Part 10

3166 Words
"Ju, sino bang hinahanap mo? Bakit hindi ka mapakali?" "Wag ka ngang magulo diyan Matty, hanapin mo na lang si Greco" "Paano mo siya mahahanap sa ganitong lugar aber? Ang y ibaba, nagkukumpulan kasi may event. Dami rin kasing freebies kaya ganun. "Bakit mo ba kasi siya hinahanap? Alam mo minsan nagseselos nako, palagi na nga kayong magkasama tapos hinahanap hanap mo pa siya!" "Hala, baliw ka na naman. Syempre, sa tuwing iniiwan mo ko kapag kasama mo si Maddie, siya kasama ko!" "Hoy grabe ka, ikaw kaya lumalayo kapag kasama ko si Maddie, okay lang naman na kasama ka eh" Okay lang naman talaga kay Matteo pero kay Maddie hindi, ang dami kong nababasa sa isip niya na negative. "Ano ba tong baklang to, nakasunod na naman samen ni Matteo." "Walang Matteo kapag walang Julian, kairita" "Di marunong makiramdam tong Julian na to nakakainis" Ganyan sinasabi ni Maddie sa isip niya. Nakakairita, maganda naman siya pero nakakairita. "Basta ramdam ko ayaw niya akong kasama" sabi ko na lang. "Sus, nag iinarte ka lang eh. " "Ako pa ah, baka yang girlfriend mo!" "Haha, hindi ko pa girlfriend si Maddie, medyo pakipot pa siya eh" "Pakipot pa, eh nagchurvahan na kayo!!" "Hahhaa grabe ka magsalita," "Totoo naman ehhh!" Sabi ko. Tumawa lang siya ng tumawa. Grabe, ang gwapo talaga ni Matteo. Sa kada ngiti niya, gustong gusto kong basahin kung anong nasa isip niya, kaso di ko talaga magawa. Ang sarap pa niya pagmasdan, kasi yung tipo niya yung suplado look pero baliw, tapos ang bango bango niya, ang laki pa ng braso kasi adik sa gym. "Nako Ju, ayan na si Laurence mo" sabi ni Matteo. Nakita kong palapit siya samen, isa pa tong si Laurence, ang gwapo gwapo rin. May killer smile na talagang mapapangiti ka. Kapag dadaan din siya, talagang pinagtitinginan din siya, ang gwapo kasi talaga at adik din sa gym. "Walang klase! Haha, nakakatuwa," sabi niya paglapit samen. "Oo nga pre eh hehe. Tara gym?" Yaya ni Matteo. "Tara tara! Di ako nakapagbuhat kanina eh" sabi ni Laurence. "Ngayon na talaga?" Sabi ko sakanila. "Oo, ganyan talaga. Wala ka namang pupumtahan eh kaya sumama ka na lang" sabi ni Matteo. Medyo gusto ko rin kasi atleast makikita ko silang nagbabanat ng katawan habang pawisan. Medyo malandi yung intention ko pero minsan lang naman yun. +++++++ May hawak din akong barbel, pero 2kgs lang, di ko kasi feel mag gym masyado. Pero yung dalawa, grabe sa gym. Mga beastmode. Nakahiga si Matteo, nagbubuhat, habang si Laurence, naka alalay sa binubuhat niya. "Kumusta kayo ng pinsan ko pre?" Tanong ni Laurence kay Matteo. "Okay... naman... pre..." nagbubuhat kasi siya kaya di siya makasagot ng maayos. "Nanliligaw ka na ba? Nako pre, mamaya paasahin mo lang yun ah hahaha. Lagot ka saken!" Biro ni Laurence. Binaba na ni Matteo yung binubuhat niya at naupo sa bench, sht, ang hot niya lalo. Naka sando lang at pawis na pawis, namumula pa mga braso niya. "Hahaha, hindi naman namen minamadali eh, hayaan mo muna yung panahon hehe" sabi naman ni Matteo. Aware naman sila na nakikinig ako sa usapan nila. "Eh ikaw, ano bang plano mo kay Juju ko? Mamaya kung ano lang balak mo ha!" Parang kuya yung datingan ni Matteo nung tinanong niya si Laurence. "Katulad niyo, gusto ko lang din enjoyin yung moment." Biglang tumingin si Laurence saken at kumindat.   