05: Sinisi

2383 Words
Chapter 05 Ariana Samantha NAKAHIGA na ako sa examination bed ng clinic ni Doctor Sab, bahagyang nakataas ang ulo ko habang hinihintay kong matapos niya ang ultrasound. Malamig ang silid at tanging tunog ng machine ang maririnig habang maingat niyang ipinapadaan ang probe sa tiyan ko na may malinaw na gel. Tahimik lang ako habang nakatingin sa monitor, pilit na inuunawa ang bawat galaw ng doktor. Ilang minuto na niyang sinusuri ang baby nang bahagya siyang napatingin sa akin bago muling ibinalik ang tingin sa screen. “Where’s Raiko?” tanong ni Doctor Sab habang dahan-dahan niyang ginagalaw ang probe sa tiyan ko. “Hindi ka niya sinamahan?” Natigilan ako. Hindi ko alam kung anong isasagot ko. Saglit akong tumingin sa kisame bago pilit na ngumiti. “Nasa hospital siya.” Napatingin sa akin si Sab, pero hindi siya agad nagsalita. Ramdam kong hindi siya kumbinsido sa sagot ko. Matagal na niya akong kilala at alam niyang hindi ganoon kadaling magsinungaling sa kanya. Pero hindi na siya nagtanong pa. “He had an emergency,” dagdag ko, pilit na pinananatiling normal ang boses ko habang nakatingin sa monitor. Tumango lang si Sab at muling ibinaling ang atensyon sa ultrasound. Wala na siyang tinanong tungkol kay Raiko. Alam kong may alam siya. Alam niyang hindi talaga emergency sa hospital ang dahilan kung bakit wala ang asawa ko. Pero hindi niya ako pinilit magsabi ng totoo. Siguro alam niyang hindi iyon ang kailangan ko ngayon. “Okay, let's focus on the baby,” sabi niya nang mahinahon habang bahagyang ina-adjust ang probe. “The good news is, everything looks fine so far.” Napabuntong-hininga ako nang marinig iyon. “Really?” “Yes.” Bahagya siyang ngumiti habang nakatingin sa monitor. “Your baby is growing according to the expected age. The heartbeat is also good.” Napatingin ako agad sa screen. Hindi ko man maintindihan ang lahat ng nakikita ko roon, sapat nang malaman kong okay ang anak ko. Biglang lumuwag nang kaunti ang dibdib ko. “Pwede ko bang marinig?” tanong ko habang bahagyang umaangat ang ulo ko mula sa examination bed. “Of course.” Itinuon ni Sab ang machine at ilang sandali lang ay narinig ko ang mabilis at regular na t***k ng maliit na puso. Napahinto ang paghinga ko. Iyon ang heartbeat ng baby ko. Napangiti ako nang hindi ko namamalayan habang nakatitig sa monitor. Hindi ko na napansin na namuo na naman ang luha sa mga mata ko, pero hindi na dahil sa sakit. “Ang bilis.” “That's normal for this stage,” sagot ni Sab habang maingat na ipinagpatuloy ang pagsusuri. “Strong and steady. That's what we want.” Marahan kong hinaplos ang gilid ng tiyan ko. “Okay ka lang, baby?” Bahagyang natawa si Ate Sab habang nakatingin sa monitor. “Mukhang okay na okay siya. Ikaw ang kailangan nating bantayan. Eight weeks pregnant ka pa lang, so don't push yourself too much. Kumain ka nang maayos, hydrate yourself, at kapag sumama ulit ang pagsusuka mo nang sobra, tell me.” Tumango ako habang pilit na pinipigilan ang emosyon ko. “Okay.” “May morning sickness ka pa rin?” “Oo.” Napangiwi ako nang bahagya habang naaalala ang pagsusuka ko kanina. “Kanina nga, ilang beses akong nagsuka.” Tumango si Ate Sab at isinulat ang ilang notes sa chart ko. “Expected naman iyan, pero kailangan mong bantayan. Huwag mong hayaang wala kang laman sa tiyan buong araw. Small meals, pero madalas. Kahit crackers, fruits, soup, anything na kaya mong kainin.” “I'll try.” “Don't just try, Aria. Do it.” Tumingin siya sa akin nang diretso bago bahagyang ngumiti. “You have two people to take care of now.” Napatingin ako sa tiyan ko at napangiti nang mahina. “Yes.” Matapos ang ilang sandali, pinunasan niya nang maingat ang gel sa tiyan ko bago ako pinayuhang maupo. Kinuha niya ang ilang vitamins mula sa drawer at inilapag sa maliit na tray sa harap ko. “These are your prenatal vitamins,” sabi niya habang isa-isang ipinapakita sa akin ang mga ito. “Take them exactly as prescribed. Huwag mong kakalimutang uminom ng tubig, at kailangan mo ring magpahinga.” Kinuha ko ang mga vitamins at inilagay sa bag ko. “Thank you, Ate Sab.” Saglit siyang tumingin sa akin bago tumango. “And Aria?” Napatingin ako sa kanya. “If something feels wrong, call me. Kahit maliit na bagay pa 'yan. Don't wait until it gets worse.” Tumango ako habang mahigpit na hawak ang strap ng bag ko. “I will.” Hindi na niya binanggit si Raiko. Hindi na niya tinanong kung bakit talaga ako nagpunta nang mag-isa. At nagpapasalamat ako roon. Hindi ko kayang pag-usapan si Raiko ngayon, lalo na matapos marinig mula sa kanya kanina na hindi niya ako mahal at ayaw niyang makisama sa prenatal appointment ko. Pero habang inilalagay ko ang kamay ko sa tiyan ko, isang bagay ang mahalaga sa akin. Okay ang baby ko. Kahit masakit ang lahat, sapat na muna iyon para makabawi ako ng lakas. PAGKATAPOS ng check-up ko, hindi na ako agad umuwi. Sa halip, nagpasya akong pumunta sa hospital kung saan nagtatrabaho si Raiko. Gusto ko lang siyang makita at sabihin sa kanya ang magandang balita tungkol sa baby namin. Maayos ang resulta ng ultrasound at sinabi ni Ate Sab na normal ang development ng baby. Gusto kong siya mismo ang makarinig noon mula sa akin. Kahit malamig siya sa akin, kahit ilang beses niya akong itinaboy, asawa ko pa rin siya at ama ng anak ko. Baka sakaling kahit kaunti ay matuwa siya kapag sinabi kong okay ang baby namin. Si Raiko ay hindi lang basta cardiothoracic surgeon sa hospital. Isa siya sa mga senior consultants ng Cardiothoracic Surgery Department at kabilang sa medical leadership ng hospital, kaya halos lahat ng staff ay kilala siya. Madalas siyang nasa operating room, medical conferences at board meetings, at kapag may complicated cardiac case, isa siya sa mga doktor na hinahanap. Bata pa siya kumpara sa ibang nasa mataas na posisyon, pero dahil sa galing at experience niya, mabilis niyang nakuha ang respeto ng mga tao sa hospital. Kahit pagod at busy siya, sanay siyang kontrolado ang kilos at desisyon niya. Sa labas ng trabaho, hindi ko alam kung bakit parang ako lang ang taong hindi niya kayang tratuhin nang maayos. Pagdating ko sa hospital, agad akong nakilala ng secretary niya. Tumayo ito mula sa desk at maayos akong binati bago niya ako tinanong kung may appointment ako. Sinabi kong gusto ko lang sanang makausap si Raiko. Hindi na siya nagtanong nang marami at agad niyang chineck ang schedule nito. “Ma'am Aria, nasa board meeting po si Dr. Raiko,” sabi niya habang tinitingnan ang schedule sa computer. “May meeting pa po siya sa conference room. You can wait inside his office if you want.” Tumango ako at bahagyang ngumiti. “Okay. I'll wait.” Binuksan niya ang pinto ng opisina ni Raiko at pinapasok ako. Tahimik akong umupo sa sofa habang hawak