Nakita ko si Maddie na nakatambay sa labas ng room namen pag pasok ko. Mukhang hinihintay niya si Matteo.
"Uhm, Matteo, pwede ba tayo mag lunch mamaya? Gosh Maddie ano ba, wag ka masyadong pa obvious!"sabi ni Maddie sa isip niya.
Aba, mukang malakas na tama neto kay Matteo ahh.
"Uhm, gusto ko sana magpasalamat sa kagabi. Gosh!! Ano bang sasabihin ko!!"
Mukha ngang di mapakali si Maddie sa kinatatayuan niya.
"I just hope na hindi lang one night stand yung nngyari. Uhm, I wanna know you more. Tama, tama, ganun na nga!"
Wait, what?!
May nangyari sakanila, agad agad?!!!
Di pa ako nakakamove on sa narinig ko sa isip niya, bigla niya kong tinawag nung mapansin ako.
"Uy Julian, nakita mo ba si Matteo?" Tanong niya saken.
Kung makatingin siya saken, akala niya close na close kaming dalawa.
"Hindi" sagot ko.
"Ay, bakla nga" sabi niya sa isip.
"Anong sabi mo?!" Sigaw ko sakanya.
"I'm not saying anything, wag mo ko sigawan" mukang nainis din siya sa pag sigaw ko.
"Totoo ngang bakla to, mamaya may gusto pa to kay Matteo eh!"
Nakakapanggigil nababasa ko sa isip niya kaya nagtimpi na lang muna ako at pumasok na sa loob ng room.
Pero di pa rin ako makamove on, alam kong playboy si Matteo pero di naman siya nakikipag ano lang kung gusto niya.
"Okay ka lang Julian?" Tanong saken ni Greco.
"Ahhh, oo oo"
"Matteo na naman no?"
"Haha, wala yun hayaan mo na" sab ko na lang.
Pero sobrang naiinis ako talaga, galit ako kay Matteo ngayon!
++++++
Pagkatapos ng klase, nagkatinginan kami ni Matteo.
Fvck, ano ba kasi!! Bakit di ko mabasa iniisip niya!!
Palapit sana siya saken ng biglang may tumawag saken.
Si Laurence.
"Hi Laurence!!" Medyo nilakasan ko boses ko para marinig ni Matteo.
"Wow, look who's in a good mood" sabi niya.
"Hehe, di naman"
"Tingin ka sa labas" sabi niya.
"Huh?"
"Sa likod"
Paglingon ko, nandun siya! At may dalang paper bag. Fvck, ang gwapo ni Laurence, lalo na kapag nakangiti.
"Merienda?" Sabi niya.
Tinignan ko si Matteo pero wala na siya sa room.
Lumapit ako kay Laurence.
"Sure" sabi ko.
"Tara! Kainin natin tong dala ko hehe"
"Tara!"
++++
May dala siyang spaghetti na nakalagay sa styro.
"Wag kang mag alala, bagong luto yan" sabi ni Laurence.
Nakakainis naman, ang gwapo gwapo kasi ni Laurence eh. Kahit maraming tao at babaeng tumitingin sakanya, nakatingin lang siya sa kinakain niya at saken.
"Uy Julian, nga pala, baka gusto mo sumama sa resthouse namen sa Zambales sa sembreak. Alam ko matagal pa pero baka lang gusto mo hehe"
"Zambales? Di ba malayo yun?"
"Hindi ah, 3hrs lang yun from Manila, tsaka ipapaalam uli kita hehe"
Napaka sweet talaga ni Matteo tignan.
"Sige sige, para naman makaalis ako sa Manila" sabi ko.
"Good good, hehe"
Tinignan ko lang yung paligid, medyo maingay pa sa mga estudyante.
Maya maya, napansin ko sa malayo si Matteo na nakatingin sa pwesto namen.
Di naman lumalapit, basta nakatingin lang din siya saken.
Napalingon tuloy si Laurence sa pwesto niya.
"Magkaaway ba kayo?" Tanong saken ni Laurence.
"Ahh, hayaan mo, kakausapin niya rin ako hehe" sabi ko.
Habang kumakain kami ng spaghetti, biglang tumawa si Laurence saken.
"Ohh bakit?" Sabi ko.
"May dumi ka kasi sa pisngi hehe"
Sht, nakakahiya!!
"Ako na magtatanggal" sabi niya.
Nilapit niya kamay niya sa pisngi ko tapos tinanggal niya yung dumi.
Magkalapit tuloy ng kaunti yung mga mukha namen, kaya naman di ko maiwasang mahiya.
Siya naman nakatingin lang sa mata ko habang nakangiti.
"Ayan okay na uli" sabi niya.
Pero ako, nakatulala lang dun sa upuan ko.
Maya maya, niyaya na niya akong umuwi, Ihahatid daw niya ako samen. Ayoko pa sana kaso mapilit siya, kaya wala na rin akong nagawa.
+++
"Aba, hinahatid ka pa ngayon anak ah! Ano na ba? Kayo na ba???" Bungad saken ni papa pagkauwing pagkauwi ko, ang mang chismis!
"Pa, napaka chismoso mo po!"
"Haha, ang damot mo! Umakyat ka na nga sa kwarto mo!"
"Hala, galit ka pa?"
"Hindi, hahaha joke lang yun, hindi bagay saken diba?"
Baliw na naman tatay ko. Ewan ko ba.
"Mamaya na ako kakain ah? Akyat muna ako sa kwarto!" Sabi ko.
"Ayun nga sabi ko, nako."
Di ko na pinansin si papa, basta umakyat na ako sa kwarto ko.
Pagpasok ko, nagulat ako ng may kumalabit sa likod ko.
"Ay buray mo!!!!" Sigaw ko.
"Ahahahhahaha, ano yung buray juju???"
Si Matteo yun!! Nasa kwarto ko!
"Teka, bakit ka nandito?!"
"Aba, bawal ko na bang bisitahin bestfriend ko,??"
"Bestfriend ka diyan, wala ka ngang suporta saken!! Bigla bigla kang di namamansin diyan!"
"Hahaha, pinanindigan ko lang sinabi ko pero gustong gusto na kitang kausapin!" Sabi niya.
Ang gwapo ni Matteo ngayon, nakasando lang siya na black tapos labas pa mga muscles niya. Adik din kasi sa gym tong si Matteo eh, kaya talagang nakakainlove, tapos yung ugali pa niyang ang sarap kasama, dun ka lalong maiinlove.
"Keme mo!!" Sabi ko.
"Sus, if I know, namiss mo rin ako, hay nako ju, alam ko naman yun eh, yakapin mo nga ako!" Bigla niya akong niyakap.
Grabe, ang bango bango pa niya, tapos ang init init ng katawan.
"Ohhh, mamaya mag enjoy ka naman!!" Sabi niya pa.
Baliw din tong si Matteo eh, pero nag enjoy ako ng konti sa yakap niya.
"Tara, kain na tayo nagugutom na ako eh!" Sabi niya pa.
"Anong kain,"
"Oo, para makauwi na rin ako! Anong oras na oh"
"Nako, ginagawa mong tambayan bahay namen! Ayyy teka!!!!! Paano ka pala nakapasok dito?!!"
"Aba syempre si papa nagsabi saken na dito na ako tumambay, mainit daw kasi sa baba nagluluto sila!"
"Papa ka diyan, ang gulo mo rin talaga no?"
"Haha wag ka na kasi magalit, ilang araw ko ring kasama si Maddie, mas nakakamiss ka kaya!"
Ay speaking of Maddie, never naman naging mali yung pagbasa ko ng isip.
"Meron ka bang hindi kinekwento saken?" Tanong ko sakanya.
"Huh?"
Tinignan ko lang siya ng masama, hinihintay ko yung sasabihin niya saken.
"Ano ba tinutukoy mo ju?" Tanong niya.
"Ahhh, kapag hindi mo sinabi, ako ang hindi mamanansin sayo!" Sabi ko.
"Ano nga kasi yun, clue?"
"Maddie"
Bigla siyang natahimik.
"So totoo nga?????" Sabi ko.
"Teka, paano mo nalaman yun?!!"
"Narinig ko lang, so totoo nga?" Sabi ko.
Umoo lang siya.
"Nakakainis to, akala ko ba di mo gagawin sa kung sino lang yun?!!"
"Ehhh, nadala kasi kaming dalawa eh!"
"Nadala?!"
