Maaga akong dumating sa opisina ni Marcus. Excited kasi akong makita ang pogi niyang mukha. Kahit na isang gabi ko palang siya na hindi nakikita ay namimiss ko siya kaagad. Gusto kong magkasama kami palagi. Naglinis muna ako ng mga alikabok, maarte kasi iyon kapag may nakikitang dumi. Dati naiinis ako kapag pumapasok ng trabaho kasi ang sungit niya sa akin. Ngayon naiinsapired na ako, ganito talaga siguro kapag inlove. Sana hindi na mawala ang ganitong feeling kasi sobrang sarap sa pakiramdam. Napaigtad ako ng may biglang yumakap sa aking likuran. "Goodmorning my life," bati niya sa akin at hinalikan ako sa leeg. Narito na pala si Marcus. hindi ko iyon napansin dahil sa kakaisip ko sa kanya. "Goodmorning din. Narito kana pala, hindi kita naramdaman ah," sabi ko naman sabay harap sa

