A NIGHT WITH THE KING..... Ellaina's POV... Nainis ako ng basta nalang ako hilahin ni Jarred palabas ng kotse at pumasok kami sa campus building . Sa rooftop na pinagdalhan sakin non ni Azzerdon , don nya ako dinala. "Ano ba Jarred ang sakit ng paa ko, bakit kaba nanghihila,?" Inis kong sabi. Naupo ako sa sofa at inalis ang mataas na sandals . Parang nangalay ang pilay ko don ah. Tskk epal naman kase itong si Jarred. "Bakit ka pumunta kay Travis? Para magpahalik ha ganon Ellaina?" Tiim ang bagang na Tanong nito. "H-ha paano mo nalaman?" Gulat kong tanong. Napapikit sya sa inis. "Ellaina mag-isip ka nga ng tama, stop acting like a kid. Sarap mong tamaan eh" tila nagtitimping sabi ni Jarred. "J-jarred ano bang mali sa ginawa ko? Gusto ko lang malaman kung magaling na ako" labi ko p

