Galit na galit ako sa aking sarili kasi ang tanga tanga ko. Pero ganoon naman talaga ang pag-ibig hindi ba? Handa akong magpakatangan basta hindi lang kami maghihiwalay ni Marcus. Nakaupo ako dito ngayon sa loob ng kanyang opisina. Nakatulala at lutang, ramdam kong wala ako sa aking sarili. Kagabi pa ako ganito, actually hindi lang kagabi kundi mga ilang linggo na rin. Ilang linggo na rin na wala akong peace of mind, at stress ng dahil sa love life ko. Natauhan ako ng biglang may narinig akong kumatok sa may pintuan. Agad naman akong tumayo at binuksan, si Marcus. Narito na siya at parang hindi lang niya ako nakita. Dumiretso lang siya at umupo sa kanyang upuan, hindi manlang ako binati. Hindi ko kaya ang ganito, hindi ko kaya na hindi niya ako kinakausap. Nilapitan ko siya at hinapl

