o kung kailangan ko ng alalay. Sandali akong nakatayo sa tabi ng upuan ko bago ko hinila iyon at maingat na naupo. Hindi ko na hinintay na may tumulong sa akin dahil malinaw naman na wala siyang balak gawin iyon.
Nasa paligid ng mesa ang mga uncle at auntie ni Raiko, mga taong kilala rin sa business circles at social events. May ilang pinsan siyang abala sa kani-kanilang conversation, habang ang iba naman ay tahimik na nakikinig sa mga matatanda. Halos lahat ng naroon ay may pangalan, pera o koneksyon na sapat para magkaroon ng sariling puwesto sa mga importanteng gathering ng pamilya Montemayor.
Nang magsimula ang dinner, mabilis ding napunta ang usapan sa negosyo.
“We should reconsider the expansion in the southern districts,” sabi ng isang uncle ni Raiko habang hinihiwa ang steak niya. “The numbers are good, but the local permits are taking too long.”
“That's because the local administration keeps changing its requirements,” sagot naman ng isa pa. Ininom niya muna ang wine bago ipatong ang baso. “We need someone who can handle the area without making unnecessary noise.”
Umayos ng upo si Raiko at tahimik na nakinig.
“Raiko's campaign is doing well, though,” singit ng isang cousin niya. “The latest survey numbers are looking better than expected.”
“Better?” Napangiti ang ama ni Raiko habang inaayos ang napkin sa kandungan niya. “We shouldn't settle for better. We need a comfortable lead before election day.”
“I agree,” sagot ni Raiko. Diretso ang tingin niya sa ama niya habang nagsasalita. “We're increasing the provincial visits next week. There are still several areas we haven't covered.”
“Don't overexpose yourself,” paalala ng isa niyang auntie. “The more public appearances you make, the more chances your opponents have to dig into your personal life.”
Bahagyang humigpit ang hawak ni Raiko sa kutsilyo bago niya ito marahang ibinaba. “I can handle it.”
“Your marriage should also be handled carefully,” dagdag ng isa pang uncle niya. “People are watching everything now. Especially with the election coming.”
Tahimik akong nakaupo sa tabi ni Raiko, nakikinig habang pinag-uusapan nila ang campaign niya na para bang wala ako sa mesa. Ang asawa niya, ang babaeng nagdadala ng anak niya, ay nakaupo lang sa gilid at halos hindi man lang nabibigyan ng pagkakataong magsalita.
Maya-maya, lumingon sa akin si Bianca. Hindi tulad ng iba, mas mahinahon ang tingin niya sa akin. “Aria, what do you think?” tanong niya habang bahagyang nakasandal sa upuan. “Do you think Raiko should focus more on the younger voters?”
Nabigla ako sa tanong niya. “I think—” Hindi ko agad natapos ang sasabihin ko dahil napansin ko ang bahagyang paglingon ni Raiko sa akin.
Hindi siya nagsalita. Dahil hindi naman kailangan. Isang tingin lang niya ang sapat para maalala ko ang sinabi niya bago kami umalis.
Don't embarrass me.
Kaya agad kong ibinaba ang tingin ko sa plato. “I think whatever strategy they decide is probably best. Mas alam naman nila kung ano ang kailangan ng campaign.”
Bahagyang tumango si Bianca, pero halata sa mukha niyang napansin niya ang pagbabago ng sagot ko. “Right,” maikli niyang sabi bago muling bumaling sa mga kasama namin.
Ilang minuto ang lumipas bago niya ulit ako tinanong. “How about the university sector? You're studying law, right? Maybe you have an idea about what younger people are concerned about.”
Napatingin ako sa kanya. “Some of them are concerned about tuition, employment, and—” Napahinto ako nang muling maramdaman ang tingin ni Raiko.
Nasa kabilang bahagi ng mesa ang kamay niya, hawak ang wine glass, pero ang mga mata niya ay nakatutok sa akin. Walang emosyon ang mukha niya, pero sapat na iyon para patahimikin ako.
“Mostly employment,” dagdag ko na lang, mahina ang boses. “That's what I hear from other students.”
“Interesting,” sabi ni Bianca, pero hindi na niya ipinilit ang tanong. “That's actually useful.”
Muling bumalik ang usapan sa campaign ni Raiko.
“Your next rally should be in the eastern district,” sabi ng isang cousin niya. “Your numbers there are still weak.”
