Ngayon narito na naman kami sa Festive Walk. Grabi ang lawak talaga ng lugar na ito. Sobrang maganda pa. Si Sir Marcus ayun nakaupo lang sa sulok at ako naman tamang tingin tingin sa paligid. May hawak pa akong milk tea na nilibre sa akin ni Sir. Itong nangyari kagabi hindi na namin napag-usapan ni Sir tsaka kung may sinasabi man siya tungkol doon ay umiiwas ako. Nakakahiya kasi e. Parang gusto ko nalang iyon ibaon sa limot kung maari lang. Tinabihan ko siya sa kanyang upuan. "Sir, bakit nakaupo kalang diyan? Tara ikutin natin ang buong lugar na ito," sabi ko sa kanya pero hindi ako nakatingin. Medyo awkward kasi dahil doon sa nangyari kagabi. "Later," sabi niya at kinuha ang kanyang cellphone sa bulsa. "Ako nalang po babalik ako kaagad. Gusto ko kasing kumuha ng maganda picture dit