"Oo, teka, bakit ka ba nagagalit diyan?" Sabi niya.
"Di ako galit, nakakainis ka lang!"
"Sus, baka nagseselos ka lang ahh?"
"Kapal mo! Hindi kaya!"
Pero siguro ayun nga yung nararamdaman ko, selos.
"Baka nga kayo ni Laurence, ginawa niyo na yun eh. Mamaya nagpapahalik ka na dun!"
"Ehhh ano naman sayo?"
"So ginawa niyo na nga?!!!!"
"Secret!" Sabi ko lang.
"Hala ka ju, wala na akong virgin na kaibigan!!"
"Hahaha, ewan ko, hulaan mo!"
"Alam ko naman di mo kaya gawin yun eh." Sabi niya.
"Ohhh alam mo naman pala eh"
"Ahh, good. Buti na lang, kasi sasapakin talaga kita"
"Kaya mo kong saktan??" Sabi ko.
"Aba syempre joke yun haha, tara na nga bumaba na tayo, gutom na ako!"
Inakbayan niya na lang ako, tapos bumaba. So, totoo nga yung sakanila ni Maddie.
Nag assume lang pala akong may gusto siya saken, talagang bestfriend lang tingin saken ni Matteo.
+++++
Ilang linggo na rin nakalipas, walang nagbago sa rules ko. Walang nadagdag, di na rin nadagdagan puntos ko, pero halos alam ko na lahat ng iniisip ng mga tao sa paligid ko.
Asusual, ganun pa rin kami ni Matteo, ang bago lang eh si Laurence, parang mas lumalalim pagkakaibigan namen.
Palagi kaming magkasama, nanlilibre siya, minsan sweet, pero ayokong tanungin yung status namen kasi baka nag aassume lang ako. Ayokong masaktan.
"Julian, mukhang malalim iniisip mo ah?" Sabi ni Greco, magkasama kasi kaming dalawa pauwi.
"Alam mo naman ako, palaging may iniisip hehe"
"Oo nga, sana nga mabasa ko iniisip mo eh" sabi niya.
Tumingin ako sakanya. "Sana nababasa ko rin nasa isip mo" sabi ko naman.
Medyo literal naman yung akin, pero duda ko literal din yung ibig niyang sabihin.
Pagkauwi ng bahay, dumiretso ako sa kwarto ako napansin ko na naman na umiilaw yung magic book ko!
Pag tingin ko.
May nakasulat na bago!!!!
"Bonus points kapag natulungan mo ang babaeng mayaman na naghahanap ng kalabaw sa Maynila"
Ano daw?! Binasa ko uli, "naghahanap ng kalabaw sa Maynila!"
Anong ibig sabihin nun? Bugtong ba to na dapat sagutin?
Di ko na inistress sarili ko, at nagpahinga na lang ako. Medyo nakakapagod din kasi sa school ngayon.
+++
Pag dating ko sa school, una kong napansin na may pinagttripan na magandang babae yung mga lalaki sa labas lang ng gate.
Di ko naman ugali ang mangialam pero dahil sa kapangyarihan kong makabasa ng isip ng tao, nalalaman ko kasi yung totoong nangangailangan ng tulong.
"Bwisit naman tong mga lalaking to eh!" Sabi nung babae sa isip niya.
"Hahaha miss, alam ko nga kung nasaan si Julian, ako na magtuturo sayo sakanya" sabi nung isang lalaki.
Ako ba yung tinutukoy nila?
"Oo nga miss, kilalang kilala namen si Julian!" Sabi nung isa.
"Ako, tropa ko si Julian!" Sabi naman nung isa.
Tatlo silang nanttrip sa magandang babae, maaga naman pero bakit parang tumutulong.
"Hoy anong ginagawa niyo diyan?!" Medyo matapang ako ng mga oras na yun, kapag nanlambot ako yari.
"Aba, sino ka ba?!" Sabi saken nung isa.
"Ako si Julian!"
Bigla naman akong nagulat nung biglang niyakap ako nung babae sa di ko alam na dahilan.
"Hoy, narinig mo lang na hinahanap niya si Julian eh tapos biglang ikaw si Julian, ano ka ba, kilala kok aya si Julian, dun siya nakatira sa dorm ko!" Sabi nung lalaki.
"Epal din tong lalaking to eh!" Sabi niya sa isip niya.
"Epal din tong lalaking to eh!" Sabi ko sakanya.
Nagulat naman siya nung inulit ko yung sinabi niya sa isip niya.
"Putek, paano niya nalaman sinasabi ko sa isip ko?!!" Sabi uli niya.
"Putek, paano niya nalaman sinasabi ko sa isip ko?!!" Sabi ko naman sakanya.
Yung itsura ko yung naka poker face lang, na nang aasar. At mukhang naaasar siya.
"Anong problema pre?!" Bulong naman nung isa. Isa rin sa gift ko yung marinig yung bulungan ng iba eh.
"Anong problema pre?!" Sabi ko sakanya.
Nagulat pa lalo yung dalawa sa ginagawa ko.
"Putek talaga, may sademonyo ata tong taong to."
"Kuya, wala akong sademonyo!" Sabi ko sakanya.
Di na mapinta itsura nung isa, yung isa naman di rin makapaniwala, tapos yung isa matapang pa rin itsura.
"Kaya ko pang balikan lahat ng nakaraan mo tapos ibubuking kita kapag hindi pa kayo umalis." Pananakot ko.
Kita kong takot na takot na siya sa sinasabi ko.
"Pagbilang ko ng lima dapat wala na kayo! 1..... 2....."
"Pre tara na, baliw yang lalaking yan!!!!" Sabi nung isa, hinatak niya yung mga kasama niya sabay takbo paalis.
Nagfocus naman ako ng tingin sa babae.
Ang ganda niya talaga, mukhang inosente pa, maputi tapos maliit, sexy, makinis, matangos ilong, ahhhhh basta sobrang ganda.
Kung magiging lalaki ako, siguradong magugustuhan ko talaga to.
"Ikaw ba talaga si Julian?" Sabi niya.
Di man lang siya nag react about sa mind reading na ginawa ko kanina.
"Ahhh, oo!"
"Kanina pa kita hinahanap, nako, kumusta ka na?!" Tanong niya.
Teka, sino ba talaga tong babaeng to at bakit parang kilalang kilala niya ako.
"Mukha ata akong shunga shunga sa pagpapakilala ko. Ay teka, di pa pala ako nagpapakilala!" Sabi niya sa isip niya.
"Sorry, feeling close ako hahaha. Ako pala si Tracy!" Pakilala niya.
"Ahhh, hmm. Hi, ako pala si Julian" sabi ko naman.
Bago pa siya makapagsalita, narinig ko naman na tinatawag ako ni Matteo sa likod.
"Oh hi Juju!!" Bigla niya akong inakbayan tapos napatitig siya sa kagandahan ni Tracy.
Nakakainis, may Maddie na, may Tracy pa, sana sa susunod, Julian na lang.
Pero syempre imposible kasi bestfriend lang ako.
"Ipakilala mo naman ako diyan sa magandang dilag na yan!" Sabi ni Matteo.
"Ahhh infairness, cutie pie!" Sabi ni Tracy sa isip niya.
Sigurado kung sinabi niya yun, nasabunutan ko na siya.
"Ahhh sorry, uhm, Tracy si Matteo, Matteo, si Tracy" pakilala ko.
Nagkamayan sila pero iba yung expression ng mukha ni Tracy.
"Hello Tracy, I'm Matteo, Julian's bestfriend!" Pakilala niya.
"Matteo? As in si Matteo ka?" Sabi niya.
"Oh yes, nag meet na ba tayo?" Tanong ni Matteo.
"Hindi pa!"
"Ohh, akala ko kasi nameet ko na yung future ko eh!"
Wala kaming reaksyon ni Tracy sa banat niyang nakakabwisit, kaya natahimik na rin siya.
"Ikaw si Matteo, tapos magkasama kayong dalawa ni Julian? Tapos.... argh!!!!!" Sabi ni Tracy
"Nasaan na ba yung lalaking yun?!!!" Sabi ni Tracy sa isip niya
"Ah, teka, bakit mo pala kami kilala? May hinahanap ka ba?" Tanong ko.
"Shocks, binabasa ni Julian nasa isip ko, kailangan kong kumalma" sabi niya sa isip niya.
Shtt. paano niya nalaman?!
"Ahhh oo, hmm. Di ko kasi alam kung anong pangalan niya rito pero hinahanap ko si Jasper?" Sabi niya.
"Ahhhh, wala akong kilalang Jasper eh!" Sabi ko.
"Ako, Jasper pangalan ko dati kaso pinapalitan ko lang ng Matteo, baka ako talaga hinahanap mo?" Singit naman ni Matteo.
Tinignan lang namen siyang dalawa ng masama at natahimik na uli siya.
"Jasper? Maliit, cutie, maputi, uhm kissable lips. Argh.... ang hirap idescribe, pero meron siyang kalabaw!!!" Bigla niyang sinabi.
Siya ba yung babaeng kalabaw nat tinutukoy sa libro ko?!
"Walang kalabaw sa Maynila" sabi ko.
"Duh, I know, keychain yun na kalabaw yung tinutukoy ko!" Sabi niya.
Nag iisip ako kung sino at naalala kong may ganun si Greco!
One time, tinanong ko siya nun kung bakit kalabaw yung nakasabit sa bag niya, ang sabi niya favorite animal niya raw. Sobrang weird nga ni Greco eh.
"Hmmm, may kilala akong may kalabaw pero, Greco name niya" sabi ko.
"Bakit may kalabaw si Greco? Ang weird naman talaga nun" sabi naman ni Matteo.
Bago uli makasagot si Tracy, napansin kong palapit si Maddie samen.
"Sino yung babaeng yun?!" Sabi ni Maddie sa isip niya.
Ngumiti siya paglapit samen tapos humawak sa braso ni Matteo.
"Hi!" Bati niya.
"Hello!" Bati naman namen.
"Uhm, sino ka?" Sabi ni Maddie kay Tracy,
Mukhang di nagustuhan nj Tracy yung pagkakatanong ni Maddie.
"I'm tracy, future ni Matteo" sabi niya.
"What?!!!!" Sigaw niya.
"Napakalanding babae!!!!" Sigaw ni maddie sa isip niya.
"Hahaha, ayun kasi sabi ni Matteo saken kaya, I dunno, siguro past ka na haha" sabi ni Tracy.
Hinawakan ni Tracy kamay ko tapos lumayo kaming dalawa sakanila, nabasa ko pang galit na galit si Maddie.
"Ahahaha, sorry, ayoko kasi ng tinatarayan ako eh!" Sabi ni Tracy.
Sinubukan kong basahin nasa isip niya pero di ko na magawa, wala akong mabasa.
Nakokontrol niya isip niya!
"So, Greco? Uhm, may picture ka ba nun?" Sabi ni Tracy.
Alam ko meron ako sa phone nun eh, pero di ko na nilabas kasi nakita ko si Greco na papasok na sa school, ang cute niya talaga kahit maliit siya.
"Greco!!" Sigaw ko sakanya.
Tumingin siya sa pwesto namen at mukha siyang nagulat nung nakita niya si Tracy.
Nagmamadaling lumapit si Greco samen pero nung paglapit niya, bigla siyang sinampal ni Tracy ng malakas!
"Araaay!!!!" Sigaw ni Greco.
"Ano bang ginagawa mo rito? Bakit di mo kasama si Julian palagi? Iniwan iwan mo ko dun para lang di gawin trabaho mo....."
Di na natuloy ni Tracy sinasabi niya ng bigla siyang halikan ni Greco sa labi.
Nagulat ako sa ginawa niya. Di ko naman kasi ineexpect na straight siya!
"I miss you too" sabi naman ni Greco sakanya.
"I miss you too ka dyan!!" Sigaw ni Tracy.
"Haha, wag mo naman ako ipahiya kay Julian hehe"
"Dapat ka lang ipahiya no!!"
"Sorry na ha ,may topak na naman girlfriend ko!" Sabi ni Greco.
Girlfriend?!!!! Sht.
"Tara pasok ka sa loob, dun tayo magkwentuhan, kanina kapa ba?" Tanong ni Greco kay Tracy.
Di ko na masyadong pinakinggan yung kwentuhan nila, basta naglakad na lang ako papasok.
Sino naman kaya si Tracy? At paano niya nalaman na nakakabasa ako ng isip?
Ang sakit sa ulo ng nangyayari.