“I already scheduled it,” sagot ni Raiko habang kinukuha ang baso niya. “We'll be there Friday.”
“And the hospital board?” tanong ng daddy niya.
“I'll attend the meeting before the rally.”
“Don't forget the donors.” paalala ni Doñya Victoria.
“I won't.”
Sunod-sunod ang mga usapan tungkol sa campaign, hospitals, businesses, permits, political alliances at kung sinu-sino ang dapat kausapin bago ang election. Para akong nasa isang mesa na puno ng mga taong may kanya-kanyang papel sa buhay ni Raiko, habang ako ay nakaupo roon dahil kailangan niyang maipakita na hindi niya itinatago ang asawa niya.
Paminsan-minsan, lumilingon si Bianca sa akin na parang gusto niya akong isali sa conversation, pero bawat pagtatangka niya ay nauuwi rin sa maikli kong sagot dahil sa mga tinging ibinibigay sa akin ni Raiko.
Tahimik akong kumain habang pinakikinggan ang bawat salita nila. Hindi ko alam kung mas nakakainis ba ang pakiramdam na parang invisible ako o ang katotohanang kapag may pagkakataon akong magsalita, kailangan ko pang isipin kung papayagan ba niya akong gawin iyon.
PATULOY ang usapan sa mesa tungkol sa campaign ni Raiko nang biglang dumating si Valentina. Napalingon ang lahat sa entrance ng garden nang marinig ang boses nito, pero hindi nag–iisa si Valentina. May kasama siyang babae na pamilyar na pamilyar sa akin. Nang tuluyang lumapit ang dalawa, halos mawala ang ingay sa paligid. Kasama niya si Stephanie.
Agad nagbago ang buong aura ni Raiko na kanina lang ay sobrang seryoso. Pero nang makita niya si Stephanie, agad siyang napatuwid ng upo. Kumalas ang malamig na expression sa mukha niya at napalitan ng isang tinging hindi ko pa nakikitang ginawa niya sa akin.
“Stephanie?” tawag niya, kasabay ng pagtayo niya mula sa upuan.
Napatingin sa kanya si Stephanie at ngumiti. “Hi, Raiko.”
Hindi man lang nagdalawang-isip ang asawa ko. Hinila niya ang isang bakanteng upuan na nasa tabi niya at inayos iyon bago tuluyang humarap kay Stephanie. “Come, sit here,” sabi niya habang bahagyang itinulak ang upuan para mas madaling makaupo si Stephanie.
“Thank you,” sagot ni Stephanie, saka marahang naupo.
Nanatili akong tahimik habang pinagmamasdan sila. Kanina, hindi man lang niya ako tinulungan sa pag-upo. Hindi niya nga halos ako tinitingnan. Pero ngayon, siya mismo ang nag-asikaso ng upuan ni Stephanie, siniguradong komportable ito at saka muling umupo sa tabi niya.
“I'm surprised to see you here,” sabi ni Raiko habang nakatingin kay Stephanie. Mas magaan ang boses niya ngayon, hindi katulad ng malamig na tono na ginagamit niya sa akin.
Napangiti si Stephanie. “Valentina invited me. She said it was just a family dinner, so I thought it would be okay.”
“Of course it is.” Bahagyang ngumiti si Raiko. “You’re always welcome here.”
Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko.
Hindi ko alam kung saan ako dapat tumingin. Nasa tabi ako ng asawa ko, buntis sa anak namin, pero parang wala akong puwesto sa eksenang iyon. Para akong napunta sa gilid ng sariling buhay ko habang si Stephanie ang nasa gitna ng atensiyon niya.
Valentina settled into her seat habang nakangiting pinagmamasdan silang dalawa. “I actually wanted everyone to see Stephanie. She has some good news.”
“Good news?” tanong ng isang auntie ni Raiko habang interesado itong sumandal sa mesa.
Tumango si Valentina. “She's been offered a modeling contract overseas.”
Agad na nagkaroon ng reaksyon ang mga tao sa paligid ng mesa.
“Overseas?” tanong ni Bianca, bahagyang napataas ang kilay. “That's huge.”
Stephanie smiled modestly. “Yes. It's a contract with an international agency. They want me to stay there for several months, maybe longer depending on the projects.”
“That's a big opportunity,” sabi ng isang uncle ni Raiko habang tumango. “You should take it.”
“I accepted it already,” sagot ni Stephanie, mahinang tumawa habang inilalagay ang kamay sa kandungan niya. “I leave after I finish a few commitments here.”
Napatingin ako kay Raiko.
Hindi ko alam kung bakit doon agad napunta ang tingin ko, pero nakita ko ang pagbabago sa mukha niya. Kanina, relaxed siyang nakikipag-usap. Ngayon, bahagyang tumigas ang panga niya at nawala ang ngiting kanina niyang ibinibigay kay Stephanie.
“When are you leaving?” tanong niya.
“Next month.”
Biglang napahawak si Raiko sa gilid ng mesa. “Next month?”
Tumango si Stephanie. “Yes. Everything is already being arranged.”
“That's soon,” sabi niya, mas mababa na ang boses.
“I know.” Ngumiti si Stephanie. “But this is a great opportunity, Raiko. I can't turn it down.”
“You don't have to leave for that,” sagot niya agad. “There are plenty of opportunities here.”
Napatingin sa kanya si Stephanie, tila nagulat sa tono niya. “It's not the same. This is an international contract.”
“I know what it is.” Diretso ang tingin ni Raiko sa kanya. “I'm just saying you don't need to rush into it.”
Tahimik na nakinig ang lahat. Ramdam ko ang tensiyon na unti-unting nabubuo sa pagitan nila, pero hindi ko alam kung bakit mas masakit para sa akin na makita kung gaano siya ka-concerned.
“Raiko,” mahinahong tawag ni Stephanie, saka bahagyang ngumiti. “I'll be fine.”
Hindi agad sumagot si Raiko. Sa halip, ilang segundo niya itong tinitigan bago siya napabuntong-hininga nang mahina. “I just don't think you should make a decision that will keep you away for that long.”
“Why?” tanong ni Stephanie.
Natigilan siya. At ako, napayuko na lang.
Hindi ko na kailangang marinig ang sagot para maintindihan kung bakit ganoon siya.
Sa buong dinner, ilang beses niya akong pinatahimik gamit lang ang isang tingin. Ako ang asawa niya, nagdadala ng anak niya. Ako ang kasama niyang umupo sa harap ng pamilya niya dahil ayaw niyang may magtanong kung nasaan ako.
Pero nang dumating si Stephanie, parang nagbago ang lahat.
Hindi niya kailangang sabihan si Stephanie na mag-ingat sa sasabihin nito. Hindi niya kailangang bantayan ang bawat kilos nito. Hindi niya kailangang ipakitang may kontrol siya sa sitwasyon. Sa halip, siya mismo ang lumalapit, nakikinig at nagbibigay ng buong atensiyon.
At mas masakit dahil harap-harapan kong nakikita kung paano niya tratuhin si Stephanie na parang espesyal ito.
“She's actually one of the best young models in the country right now,” sabi ni Valentina, proud na proud habang nakatingin kay Stephanie. “Several international brands have already approached her.”
“That's impressive,” sabi ng isang cousin ni Raiko. “You really should take the contract.”
Stephanie smiled. “That's the plan.”
“Then you should celebrate,” sabi ni Bianca, saka itinaas ang wine glass niya. “Congratulations, Stephanie.”
“Thank you.”
Isa-isang nakisabay ang mga tao sa pagbati. Pati si Raiko ay bahagyang ngumiti, pero napansin kong hindi na niya inaalis ang tingin kay Stephanie.
“I'm happy for you,” sabi niya sa wakas.
Simple lang ang mga salita niya, pero ibang-iba ang dating ng boses niya. Mas malambot at ramdam ang sincerity.
Napahawak ako sa tiyan ko habang tahimik na nakaupo. Hindi ko na pinilit sumabay sa conversation. Hindi ko na rin hinintay na may tumingin sa akin. Ayoko nang makita ang sarili ko sa sitwasyong kailangan kong magpanggap na okay lang ang lahat.
Sa tabi ko, patuloy ang usapan tungkol sa career ni Stephanie, sa international agencies na kumukuha sa kanya at sa mga bansang posibleng puntahan niya. Ngunit sa bawat banggit ng pag-alis nito, nakikita ko ang pagbabago sa mukha ni Raiko.
Parang ayaw niyang umalis si Stephanie.
At habang nakaupo ako, mas lalo kong naramdaman kung gaano kadaling mawala ang puwesto ko kapag nasa harapan niya ang babaeng talagang mahalaga sa kanya.