Chapter 02

1198 Words
Nanlamig ang mga balahibo ko habang kinukuha ang mga bangkay ng tatlong kaawa awang mga estudyante. Dahil late nako sa meeting namin kumaripas nako ng takbo habang iniisip pano nang yari yun? Umihi lng ako saglit at wala na sila? Nakakapagtaka bakit lahat ng lalaki kumakausap sakin nawawala? Hindi ba parang kakaiba iyon dahil binabati lang nila ako pero nawawala sila? At ang malaking tanong. Sino ang pumatay sakanila?... Ito ang mga iniisip ko habang tumatakbo papunta sa room. "Miss Zamora, you're late!! what's your excuse? " ani ng teacher namin na taga announce ng mga kalahok sa bawat competition. "I'm sorry ma'am it's because there is a three students died earlier and I came to look about what happened"sabi ko habang naka yuko ang aking ulo. " Another? Hmm...that's weird" sabi ng guro na may bakas ng pangangamba sa kanyang reaction. "Well sit down miss Zamora we still need to continue this" "Yes ma'am" sabi ko at umupo nako ng hinihingal. ~Meanwhile~ Our Competitor for the final round is... "Miss Zamora " Nagulat ako dahil ako ang lalaban sa final round ito na nga ba ang pangarap ko eh ang makalaban sa international quiz bee competition. "Congrats Miss Zamora" ani ng isang estudyante. "Congrats sayo"sabi rin ng mga Professor dun. Pero sa isa lang napunta ang tingin ko kay ????????? ???????? ????? na hindi ko namalayan nakatingin na rin pala sya sakin at meron itong ngiti sa mga labi. (Ang weird talaga nya) ito na lng ang lumabas sa isip ko habang nakatingin sa kanyang kulay asul sa mga mata... Ang gwapo talaga nya kaso hindi ko maipaliwanag ang aking nararamdaman tuwing nkikita sya ng mga mata ko. Umalis na rin ako sa loob ng conference room dahil kaming dalawa na lng ang natitira at may something akong naramdaman habang nakatitig ako sa kanyang mga mata, bigla na lng may kung ano na bumalik sa mga ala-ala ko na para bang na kita kona sya dati pero ang hindi ko alam kailan? Saan? At bakit? Naguguluhan ako sa pang yayari pero ngayon, dahil tapos na rin naman ang gagawin ko dito sa paaralan uuwi nako, para naman masabi ko kila Inay at Itay na pasok ako at ako pa ang lalaban sa competition. " Hindi na ako maka pag hintay na sabihin sa kanila" "Inay... Itay..." Tinatawag ko ang magulang ko para sabihin ang magandang balita ng biglang. "Surprise!! Congrats bunso" ani ni ate Maxine at niyakap ako habang nakangiti si Kuya Matt. "Ate? Kuya?? Andito kayo? "hindi makapaniwalang sabi ko dahil ang alam ko nasa Canada sila dahil nga sa work nila pero hindi ko aakalain na uuwi sila? " Nagulat kaba bunso?" Ani ni kuya na naka ngiti habang nakatingin sakin. "Sinong hindi magugulat kuya andito kayo eh teka Inay? Itay? May kinalaman kayo dito?" Sabi ko sa magulang ko ng naka nguso. "Uhh... Ehh... Kasi anak ganto-" mag papaliwanag pa sana si papa pero nag salita na si mama. "Tara na mga anak wag na kayo mag salita kumain na muna tayo at icelebrate ang pag uwi ng panganay at pangalawa ko, syempre ang pag kuha kay Callista para sa ilalaban sa International quiz bee" ani ni inay. "Ma alam nyo? " napatanong ako pano nila nalaman eh hindi ko pa nman sinasabi sakanila. "Shhh... Secret lng anak" inilagay ni mama ang hintuturo nya sa kanyang labi at hinila ako para kumain. Pag katapos namin kumain ay niligpit kona ang kakainan at nag hugas nako nung natapos nako mag hugas kinuha ko na ang damit pantulog para mag half bath. "Ang fresko"ani ko paglabas ng banyo at pumunta sa kwarto ko para humiga na. Pero hindi ko makakalimutan ang mag dasal lalo na sa mga blessings na ibinibigay samin ng maykapal. ~Amen~ Ang huli kong sinabi bago nakatulog Panibagong umaga at nagdasal ulit ako at pag katapos ay tumayo nako para ayusin ang hinigaan ko, (Goodmorning self God is good all the time) pag kasabi ko noon ay napag balakan ko na pumunta sa Mall, ngayon araw para sana bumili ako ng mga kailangan ko para sa pag hahanda sa competition. "Atee!!" Sigaw ko at narinig ko ang yapak ng pagtakbo ni ate papunta sa kwarto ko. "Ang aga-aga Callista ang ingay mo bakit ba yun? " tugon ni ate sa pag sigaw ko. "Hihi pasensya na ate pero gusto ko sana na isama ka papunta sa mall-" nag sasalita pako ng nag sabi si ate ng. "Hindi pwede ngayon may gagawin pako bunso pero promise babawi si ate" sabi nya na para bang importante talaga iyon. "Cge ate naiintindihan ko si inay nalang muna ang isasama ko" "Umalis si inay kasama si itay para mamalengke" "Ganun ba ate cge po ako nalang muna ang pupunta" ang sabi ko ngumiti lang si ate at bumaba na. Dahil ako ngalang isa ang pupunta sa mall kumuha nako ng susuotin ko at para makaligo na rin ako. "Ayy salamat nakaligo na rin" batid ko at nag ayos na ng buhok para naman maka pagayos nako. Ilang minuto akong naka tunganga ng bumalik sa ala-ala ko ang isa pa sa bestfriend ko noon, hanggang ngayon bakas pa rin sa aking mukha ang kanyang pag kawala. Alam mo yung tipong nakaraan nag uusap pa kayo tapos bigla nalang syang hindi nag paramdam. Wala eh hindi nya na kinaya masakit sakin bilang kaibigan na mawalay sakanya. Pero sana nag sabi sya, handa naman akong makinig sa kanya eh, pero yung sasabihin nyang..... "Kalimutan mo na ang lahat ng pinagsamahan natin, ayoko na saktan ang bestfriend ko simula pagkabata, mahal kita bilang kaibigan,Calli,sana maging masaya ka at sana maalala mo na ulit sya, nasasaktan na sya eh pero laban lang ah, mahal na mahal ko kayo, pero suko nako....hindi ko na kaya eh......ang huli ko lang na hiling ay sana ay limutin mo na ang lahat lahat na pinagsamahan natin,kasi kung hindi....mumultuhin kita" tumawa pa sya ng bahagya, pero naririnig ko ang hirap sa pag hinga nya. Patuloy sa pag patak ang aking mga luha habang tinitignan sya, hindi ko kaya na makita syang nahihirapan. - Ilang saglit ng matauhan ako ay bumalik nako sa ginagawa ko. Bumaba nako ng hagdan at mauuna gusto ko sanang tanungin sila ate at kuya kung may ipapabile sila kaso hindi ko sila makita kaya nauna na lang ako dahil para makapag ikot ikot pako sa mall. Habang nag aantay ako ng sasakyan bigla na lng sumulpot si Professor Makenzee bitbit ang kulay pulang kotse ang ganda nito at matingkad. "Saan ka pupunta? " tanong nito sakin na medyo cold ang boses. "Uhm ikaw po pala professor goodmorning po pupunta po sana ako sa mall para sa ihahanda"sagot ko rito. "I see... Wala rin naman akong gagawin tara sakay kana sasamahan na lang kita sa mall"pahayag nito sakin habang inayos ang harapan nito. (Seryoso ba sya?) "Hindi na poh ok lng naman po ako " batid ko dito pero dahil makulit sya. "Nope I insist pumasok kana " sabi nya sakin at dahil nga nahihiya ako lumabas sya sa sasakyan na ikinagulat ko. Lumapit sya sa pwesto ko at binuksan ang pinto ... "Pumasok kana Binibining Yñaves" (Why does he know my Last name?)
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD