CHAPTER 83 - RAF AND STEPHEN (UNDER RAF POINT OF VIEW)

1541 Words

"Bakit mag-isa ka lang dito? Tapos silang dalawa, magkasama do'n." Taas kilay kong tinignan si Stephen na nauupo ngayon sa katapat kong pwesto. Humigop lang ako sa shake na nasa harap ko at hindi siya pinansin. "Nagpapatalo ka na ba sa doctor quack quack na 'yon, Raf?" Pikon ko siyang tinapunan ng tingin. "Bakit ba sa akin ka galit na galit?" "Hindi mo alam kung bakit?" "Hindi ko kasalanan kung namatay ang mama mo, okay? 'Wag mong isisi sa akin ang lahat. Geez, Raf. Mag-move on ka na." Asar ko siyang tinignan nang kuhanin niya ang shake ko at inuman nang walang paalam. Parang wala lang sa kanya ang galit ko. "Kung nagseselos ka kina Lory at Dr. Hernandez. Lumapit ka." Ngumisi siya pagkatapos humigop sa shake ko. Bumalik na lang ako ng tingin kina Lory at Gab. Magkaibigan lang

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD