Chapter 2

1206 Words
Tulad ng nakagawian, agad akong umexit bago pa man pagkaguluhan ang limang iyon ng mga fans daw ng Mnemosyne. Agad akong pumasok sa loob ng VIP room tsaka hinubad ang jacket at naupo. Dito nalang ako maghihintay dahil hindi ko feel ang ambiance. Alam ko naman kung gaano kaga-gwapo ang mga kasama ko pero dahil na din sa talent na mayroon sila ay hindi lang mga babae ang nagpipilit na makalapit sa kanila. Kaya nagiging crowded lagi ang stage sa tuwing natatapos tumugtog ang banda namin. Natigilan ako nang mapansing iba ang mga inumin na nakapalapag sa mesa na nasa harap ko. Hindi kailanman uminom ng brandy ang mga lokong iyon. Wine o kaya naman ay beer lang ang iniinom nila kapag ganitong may gig kami nang sa gayon ay makapag-perform sila ng maayos. Inilibot ko ang tingin sa paligid at agad akong napatayo ng mapansin na wala din dito ang mga gamit namin. Shit! Maling kwarto pa ang pinasok ko. Mabuti pala ay walang kahit sino ang narito nang alisin ko ang jacket ko. Agad na akong tumakbo palabas nito pero eksaktong pagbukas ko ng pinto nito ay bumungad sa akin ang isang lalaki. Kumunot ang noo niya habang nakatingin sa akin pagkuwa'y bumaling siya sa likod ko at muling bumaling sa akin. "Ahm, sorry," mabilis kong sabi bago pa siya makapagtanong. “Nagkamali ako ng VIP room na pinasok.” Hindi ko na din siya hinintay pang makapagsalita at agad na akong lumabas. Nakita kong wala na sa stage ang mga kasama ko at ibang banda na ang nagpe-perform doon kaya hinanap ko na ang VIP room na para sa amin. At sa pagkakataong ito, sinigurado kong hindi na ako magkakamali ng papasukan. Nang buksan ko ang pintuan ay nakita ko ang limang ugok na nagsisimula nang mag-inuman. "Sanna! Hindi ba’t nauna ka pa sa amin?" takang tanong ni Hiro nang mapatingin sa akin. Naupo ako sa tabi ni Sein at kinuha ang beer. "Nagkamali ako ng VIP room na pinasukan.Mabuti na lang at walang tao doon noong hinubad ko ang jacket na suot ko kun’di, yari ako." "Isang bote pa lang ang naiinom mo pero mukhang nawawala ka na sa sarili mo," naiiling na sabi ni Sein at agad ng kinuha ang bote ng alak sa akin. "Huwag ka nang magbeer. Baka mayari ako kay Daddy kapag ikaw ang umuwing lasing sa atin." "Asa ka, oy!" Inis ko siyang binatukan tsaka muling kumuha ng beer. "Mas gugustuhin ni Daddy na ako ang umuwing lasing kaysa ikaw. Tsk! Para tayong bago nang bago." Yeah, weird na kung weird pero ganoon talaga si Daddy. Higit pa niyang gugustuhing ako na anak niyang babae ang umuwing lasing kaysa kay Sein na siyang lalaki sa aming dalawa. Kapag kasi si Sein ang umuuwing lasing ay palagi kaming sinesermunan pero kapag ako ay hindi. Sila pa mismo ni Mommy ang nag-aalaga sa akin hanggang sa makatulog ako at hanggang kinabukasan ay sila pa ang nagbibigay ng gamot para sa hangover ko. Hindi nila kami pinipigilan ni Mommy sa mga gusto naming gawin pero lagi nilang pinapaalala sa amin na siguraduhing nasa matino kaming isip at haharapin namin ang bawat consequence ng mga ito lalo na sa kalokohan na palaging pinangungunahan ni Sein. "May schedule na para sa next gig,” sabi ni Kenneth habang nakatingin sa kanyang cellphone. “Kaya ngayon pa lang ay siguraduhin niyo na wala kayong gagawin sa gabing iyon." Inilapag niya ang phone sa mesa para ipakita sa amin ang next schedule ng gig namin. "Lalo ka na, Sanna. Ikaw ang laging busy sa'tin." "Next weekend pala iyan." Inisip ko kung mayroin ba akong plano para sa gabing iyon pero mukhang wala naman. Iyon nga lang, baka biglang may ipagawa ang mga teacher ko. Lagi kasing nagpapa-surprise activity ang mga iyon kaya madalas ay laging nasisira ang schedule ko. Pero magagawan ko naman siguro ng paraan kung sakali na maging ganoon ang sitwasyon sa gabing iyon. “Sige, pupunta ako,” sabi ko. “Pero saan ang venue?" "Wala pang exact venue dahil hindi pa makapag-decide iyong organizer ng event.” sagot niya. “Babalitaan ko na lang kayo kapag nasabi na." Tumango kami at muli nang nag-inuman habang nagku-kwentuhan ng mga kalokohang ginawa nila noong kampanya ni Hiro. At kaya naman pala ipinasok nitong si Sein sa student council si Hiro ay dahil pinag-iinitan na ng dating SC ang band room nila sa school. Yes, they have an exclusive room only for the members of Mnemosyne. They got that room because they joined the music club at their school. Isa iyon sa benefits na mayroon sila bilang member ng club na pinaka-active sa halos lahat ng event na mayroon sa school. Pero hindi na nakakapagtaka ang posibilidad na iniisip ng mga iyon na nakakakuha ng special treatment ang mga ito dahil nagawa nilang makakuha ng sariling silid para sa kanila kaya gusto nila iyong mawala. Napailing na lang ako habang bina-bash ang dating student council president ng kanilang school. Sinasabihan pa nila itong kontrabida gayong private property ang kinatatayuan ng Mnemosyne Band Room dahil sila mismo ang nagpagawa gamit ang sariling pera. May permiso silang nakuha mula sa mismong presidente ng school na kaibigan ni Daddy at nagbabayad sila ng renta dito buwan-buwan. "Tingin ko talaga ay may gusto sa akin ang babaeng iyon,” mayabang na sabi ni Sein. “Ako ang madalas pag-initan eh." Tumangu-tango ang mga kasama namin bilang pagsang-ayon sa sinabi ng hambog kong kapatid na masyado na yatang nagbubuhat sa sarili niyang bangkuan. Aba’y at talagang inisip niya na gusto siya ng babaeng iyon ah. “Naalala nyo iyong ginawa niya sa bandroom natin nang hindi pumayag si Tita Klea sa gusto niya?” dagdag niya. “Hindi ba’t muntik na niyang sirain ang bass guitar ko." Tumango si Hiro. "Mabuti na nga lang at napigilan ni Yna." "Baka may ginawa kang kagaguhan kaya ganoon siya sayo?" sabi ko kay Sein at akmang pipitikin ang tainga pero hinawakan niya ang kamay ko. "Sanna, alam mo kung ano ang kondisyon sa akin ni Tita Klea bago niya ako bigyan ng permit para sa pagpapatayo ng band room." Inirapan nya ako. "Ang sabi niya, gaguhin at magloko na ako sa lahat, huwag ko lang idadamay ang sinuman sa Student Council." "Yeah," sang-ayon ni Drek. "You know how Tita Klea values everyone in SC dahil iyon ang nakakatulong niya para maging maayos ang buong school kaya off limits iyon sa amin. Ni dulo ng buhok nila, hindi namin tinatangkang hawakan dahil mas mahalaga para sa amin ang band room." I agree with them kaya inalis ko na sa isip ko iyon. Masyado nga namang mahalaga ang band room, hindi lang sa kanila, maging sa akin. Nandoon kasi ang lahat ng instruments namin, mga song compositions ni Kenneth, mga video tapes ng bawat performance namin at ang memories kung paano nga ba nabuo ang Mnemosyne. "Hayaan nyo na siya," sambit ni Aldean. "Wala na siya sa SC kaya wala na din siyang magagawa para alisin ang band room. Let's just enjoy the night dahil isang linggo muli nating hindi makakasama si Sanna." Na-cheers ulit kami at inimon ang hawak na beer nang sabay-sabay kaming napalingon sa pintuan nang marinig ang katok doon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD