CHAPTER 4. Where is my Panty?

2025 Words

(Ella's POV) Dahil sa sobrang excitement ko na pumasyal dito sa lugar ng Iloilo ay maaga akong nagising. Tiningnan ko si Sir Marcus sa sofa. Nakikita ko siyang nakanganga at mahimbing pa rin ang tulog. Lumapit ako sa kanya tinitigan siya ng husto. Kahit ano ang kanyang anggulo ay nakapa pogi talaga niya. Nagsawa muna ako sa kakatitig sa kanya bago ko siya ginising. Baka kasi biglang bumukas ang kanyang mata at mahuli niya akong tinitingnan siya tiyak na magagalit na naman ito. Niyugyog ko ang kanyang balikat. "Sir, gumising na po kayo. Tanghali na po," sabi ko. "Hmmm," sabi lang niya. Niyugyog ko ulit ang kanyang balikat. "Sir naman, bumangon na po kayo riyan. Anong oras na oh, akala ko ba may meeting ka ngayon?" naiinis kong tanong. Bigla siyang bumangon at tinitigan ako ng masama

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD