Wala kaming kibuan ni Marcus ng nasa opisina kami. Ang dami kasing gagawin na trabaho plus narinig ko pa ang usapan nila ni Abby. Parang biglang nawalan ako ng gana. Nakakainis naman kasing Abby na iyon eh. Pinipilit pa si Marcus kay Allison e ayaw na nga ng isa. Nakakasama talaga ng loob ang pinagsasabi ni Abby kay Marcus. Buti nakang kamo at mahal ako ng boyfriend ko. Nagkunwari lang akong walang narinig. Parang wala siya sa kanyang sarili at napupuna ko iyon. Medyo awkward kasi kaya inunahan ko na siyang kausapin. "Bakit ka bumalik kaagad? Akala ko ba gusto mong magpahangin?" tanong ko. "Bigla kasing nag iba ang mood ko. Hindi ko pala kaya na hindi ka nakikita," sabi naman nito at nagpapacute pa sa akin. Tumawa lang ako. "Talaga lang ha! Baka mas lalo akong mainlove niyan sa'yo da

