Gustong gusto ko ng sabihin kay Marcus ang nalaman namin ni Ate Celine pero pinipigilan ko ang aking sarili. May pinag-usapan kaminh dalawa na ibulgar sa araw ang kasinungalingan ni Allison sa araw ng kanilang kasal para mapahiya siya. Pero paano si Marcus? Pati siya mapapahiya rin sa maraming tao. "Malalim ata ang iniisip mo?" Napaigtad ako ng may narinig akong nagsalita sa likuran ko. "Marcus, narito ka pala. Si Allison nasaan?" tanong ko sa kanya at ngumiti. Nandito kami ngayon sa rooftop. Hindi na siya sumagot sa akin at hinawakan niya ang aking beywang pagkatapos ay mariin akong hinalikan. "I miss you so much, Ella!" bulong niya sa akin. Niyakap ko din siya. Wala ng rason para umiwas pa ako sa kanya dahil alam ko na ang totoo. Si Alliaon ang may pakana ng lahat ng ito kaya siya la