Sht, ang gwapo!!! Siya naman yung humiga at nagbuhat habang nakaalalay si Matteo. Ang sarap nilang pagmasdan na dalawa, su Matteo at Laurence, gym buddies. Habang ako nag sa-sight seeing lang. "Nako, kapag niloloko mo lang juju ko, lagot ka saken! Haha" biro ni Matteo. "Hindi niloloko ang mga katulad ni Julian" sabi ni Laurence. Sht, bakit kinikilig naman ako sa sinasabi ni Laurence saken.   Napatingin tuloy si Matteo saken at mukhang inaasar ako kay Laurence. Di ko rin kasi talaga makuha yung ugali ni Matteo, minsan okay kami tapos minsan naman aasarin niya ako kay Laurence tapos minsan parang inlove siya saken, "Dahan dahan lang, kinikilig si Juju sa sinasabi mo! Haha" sabi ni Matteo kay Laurence. "Haha, wag ka mag alala, di naman ako magsasawang sabihin yun sakanya" Sht, Laurence!!! Stop!! "Haha, kinikilig na yan sigurado" asar uli ni Matteo saken. Tumawa lang si Laurence sa pang aasar ni Matteo kaya lumayo ako sakanila para uminom ng tubig. Pagka inom ko ng tubig, biglang may lumapit sakeng lalaki, pawis na pawis din. May itsura naman, pero kasi iba yung level ng itsura ni Matteo at Laurence eh, kaya di ko masabing gwapong gwapo siya. "Grabe, ang sarap mag gym pre!" Sabi niya saken. Di ko sure kung ako ba talaga kausap niya oh hindi, pero ako lang naman umiinom ng tubig dito "Hehe oo nga eh" sabi ko na lang. "Justin pala pre" pakilala niya sabay abot ng kamay. "Julian" sabi ko. "Diba taga CEU ka rin?" Sabi niya.     "Ah, oo, paano mo nalaman?" "Namumukaan lang kita hehe, palagi mo kasing kasama si Matteo" "Kilala mo si Matteo?" "Oo, magkaklase kami nung high school, pero di kami masyadong close"   "Oh talaga, edi kausapin mo siya, kasama ko siya rito ngayon...." "Nako wag na, pabayaan mo na hehe. Next time na lang siguro" Bakit parang iba siya kapag si Matteo pinag uusapan?   Nakalimutan ko, pwede ko pa lang mabasa yung naiisip niya. "Are you ready for, ready for. A perfect storm, perfect storm, cause once you're mine, once you're mine....." kumakanta siya sa isip niya. Dark Horse kasi kanta sa gym ngayon. "Uy sige na pre, magbbuhat pa ako hehe" paalam ni Justin.   "Ah sige sige, ingat" sabi ko nalang.     "Sige pre, paki kumusta na lang ako kay Matteo" sabi niya sabay alis. Ako naman bumalik na kina Matteo at Laurence. Nagbubuhat pa rin silang dalawa at nagtatawanan. "Oy ju, nag uusap kami ni Laurence about sa sembreak!" Sabi ni Matteo. "Oo, diba pumayag ka ng sumama samen sa Zambales?" Sabi ni Laurence. "Oh, yun naman pala eh, edi sasama rin ako. Niyaya ako ni Maddie eh, para happy happy" sabi ni Matteo. "Ah, eh kayong bahala, kayo naman sasagot ng lahat diba?" Biro ko. "Kapal ng mukha mo Ju, mag ambag ka kahit magkano!"   "Haha hayaan mo na Matteo, ako ng bahala kay Julian, ikaw ang mag ambag kasi di ka sagutin ni Maddie sigurado" "Haha, kapag di ko sinagot ni Maddie, edi di ako sasama. Sus, ganun lang yun" Eto yung mood ni Matteo na mayabang siya. Pero sanay na ako sakanya kapag ganyan siya kaya di na bago para saken yun. ++++++++ "Nag enjoy ka ba sa view kanina Ju?" Asar ni Matteo, pabalik kami sa school ngayon kasi may klase daw kami sa isang subject namen. "Tse, mas nag enjoy pa ako kay Laurence, ang hot niya kaya magbuhat"   "Sus, saken ka nga nakatingin kanina ehhh" Nakakahiya, totoo naman na si Matteo talaga tinitignan ko. "Nako Ju, kung di lang talaga kita bestfriend, inisip ko ng may gusto ka saken!" Nakakainis talaga mang asar tong lalaking to, naaasar ako! "Lucky I'm inlove with my bestfriend" bigla siyang kumanta. Argh!!! "Sino kaya yung sinubukan akong halikan nung magkatabi kami sa kama?!!!" Bigla kong sigaw sakanya. Natahimik naman siya nung sinigawan ko siya. Pero patuloy pa rin kami sa paglalakad. Di naman ako sanay na biglang tatahimik tong si Matteo, feeling ko nasaktan siya nung sinigawan ko siya. "Uhm... Matty, umuwi ka ba kagabi?" Tanong ko. "Hindi" ang tipid ng sagot niya. "Galit ka ba kasi sinigawan....." "Sa tuwing may sumisigaw kasi saken, naaalala ko yung bahay namen. Kung pano mag away sila mama at papa, ayoko kasing sinisigawan ako Ju." Hala, ang seryoso ni Matteo ngayon. "Uy, joke lang sorry. Ikaw kasi eh, mapang asar ka!" "Hehe, sorry Ju. Ang sarap mo lang asarin eh." "Tse, kapag ikaw inasar ko, pikon ka naman!" "Haha, eh kasi, totoo naman ako tinitignan mo eh" sani niya pa. Bumalik na uli yung ngiti niya. "Bahala ka nga." Inakbayan na lang niya ako hanggang makarating sa school. "Ano palang balita sainyo?" Bigla kong tanong. "Di ko alam, di naman ako umuwi eh" "Hala, saan ka natulog kagabi?!" "Kina Maddie" "Hala? Bakit naman dun?" "Wala na akong matakbuhan eh, hehe. " "Sabi ko naman, samen ka na lang eh, okay lang naman yun" "Sus, wag na Ju, okay lang, susunod lang si Laurence dun. Okay lang naman ako kina Maddie eh, pinagsamantalahan lang niya katawan ko hahaha" "Tuwang tuwa ka naman????" Tinanggal ko yung pagkakaakbay niya saken. "Oh bakit ka na naman nagagalit Ju?" "Eh kasi... tuwang tuwa kang nakikipag anuhan sa ibang tao." "Eh ano naman Ju?" Iba yung nararamdaman ko, nagseselos ba ako? Bakit parang galit ako kay Matteo. "Kasi ginagawa mo lang yun sa kung sino sino!" "Hindi naman kung sino sino si Maddie ha? Matagal mo ng alam na gusto ko siya diba?" Dun ako mas nasaktan sa sinabi niya. Dun ko talaga narealize na mahal ko pala talaga si Matteo. Pinilit kong ngumiti sa sinabi niya. "Oo nga pala, hehe. Sorry" sabi ko na lang. "Oh, nag iba yung tono mo? Ano bang problema?" "Wala, siguro nasanay lang ako na tayong dalawa lang palagi magkasama, na nagseselos ako kapag may kahati sayo haha" biro ko na lang. Nakarating na kaming dalawa sa room, pero kami lang yung tao dun. Wala pa mga kaklase namen. "Sabi sayo dapat di na tayo pumasok eh, di naman papasok yung mga yun eh" sabi niya saken. Pero parang, wala ako sa mood ngayon. Sa lahat ng sinabi ni Matteo, nawala ako sa mood. "Seryoso ka ba kay Maddie?" Tanong ko sakanya. "Oo naman." "Eh bakit hindi mo pa siya ligawan?" Ngumiti lang siya tapos tinignan ako. Since dalawa lang kaming tao sa room, okay lang gawin namen yun. "Gusto ko kasi maging masaya ka muna bago ako, kaya kapag naging kayo na ni Laurence, saka ko siya liligawan" "Eh bakit naghihintay ka pa ng ganung katagal?" "Syempre, ayokong maging masaya tapos iiwan lang kita ng bigla bigla diba" "So kapag naging kayo ni Maddie, iiwan mo ako?" "Hahahaha, hindi sa ganun, gusto ko lang na kapag masaya ako, dapat masaya ka rin. Kaya dapat masaya ka muna, bago ako magpapakasaya" kwento pa niya. Ngayon ko lang narealize na talagang kaibigan lang tingin saken ni Matteo. "Isa pa Ju, mahal kita." Bigla nanlaki mata ko sa sinabi niya. Parang kinilabutan ako, pero ang ganda sa pandinig ko ng mga salitang yun. 'Mahal kita'. Ang sarap sa feeling. "Mahal kita bilang kapatid, kaibigan, lahat Ju. Sabi ko naman sayo, next sa Kuya ko, ikaw pinakaimportanteng tao sa buhay ko. Kaya sana wag ka mawala saken" Hindi ko alam kung anong dapat maramdaman ko sa sinabi niya. "Ayoko lang kasing dumating yung point na, magkagusto ka saken tapos bigla tayong mag iiwasan. Ayoko kasi nun, may ganyan akong kaibigan dati, natalik kaming magkaibigan, kaso nagkagusto siya saken. Wala naman akong ginagawa, bigla na lang siyang nagkagusto. Kaya in the end, nasira friendship namen" Sino kaya yung tinutukoy niyang yun. Di pa niya nakekwento saken. "Ayokong masira yung friendship natin dahil lang sa nainlove ka saken, o nainlove ako sayo." Parang di ko na kaya yung sinasabi niya. Yung pinapamukha niya saken na gusto niya ako bilang kaibigan lang. "Hehe, oo naman. Bestfriend nga diba?" Sabi ko. Pero fvck. Sht!! Parang sinisira loob ko nung sinabi ko yun. Na bestfriend lang ako. "Hehe, bestfriend!" Sabi niya sabay akbay saken. Lahat ng pinapakita niyang ka sweetan saken nun, wala pala talagang ibig sabihin. Ganun lang talaga siya. "May kilala ka bang Justin?" Bigla ko na lang tinanong para masira na yung moment. "Justin? Paano mo siya nakilala?" Tanong niya. Bago ako makasagot, biglang may pumasok sa room. "Aba magaling!! Nandito pala ang future ko at ang malanding aligid ng aligid sakanya!" Si Jerick yun. Nakakainis talaga tong baklang to, panira ng moment. Napatawa lang tuloy si Matteo tapos tinanggal yung pagkakaakbay saken. "Ha! Anong ibig sabihin niyang akbay na yan?!!" Sigaw ni Jerick samen. "Pwede ba, wag kang OA" sabi ko. "OA your face, malandi kang bakla ka!!" "Tigilan mo ko sa kakatawag saken ng malandi ah, tignan mo yang itsura mo, wala ka namang ganda, kung makapag react ka diyan akala mo kung sino ka!" Sabi ko. Nagulat siya sa sinabi ko kaya napahawak siya sa dibdib niya na akala mo naman meron. "How... how dare you! Una sa lahat, etong beauty kong to pinag aagawan sa States. Kaya ikaw, wag mong masabi sabing wala akong ganda!" "Edi dun ka sa States, ng maappreciate ka dun." Sabi ko. Natatawa naman si Matteo sa awayan nameng dalawa ni Jerick. "Nakakarindi tong Julian na to, una si Matteo, tapos si Greco, tapos nababalitaan ko pa si papa Laurence!!!" Sabi niya sa isip niya. Bigla naman nagsalita si Matteo at tinanong si Jerick. "Nasaan na ba yung iba nating kaklase?" Aba, si bakla, tuwang tuwa. "Ah, neg attendance ne leng shila. Eto ows, hewek ko yung bend paper" Biglang naging ngewe magsalita si Jerick nung kinausap ni Matteo. "Bend paper, tse. Ang arte mo!!" Sabi ko. "Inggit ka lang, kasi ako kinakausap ni Matteo!" Sabi ni Jerick. Bigla naman hinawakan ni Matteo kamay ko at sabay kaming tumayo palapit kay Jerick. Malakas mang asar tong si Matteo eh. "Ouch. Aray! Bakit may pag holding hands sila" sabi ni Jerick sa isip niya. Tinignan ni Matteo si Jerick sa mga mata. "Pwedeng pahiram ng ballpen?" Sabi niya. Nanginginig sa kaba na inabot ni Jerick yung ballpen kay Matteo. "Thanks" "Lord, please. Sulitin niyo na po yung regalo niyo saken, sunggaban sana ako ni papa Matteo!!" Sabi ni Jerick sa isip niya. Natatawa na lang ako kay Jerick, napaka desperada. Pagkatapos magsulat ni Matteo, bigla na lang hinablot ni Jerick yung papel. "Ibibigay ko na to kay Mam, tutal mukhang wala ng darating" sabi niya sabay talikod at labas. "Teka ako pa!!!" Pinigilan na ako ni Matteo at bumulong saken "nilagay ko na pangalan mo" sabi niya. "Haha, talagang ang lakas mo mang asar no?" "Ganun talaga haha, ako lang kailangan mo para manalo ka sa kanya palagi haha" "Haha, dapat saken ka lang kakampi at never kang kakampi sakanya ah?" "Oo naman!" Lumabas na uli kaming dalawa at naghanap ng matatambayan. +++++++++++ "Sorry pala ah, umalis ako, sabi kasi samen may klase kami eh yun pala wala rin" sabi ni Laurence. Magkausap kami ngayon sa phone, nakahiga ako sa kama. "Okay lang, ganyan din kami, wala din palang klase" sabi ko. "Hehe, saan naman kayo pumunta ni Matteo?" "Naglakad lakad lang kami hehe, ikaw?" "Wala, umuwi na lang din ako. Hehe" Grabe, iba rin yung nararamdaman ko kay Laurence eh, di ko namamalayang nakangiti na pala ako habang kausap siya. "Narinig mo ba yung pinag usapan namen ni Matteo kanina?" "Yung iba." "Eh yung part na sinabi kong ano..." "Na ano?" "Na ano, na gu..." "Gu...?" "Na gusto kita" sabi niya. Para akong baliw na nakangiti habang naghihintay ng sasabihin niya. "Uy Julian, ano? Ayaw mo ba?" "Ahh.... anong ayaw ko?" "Na may gusto ako sayo, di ka ba komportable?" "Hmmmm, hindi naman. Okay nga eh, kasi crush kita noon pa" Narinig ko naman yung pigil na tawa niya sa phone na ginagawa ko rin. Kinikilig din siya saken. "Panagutan mo tong nararamdaman kong kilig ngayon" sabi niya saken. Parang baliw naman ako na ngumingiti sa banat niya. "Ikaw nga eh, bigla bigla mo na lang akong pinapakilig" sabi ko. "We, haha. Ako nga pinapakilig mo eh" sabi niya. "Eh bakit kasi ayaw mong sabihin saken ng harapan yan?" "Nahihiya kasi ako kay Matteo minsan, gusto ko yung tayong dalawa lang." "Eh, paano kung tayong dalawa lang magkasama bukas?" Sabi ko. "Sige, sasabihin ko sayo ng harapan. Kaso mamaya makornyhan ka saken" Natawa nalang ako. " baka himatayin ako sa kilig nun haha" biro niya. "Haha wag kang magalala, sasaluhin kita kapag nahulog ka" sabi ko. Ano ba to, landian tru phone. Nakakainis, sobra akong kinikilig. Di ako mapakali sa higaan ko. "Eh paano kapag ako yung himatayin?" Sabi ko. "Edi sasaluhin din kita kapag nahulog ka." "Eh paano kung di mo ko nasalo?" "Hindi ko hahayaang mahulog ka sa iba" Kinagat ko yung unan ko sa sobrang kilig na nararamdaman ko. "Paano kung halikan kita?" Sabi niya. "Ang bilis naman! Wag muna kiss," "Gusto mo ba special?" "Oo, gusto ko kasi yung mala thinking out loud, 'kiss me under the light of a thousand stars'," "Ganun pala gusto mo, sige hayaan mo, gagawin natin yan" "Hala, talaga?" "Oo, pero sa ngayon, holding hands lang. Pwede ba yun?" "Oo, navirginan mo na nga kamay ko eh" sabi ko. Narinig ko naman yung tawa niyang malakas dahil sa sinabi ko. Nakakainis, ang korny ata nun. "Hahahaha, well, sana pala ginamit natin yung pabaon sayong condom hahahahhaha" "Hahahaha, nakakainis ka. Kalimutan mo na yun!" "Haha, no, one of the best moments natin yun eh." Bigla kaming tumahimik na parang may dumaang anghel. "Sht, alas dos na pala ng madaling araw haha" sabi niya. "Ay oo, di ko nga napansin yung oras!" "Haha, ganun talaga kapag masaya ka, hindi mo namamalayan yung oras." "Hehe, ang saya ko talaga. Salamat" "Mas lalo ako Julian, ang saya saya ko"   Kung nakikita niya lang ako, nakikita niya yung sobrang laking ngiti ko ng dahil sakanya. "Good night na Julian, maaga pa pasok natin bukas" "Oo nga, sige Goodnight Laurence." "Sana sa susunod may endearment na tayo" sabi niya. "Hehe. Sige sige, soon." Sabi ko. "Excited na ako sa panahong yun" "Ako rin" "Tulog na ah? Wag ng mag check ng sss o twitter" sabi niya. "Haha, opo, ikaw rin, diretso tulog na!" "Yes boss" sabi niya. Mamamatay na talaga ako sa kilig. Lalo na nung tinawag niya akong boss. "Bakit ang tagal sumagot?" Sabi niya. "Eh kasi ikawww....." "Haha, sige na matulog na tayo" "Oo, at baka sumabog na ako rito" sabi ko. "Huwag, paano na ako kung sasabog ka?" Siguro halos mapunit ko na yung punda sa sobrang higpit ng hawak ko. "Sige na, tama na to, tulog na tayo" "Hehe, sige sige. Goodnight na talaga" sabi ko. "Goodnight. Sweetdreams. See you in my dreams." "Hehe, sana. Goodnight" May dead air ng konti at maya maya pinatay ko na rin yung tawag saken. Halos matulog ako na umaabot sa tenga yung ngiti ko. ++++++ Ang ganda ganda ng gising ko, sobrang ganda na nakangiti ako pag gising ko. Hindi naman nagtext si Laurence, pero ang ganda ganda pa rin talaga ng gising ko. Pagpasok ko sa school, biglang tumawag si Laurence saken. "Good Morning boss" sabi niya. "Good Morning idol" "Bakit idol???" "Haha, wala lang, hehe ayaw mo ba?" "Gusto syempre, basta galing sayo!" Sabi niya. Nakangiti na naman ako sa school ng mga oras na yun. Pero nawala yung ngiti ko ng makita ko si Greco. "Nasa school ka na boss?" Sabi niya. "Ahhh eh oo. Uy teka lang po ah? Hehe." "Ah sige, ang aga mo naman pumasok. Kita tayo later ah?" "Sige sige, bye!" "Bye" Dali dali akong nagmadali para kausapin si Greco. Nakauniform siya at mukhang naninibago kasi wala ngang mga klase. "Uy Julian, bakit walang tao sa room?" Nasa hallway kami ngayon. "Ah, foundation week kasi hehe. Hmmm, teka...." nilabas ko yung libro ko sa bag kung saan ang sabi ni TB, dapat ipahawak ko sa iba kung gusto ko malaman na may kapangyarihan sila. "Ano yan?" Sabi niya. "Hawakan mo!" Nagulat siya nung nakita niya yung book ko. "Alam ko yan" sabi niya. "Oh? Edi hawakan mo" "No, hindi mo pwedeng hawakan ang libro ng iba..." "Trust me, pwede. Try mo lang" sabi ko. "Ayokong mag take ng risk. Malaki mawawala saken" "Please. Please" sabi ko. Nakukulitan na siya saken kaya bigla niyang hinawakan yung libro ko. Dali dali ko namang sinubukan basahin yung nasa isip niya. "Julian." Sabi niya sa isip niya. Nice, nababasa ko na nasa isip niya! "Nababasa mo na nasa isip ko?" Sabi ni Greco. "Oo!" Naguguluhan siya. Di siya siguro aware na pwede yun. "Paano... bawal yun ah?" "Pwede, pwede. Ngayon alam na natin, alam ko na rin. Nice!!!" Sabi ko.   "Kaya mo bang gawin to Julian?" Kinakausap niya ako gamit ang isip niya. "Hala, paano mo nagawa yun?!!" Sabi ko. "Haha so tama nga ako, mababa pa level mo" sabi niya uli sa isip ko. "Tigilan mo yang pakikipag usap sa isip ko, haha ang weird!" "Haha, gosh, I can't believe na pwede to!" Sabi niya. Magkatitigan kami at parehas kaming.naexcite sa natuklasan namen. "Anong level mo na?" Tanong niya. "Kaka level 2 ko lang last week haha, ikaw?" "Haha, not bad. Level 13" "Grabe!!! Ano pang kaya mong gawin?" "Hehe, gusto mo malaman? Tara dun tayo sa walang tao" sabi niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD