UNTITLED SPOKEN #1

293 Words
Masaya ang mabuhay sa kasalukuyan Masaya dahil mas madali ang mga bagay bagay Pero ang saya na ito ang tutuldok sa ating tirahan Ang saya na ito ang tatapos sa bagong henerasyon Paumanhin Kung amin ng imumulat ang mga matang nasanay ng nakapikit aming ng gigisingin ang isip Nasanay ng managinip Kailangan na kasi nating harapin ang mga kasalanang tayo ang may gawa Ang mga kasalanan bunga ng mga imahinasyon na naging imbensyon at ngayon siyang tatapos sa kasalukuyang panahon Pagod na kami sa walang tigil na gulo Pagod na kami sa walang katapusan karahasan Ayoko na Hindi ba pedeng ihinto na lang ang ikot ng mundo Pwede bang huminga kahit ilang segundo Dapat pakinggan kaming kabataan Naghahangad ng magandang kinabukasan Para sa mundong ating ginagalawan Kaya ang hiling ingatan at mahalin itong mundo natin kami ang kabataan nag hahangad lang mg magandang kinabukasan kami ang mga kabataan na umaasam sa payapang tirahan kami ang kabataang natatangin pag asa nang bayan PERO.. Pero kami, ako ang kabataang nawalan na nang pagasa para sa mundo at sa pagbabagong pinapangarap ko Iisang mundo lang ang ating ginagalawan Iisang tirahan para sa bawat nilalang bakit hindi natin ayusin kesa humanap ng bagong planetang sisirain at hindi naman atin Nakikiusap akong tayo'y mag tulungan Para sa hinaharap na henerasyon Pagkatapos ng aming henerasyon Ako'y humihiling na wag ng gayahin ang pag kakamaling nagawa namin Kung hindi namin nagawang baguhin ang daloy ng mundo Maanong baguhin niyo ito para sa biyaya ng maykapal na aming inabuso Sundin Ang damdamin at Gumawa Ng bagong daan Sa gitna ng kaliwa at kanan Mag kaisa para sa pagbabago Pagbabagong para sa mundo Mundo na para sa tao Tao para alagaan ang natatanging tirahan Nang hinaharap ng isat isa Ay ating maasahan
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD