Sinundo ako sa bahay ni Nicolas para umattend ng party sa bahay ng kaibigan niya. Naka dress ako na kulau pula at pinaresan ito ng heels na 3 inches at pula rin. Sinabihan na rin ako ni Nicolas na mga mayayaman ang taong nandoon kaya nag ayos talaga ako. Nang makita niya ako ay nakatitig lang siya sa akin at hindi makapagsalita. "Hoy! Okay kalang?" tanong ko sa kanya. "Y-yeah, okay lang ako na starstruck lang ako kasi ang ganda ganda mo," sabi naman niya. Nahiya naman ako. H'wag mo na nga akong bolahin diyan," sabi ko sabay hampas sa balikat niya. Tumawa lang siya sa akin. "Totoo, ang ganda mo ngayon," aniya. Nakita kong namumula ang pisngi nito habang nakatitig sa akin. "Wow, ang cute mo naman kapag nagbublush." Kinurot ko ang pisngi nito. "Ako na naman ata ang binobola mo eh. Ta

