Pagkatapos namin mag shopping ni Marcus, ay este ni Love pala ay kumain muna kami sa mamahaling restaurant. Hindi namin namalayan ang oras at mag gagabi na pala pero heto pa rin kami sa mall gumagala. Napapagod na nga ako sa kakalakad eh pero hindi ko lang sinasabi kay love kasi nakakahiya naman baka sabihin niyang puro ako reklamo. "Hinihila mo na ang paa mo ah, pagod ka na noh?" tanong nito. "Opo. Pwedi bang magpahinga na muna tayo?" sabi ko naman. "Of course. Halika doon tayo sa milktea house. Mag milktea muna tayo," sabi naman niya. Hindi na ako nakasagot at hinila na niya ang aking kamay papasok sa milk tea house. Grabi napakaraming tao at lahat ng mga iyon parang nagdedate. Nag order na kami ng aming maiinom na milktea. Napili kong flavor iyong mango kasi masarap talaga iyon.