ang maliit na envelope na naglalaman ng ultrasound results ko. Paminsan-minsan ay tinitingnan ko iyon, at hindi ko mapigilang mapangiti kapag naaalala ko ang mabilis na t***k ng puso ng baby namin kanina. Gusto kong makita ang reaction ni Raiko kapag sinabi kong okay ang anak namin. Kahit simpleng “That's good” lang, magiging sapat na siguro sa akin. Lumipas ang tatlumpung minuto. Pagkatapos ay isang oras. Unti-unting nawala ang ngiti ko habang nakatingin sa wall clock. Ilang beses akong tumayo at naupo ulit. Uminom ako ng tubig, tumingin sa cellphone ko at muling ibinalik ang tingin sa pinto. Hindi ako umalis. Pinili kong hintayin siya dahil ayokong umuwi nang hindi man lang sinasabi sa kanya ang tungkol sa baby. Nang bumukas ang pinto, agad akong napalingon. Pumasok si Raiko kasama ang dalawang doktor at ilang executives mula sa meeting. Naka-formal siyang polo at trousers, may hawak na folder habang seryoso niyang kinakausap ang mga kasama niya. Nang makita niya ako sa loob ng opisina niya, biglang tumigil ang mga hakbang niya. Nagtama ang mga mata namin. Agad nawala ang maliit kong ngiti nang makita ko ang expression niya. Hindi siya mukhang surprised. Mas mukha siyang naiinis. “Aria,” malamig niyang tawag habang inilapag ang folder sa mesa. Tumayo ako agad. “Hi. I've been waiting for you.” Tiningnan niya ang wall clock bago ibinalik ang tingin sa akin. “Why are you here?” Bahagya akong napalunok. “Gusto lang kitang makita.” “I'm working.” Kinuha niya ang isang dokumento sa mesa at mabilis iyong binuklat. “You should have called.” “I wanted to tell you something personally.” Hindi siya sumagot. Nanatili siyang nakatingin sa dokumento na para bang wala akong sinasabi. Kinuha ko ang envelope mula sa bag ko at marahan iyong inilabas. “The baby is okay,” sabi ko, pilit na ngumiti. “Yan ang resulta ng check–up ko. Normal ang development niya and I heard the heartbeat again.” Saglit siyang tumigil sa ginagawa niya, pero hindi man lang nagbago ang expression niya. “Good.” Isang salita lang ang sagot niya, tapos wala pang emosyon. Napatingin ako sa kanya, umaasang may susunod pa siyang sasabihin, pero bumalik lang siya sa mga dokumento niya. “That's it?” tanong ko nang mahina. Napataas ang tingin niya. “What do you want me to say?” “Hindi ko alam.” Napayuko ako sandali bago muling tumingin sa kanya. “Maybe you could at least ask how the baby is.” “Sab already told you everything you needed to know.” “Pero ikaw ang ama niya, Raiko,” giit ko. Tumigas ang mukha niya. “And I know that.” “Then why do you act like you don't care?” tanong ko sa tonong nagtatampo. Biglang siyang natahimik. Dahan-dahang ibinaba ni Raiko ang hawak niyang papel at tumingin sa akin nang diretso. “Because every time I look at you, I remember what happened.” Agad na nanikip ang dibdib ko. Alam ko kung ano ang ibig niyang sabihin. Noong araw na nahuli kami ni Raiko na magkasama sa isang kwarto, pareho kaming walang saplot at pareho kaming hindi alam kung paano nangyari ang lahat. Kinabukasan, nalaman naming nakunan si Stephanie. Hindi ko alam noon na buntis pala siya. Hindi ko alam na dinadala nito ang anak ni Raiko. Kung nalaman ko lang, hindi ko kailanman gugustuhing mapunta sa ganitong sitwasyon. Si Stephanie ay anak ng dating katulong ng pamilya nila Raiko. Lumaki siya sa mansiyon at kababata niya si Raiko. Magkasama silang lumaki, magkasamang nag-aral sa mga unang taon nila at pareho nilang kilala ang bawat maliit na bagay tungkol sa isa't isa. Nang umalis ang ina ni Stephanie sa kanilang mansiyon, nanatili ang koneksyon niya kay Raiko. Sa paglipas ng panahon, naging higit pa sa pagkakaibigan ang nararamdaman nila para sa isa't isa. Magkapareho sila sa maraming bagay. Pareho silang tahimik kapag may problema, parehong ayaw ng magulong lugar at pareho nilang gusto ang simpleng pagkain kaysa sa mga mamahaling handaan. Pareho silang mahilig sa classical music at parehong sanay sa tahimik na umaga na may kape habang nagbabasa. Si Stephanie ay hindi mahilig sa spotlight, hindi mapilit at marunong umunawa kapag kailangan ni Raiko ng space. Kapag may desisyon si Raiko, hindi siya nagtatanong nang paulit-ulit. Naiintindihan niya agad kung ano ang gusto nito. Ako ang kabaligtaran ni Stephanie. Madaldal ako kapag komportable ako. Mahilig akong magtanong. Kapag may problema, gusto kong pag-usapan agad. Hindi ako sanay na tinatago ang nararamdaman ko. At marahil iyon ang isa sa mga dahilan kung bakit mas gusto ni Raiko si Stephanie. She understood his silence. Ako, gusto kong marinig ang mga salita niya. “Hindi ko alam na buntis siya noon,” mahina kong sabi habang pilit na nilulunok ang bigat sa lalamunan ko. “If I knew, Raiko, I would have stayed away.” Napahigpit ang panga niya. “But you didn't.” “I didn't know.” “Pero nangyari pa rin.” Napapikit ako sandali bago muling tumingin sa kanya. “Alam kong nasaktan ka. Alam kong sinisi mo ako. Pero hindi ko rin ginusto ang nangyari sa atin.” “Don't talk about what happened like it was nothing.” “Hindi ko sinasabing wala lang iyon.” Naging nanginginig ang boses ko habang hawak ko ang envelope ng ultrasound. “I carry the consequences too.” Napatingin siya sa kamay ko, saka sa tiyan ko, pero mabilis ding umiwas ang mga mata niya. “I'm carrying your child, Raiko.” “I know.” “Then why do you keep treating me like I'm the only person who ruined your life?” Napahinga siya nang malalim bago lumapit sa mesa. “Because you were never supposed to be part of my life this way.” Napayuko ako. Masakit iyon marinig. Pero mas masakit dahil alam kong kahit anong sabihin ko, hindi ko mababago ang nararamdaman niya para kay Stephanie. “I'm sorry,” mahina kong sabi habang pinipigilan ang luha. “Pero hindi ko kayang ibalik ang panahon. At hindi ko rin kayang mawala ang baby natin just because you wish none of this happened.” Nanatiling tahimik si Raiko. Marahan kong inilagay ang envelope sa mesa. “I just came here because I wanted you to know that your baby is fine.” Hindi ko na hinintay ang sagot niya. Kinuha ko ang bag ko at maingat na inayos ang hawakan nito sa balikat ko bago ako tumalikod. Ayokong umiyak sa harap niya. Ayokong makita niyang kahit isang salita lang niya ay kaya akong durugin. Pero bago ako tuluyang makarating sa pinto, narinig ko ang malamig niyang boses. “Aria.” Huminto ako pero hindi agad lumingon. “Next time, don't wait for me.” Mahigpit kong kinuyom ang kamay ko bago dahan-dahang tumango. “Okay.” Binuksan ko ang pinto at lumabas ng opisina niya, dala ang ultrasound results ng baby namin at ang bigat ng mga salitang muli niyang ipinaalala sa akin kung sino ang mahal niya at kung sino ang ayaw niyang maging bahagi ng buhay niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD