Her POV:
Alam nila Ate Maxine na meron kaming party
ngayon at dahil nga mahilig sya mag ayos sya na nag assist na ayusan ako.
Kumakain kami ngayon nila ate dahil kakauwi ko lang galing sa school at mamaya pa naman ang ball kaya sabi ni inay na kumain daw muna ako.
Ang ulam namin ngayon ay Steamed bonelessh fish with tomato sauce with chili extract (Sardinas) favorite ko to syempre kaya kumain rin talaga ako.
Habang kumakain bigla na lang nag vibrate yung cellphone ko.
Kaya naman kinuha ko agad ito at nakita ko na nag chat si Professor Ken pero pano nya malaman yung number ko?
From Ken: "Hi Callista uhmm... Mamaya pala pwede ako na lang mag sundo sayo?" Kita kong tanong nito sakin.
Pero bakit? Well hindi ko alam pero.
To Ken: "Di na po, ok lng po ihahatid naman po ako ni ate" sagot ko rito kasi mamaya makita pa kami ng mga students at mag hinala na naman eh.
Papatayin ko na sana yung cellphone ko ng nag vibrate ulit.
From Ken: "I insist" maikling sagot nito pero hindi nako nag reply kasi wala rin akong balak.
4 na ng Hapon and pinaakyat nako ni Ate Maxine sa kwarto nya, andami nyang bitbit na make up at tlagang mamahalin ito kasi hindi ko naman ito narinig pa.
Dahil nga maliit lang ang aking mukha pero may makapal na kilay at pilikmata naman ako, inuna ni ate na i Blend ang cream sa mukha ko sabi kasi ni ate ok naman na daw mukha ko cream na lang daw, sinundan nya ito ng light eye shadow kasi daw maputi naman daw ako habang nilalagyan nya ako nun nag dadaldal sya masarap talaga sya kasama.
Pero minsan strikto lang-pag katapos nya ako lagyan ng eye shadow nilagyan nya ako ng highlighter sa ilang parte ng mukha ko, hinuli nya na ang lipstick, ang ganda nito kulay pink at glossy.
Habang susuotan na sana ako ni ate nakita ko ang gown na susuotin ko napaka ganda at pulang pula bagay talaga sa kulay ng balat ko.

Dahil wala naman ako masabi nag pasuot na agad ako kay ate at sobrang bumagay ito sakin hindi ako makapag salita sobrang ganda kung lalaki lang ako niligawan kona sarili ko.
Ilang beses kong nararamdaman na nag VI vibrate ang cellphone ko simula nung inayusan ako hanggang sa matapos akong ayusan.
Dahil nag vi vibrate ulit yung cellphone ko tinignan ko na ito and nagulat ako sa sinabi nya.
From Ken: "Hey kanina pako nag cha chat, why are you ignoring me huh? "
From Ken: "Bat ang tagal mo mag reply?"
From Ken: "I miss your presence" grabe ba?
Ay jusq hindi ba sya makaintindi na ayko nga ang kulit nya, 5:30 na ngaun and 20mns nalang ay mag sisimula na ang event, then suddenly I heard a car noise outside dahil alam kong sya un wala nako nagawa pag baba ko sinalubong ako nila inay, itay, at kuya nakangiti sila sakin.
"Ang ganda talaga ng lahi ko" sabi ni inay at alam kong nakangiti ito ng sobra.
"Ganda mo anak always" sabi ni itay and I smile widely.
"Grabe ba bunso kung gwapo ang kuya syempre maganda and bunso ni kuya" tumawa ito at tumawa na lang din ako pero si ate pinapasok pala si Professor Ken ng hindi ko namamalayan na nakatingin na pala sakin.
Para syang Statwa hindi gumagalaw at nakatingin lang sakin.
Nag mano sya kila inay at itay at ngumiti sila sa kanya nag paalam na rin kami dahil mag sisimula na ang event.
Hawak hawak nya ang kamay ko at binuksan ang pinto ng kotse sa harapan pinaupo nya ako dito.
Nang nakaupo na kami ramdam ko ang lakas ng aircon at amoy na amoy ko ang natural nya na amoy.
Nakakaadik itong amuyin parang kapag lumapit pako sa kanya ng unti ay makaka tulog talaga ako ng mahimbing kahit na gising ang aking puso't diwa.
Habang malapit na kami sa venue ng gaganapin ball.
Narinig ko ang pag clear nya sa kanyang lalamunan tapos bigla syang nag salita.
"Ang ganda mo Callista" marahan ngunit nakaka attract na sabi nito sakin.
"Wag mokong bolahin Professor Ken pero thank you ikaw rin naman pogi" may sinabi pako "as always talaga" pabulong na lang ito pero parang narinig nya pa dahil nakita ko ang pag pula ng tenga nya.
"I'm sorry Callista, but, I was born in this world to be true to myself and I'm thankful to my mother for that" sinabi nya iyon na naramdaman ko ang pag punta ng mga dugo ko sa aking mukha.
"Well kahit na totoo iyon or hindi still thank you for your time " saad ko rito at huminto na rin sya dahil andito na kami.
Sheettt ang daming estudyante makikita talaga kami sabi na eh.
Bumaba sya andaming nakatingin sakanya at kita ko yun grabe ang gwapo nya talaga wala na talaga akong masabi akalain mo yun isang Makenzee Claes ang nag hatid sakin dito mismo at sya pa ang mag iisang anak ni Alexander Claes na may ari ng pinaka kilalang paaralan dito sa Pilipinas.
Di na ako mag ta talk grabe mukha tlaga syang bata pero ilan taon na sya 24 while me 20.

Ito ang suot nya kaya talagang naka agaw pansin nung binuksan nya ang pinto hinawakan nya ang kamay ko at inalalayan ako.
Nagulat ang nakararami pero syempre lahat kami may suot ng mask pero kahit ganun kilala pa rin talaga nila kami.
Naririnig ko pa nga ang mga bulungan ng ilan yung iba sinasabi na ang ganda daw ng suot ko ung iba naman nag tatanong sa kasama nila kung sino daw bako.
Pumasok na kaming lahat sa loob dahil mag sisimula na ni hindi nga ako nakilala nila Elsienna, Xyriel, At Agatha pero sila kilala ko parin ang unfair ha but alam ko naman kasi tatlo silang nag niningning grabe ang gaganda nila sobra, pero sakin nakakapagtaka pano si ate naka renta ng ganun kagandang gown diba.
Umupo na kaming lahat ng lumabas si dean sa likod ng stage at nag salita.
"Good evening everyone now we're celebrating the Grand Masquerade Ball hope you all enjoy this much event because we all the faculty staff help each other to build this event. "ng sinabi nya un ay binitawan nya na rin ang mic at pumunta na ulit sa likod ng stage.