Pagkadilat ko ng aking mata puros kulay puti ang mga kulay na nakapalibot sa akin. "Nasaan ako?" tanong ko sa aking sarili..Bigla akong napahawak sa ulo dahil sa sakit. Nahawakan ko ang bandage sa aking ulo. Huli na ng marealize ko na nasa ospital pala ako. Ang tanong kolang ay kung sino ang nagdala sa akin dito? Si Nicolas ba? Impossible naman na si Marcus kasi busy iyon kay Allison. Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito si Mama. "Ella, anak anong nangyari sa iyo?!" nag-alala nitong sa akin. Hindi ako nakasagot sa tanong niya. Sumunod naman na pumasok sina Allison, Marcus at Nicolas. Nagtinginan kaming apat. Paano nalaman ni Mama na nandito ako sa ospital? "Tinatanong kita Ella, anong nangyari sa iyo? Bakit ka nakatulala sa kanila?" sunod-sunod na tanong ni Mama. Hindi pa rin a

