Chapter 2 | Persuade

2225 Words
Chapter 2 | Persuade "Ano ba ang ginagawa mo sa hotel kahapon? Saka bakit bigla ka na lang tumakbo? You told me that you'll talk to us later that day. But what happened? You're not even answering our calls!" sunod-sunod na tanong ni Harold sa 'kin bago sumimsim ng frappe na hawak niya. I was about to speak when Albert interfered. "Hindi mo alam kung gaano kami nag-alala sa 'yo! Nagulat na lang kami ng sabihin ni Harold sa 'min na nakita ka niya sa lobby ng hotel at nagmamadaling umalis. Akala tuloy namin ay kung saang gulo ka na sumuong." Napailing siya bago sumubo ng maliit na piraso ng blueberry cheesecake na nasa isang platito. Sasagot na sana ko ng si Damon naman ang biglang sumabat. Sinamaan ko siya ng tingin pero parang hindi niya nakuha ang gusto kong iparating. "Knowing you and your heroine act. Hindi ko tuloy alam kung dapat ba kong matuwa o magsisi na tinuruan ka namin ng self-defense at kung anu-ano pang safety precautions technique." Malalim akong napahugot ng hininga, nang makita ang akmang pagbuka ng bibig ni Mads. Agad ko siyang inunahan at itinaas ang dalawa kong kamay sa ere, tanda ng pagsuko ko sa interogasyon nila. "Teka nga muna! Can you please let me answer and explain first? Paano ko masasagot ang mga tanong n'yo, kung hindi n'yo man lang ako hinahayaang magsalita?" Sa wakas ay natahimik din sila. Pero ramdam ko na napatingin sa 'min ang iba pang mga tao rito sa loob ng cafe na madalas naming tambayan dahil sa lakas ng pagkakasalita ko. Hindi ko na lang sila pinansin at huminga muna ulit ako nang malalim para pakalmahin ang sarili ko bago magsalita. "First of all, I just want to remind you guys, kayo ang naunang hindi nag-reply at sumagot sa mga text at tawag ko! Ang akala ko ba sabay-sabay tayong pupunta ng school kahapon? Maayos naman ang naging usapan natin noong nakaraang araw." Kinuha ko ang baso ng juice ko at uminom, bago nagpatuloy. "Kung hindi naman pala kayo makakarating ay sana pinaalam n'yo man lang sa 'kin. Anong oras na ko nakapagsimula kakahintay sa inyo." Pero hindi ko pa rin maiwasan ang mapa-isip. Kung sinagot lang sana nila ang tawag ko at pinaalam sa 'kin kung ano ba ang nangyari sa kanila, di sana ay napanatag ako at hindi ko na naisipang puntahan sila sa lugar na 'yon. Mas lalong hindi ko na sana nakita ang pangyayaring 'yon sa basement! Hindi ako sumunod at inisip na maililigtas ko ang lalaking 'yon at nakakita ng live na crime scene! Napanguso si Mads sabay pinagsiklop ang dalawang palad. "Sorry na, Thalia! Biglaan kasi kaming pinatawag sa hotel dahil may mga um-absent. Kaya kinailangan kami ro'n." "Yeah. Even though we haven't had enough sleep, we have no choice. We are so busy that we weren't able to check our phones in the locker room," dagdag pa ni Harold. Napatango naman ako. Pero hindi ko maikakaila na nagtatampo pa rin ako. "Okay. Apology accepted. Sa totoo lang ay naisip ko na rin 'yon. Kaya nga naisipan ko kayong puntahan para i-surprise at i-treat sana kayo after ng duty n'yo kahit medyo nagtatampo ako. I know how you guys worked so hard. And then I saw Mads-" "You saw me?" hindi makapaniwalang bulalas niya. "But I didn't saw you," nagtataka niyang sabi. Hindi ko siya pinansin at nagpatuloy. "I saw Mads and followed her. Imagine my surprise when she walked down the basement. What did you do there anyway?" Isa ang pangyayaring 'yon na pala-isipan pa rin sa 'kin hanggang ngayon. Napakurap siya at agad na nakabawi mula sa pagkabigla. "May iniutos lang sa 'kin 'yong superior namin na kuhain ko ro'n. Pero teka, bakit di mo ako tinawag?" I shrugged and just continued. "Hindi na rin kasi kita nakita pagbaba ko ro'n. Bigla ka na lang nawala. I was about to go back when..." Awtomatikong bumaba ang tingin ko sa phone ko na nakapatong sa ibabaw ng mesa. Nasisiguro ko na sa oras na maipakita ko sa kanila ang nilalaman nito ay malalaman na nila ang totoong katauhan ng ginagalang at hinahangaan nilang boss na si Stephen. That way, they will all be enlightened that the rumor about him is true. Pero... tila isang musika na nag-replay sa utak ko ang mga huling salitang narinig ko mula sa kanya bago ako tuluyang umalis ng building na 'yon. "This is just a warning to all of you. That whoever comes in my way will suffer the same fate as him." Bigla akong napalunok. Alam kong para sa mga tauhan niya ang sinabi niyang 'yon, pero hindi ko maiwasan ang makaramdam ng takot. Sa oras na ipaalam ko sa mga kaibigan ko ang nalaman ko ay paniguradong madadamay sila at manganganib pati ang buhay nila. Lalo pa't malapit lang sa kanila si Stephen. Madali lang para sa kanya na gawin sa mga kaibigan ko ang ginawa niya sa lalaking 'yon. Iniisip ko pa lang na kakaladkarin sila nito sa basement para saktan bago dalhin sa abandonadong gusali at patayin ay kinikilabutan na ko. "Thalia? Ayos ka lang ba? You're shaking and gripping your phone tight." Napakurap ako nang maramdaman ang masuyong paghawak ni Mads sa kamay ko, na hindi ko namalayang mahigpit na palang nakahawak sa phone ko habang nanginginig. Napaangat ako ng tingin at sumalubong sa 'kin ang nag-aalala nilang mga mukha. Muli akong huminga ng malalim bago dahan-dahan itong pinakawalan at pilit na ngumiti. "I'm sorry. Naalala ko lang 'yong nakita kong aksidente kahapon." I didn't know why, but those words of lie automatically slipped out of my mouth. Sabay-sabay silang napasinghap. "Aksidente? Ayos ka lang naman ba? Nasaktan ka ba o nagalusan? Oh, s**t!" natatarantang tanong ni Damon. Masasabi kong siya ang over protective sa grupo. Hindi ko napigilan ang matawa dahil bigla na lang nila kong sinugod para siyasatin kung ayos lang ba ko. Napapatingin tuloy sa direksyon namin ang iba pang mga customers dahil sa ginagawa nila. Sunod-sunod akong tumango. "Hey! I'm fine. Medyo nagulat lang ako sa nasaksihan ko kahapon kaya hindi na ko nakabalik ng hotel. Sorry guys." Another lie. Though, it's partly true. But I wasn't traumatized because of an accident. But because of a crime that I have witnessed. Hindi ako pinatulog ng pangyayaring 'yon kagabi. Pare-pareho naman silang nakahinga ng maluwag. "Naku buti naman. Eh, bakit ka pa kasi umalis ng hotel? Kalahating oras na lang sana at patapos na ang duty namin no'n," nagtatakang tanong ni Albert. Okay. It looks like I need to go on lying. Direkta ko siyang tinitigan sa mata ng hindi kumukurap. "Naiwan ko kasi sa school 'yong mga pinapirmahan ko. Kaya nagmadali akong balikan. Mahirap na at baka mawala pa." Napatango naman sila at lihim akong nagpasalamat dahil mukhang hindi naman sila nagduda sa naging sagot ko. Gusto kong purihin ang sarili ko sa mabilis na pagdadahilan ng hindi nahahalata o nauutal man lang. Mads taught me that, anyway. Sa kadahilanang magagamit ko rin daw ito sa gipit na sitwasyon. But, never did I thought that I will gonna use that tactic for them. "Okay. Enough with that issue. At least klaro na ang lahat at naayos na. Pero..." napasandal si Harold sa kinauupuan niya at pinagkrus ang dalawang braso sa harap ng dibdib. "Apat na araw na lang at birthday mo na. Excited na ko dahil paniguradong mapapalaban na naman ako sa kainan! Si Tita Marcel pa rin ba ang personal na magluluto?" nagniningning ang mga mata na tanong ni Harold. Napatango naman ako na nagpasuntok sa kanya sa ere. "Yes. Alam mo naman si Mama. Gusto no'n hands-on siya kahit matrabaho ang pagluluto." "Hala! Oo nga pala! Naku, wala pa kong nabibiling gift para sa 'yo, Thalia!" Mads pouted. "Oo nga. Kami rin. Wala naman kasi kaming maisip na ibigay. Nasa iyo na kasi ang lahat, eh." Nag-apir pa sina Damon at Albert bago sinimulang kantahin ang kanta na may ganoong lyrics. Napailing na lang kaming dalawa ni Mads. Mga loko loko talaga. Pero bigla akong natigilan at napaisip. Sa totoo lang, magandang timing ang pagbubukas nila ng usapan tungkol sa regalo. If I requested for them to do that thing, will they grant it as a gift for me? "Actually, may naisip ako na puwede n'yong iregalo sa 'kin lahat." Natigil sila sa pagkukulitan at sabay-sabay na napabaling sa direksyon ko. Hinilig pa nila ang mga braso sa mesa at bahagyang inilapit ang mga mukha. What I said made them curious as hell, huh. "Ano naman 'yon, Thalia? Anything! Basta hindi mahal, hah," pagbibiro pa ni Harold. Masasabi kong siya ang pinakakuwela sa 'ming lima. Napatango ako. "No worries. It won't cost even a single centavo," seryoso kong saad sa kanila, dahilan para unti-unting mawala ang ngiti sa kanilang mga labi. Ilang segundo silang natigilan bago basagin ni Harold ang katahimikan. "Naku, Thalia! Parang kinakabahan ako riyan sa gusto mong hilingin sa 'min ah." Harold tried to ease the unseen tension, but failed. I looked at each one of them before I dropped the bomb. "I want you guys to quit on your job, and transfer to our hotel instead." Kung nasa normal lang kaming sitwasyon, malamang ay kanina ko pa sila pinagtatawanan dahil halos malaglag ang panga nila sa sinabi ko habang nanlalaki ang mga mata. "W-What? You're not serious, right?" hindi makapaniwalang bulalas ni Mads, habang nakatakip ang dalawang kamay sa kanyang bibig. "I am," seryoso ko pa ring sagot sa kanya. Ilang segundo ulit silang natahimik at nahulog sa malalim na pag-iisip, dahil sa bigat ng bagay na hinihiling ko sa kanila. I know that what I'm asking for them to do is impossible. But I need to take a risk. Because this is the one and only way that I knew right now, in order to save my friends from that killer. "But why? I mean, how will it benefit you?" halos pabulong na tanong ni Damon. Nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa 'kin na para bang nasisiraan na ko ng bait. Kinagat ko ang ibabang labi. Ano nga ba ang matinding rason na puwede kong ibigay sa kanila? Dahil mamamatay tao ang amo n'yo. "It won't benefit me. But you guys instead." Mas lalo silang naguluhan. "I just want to assure that you're all okay and treated well. In our hotel-" "Do we look like we're not okay and treated well on our job right now?" hindi makapaniwalang tanong ni Albert. Agad akong napailing. "I mean, look, you guys are still studying and yet, they're giving you too much job. Sa pagkakaalam ko ay part-timer kayo ro'n. Pero sobra-sobra pa sa dapat na trabaho n'yo ang ginagawa n'yo." Nagkatinginan sila bago pare-parehong napayuko. "Sa hotel kayo naka-assign as housekeepers and bellboys. Hindi kayo secretary, bodyguard, tauhan o kung anu-ano pa na basta na lang nila ipapatawag kung kailan nila gustuhin. Halos wala na nga kayong pahinga kakatrabaho at kaka-aral. Pati sa araw ng day off n'yo, basta na lang kayo tatawagan para papasukin." Nanatili lang silang nakayuko at walang imik. "I know that you guys owe them a lot. You told me that they're treating you all like a family. But that's not how I pictured it. You need to think of yourselves too. I just-" "Thalia, you know too well that what you're asking is for us to turn down the people who adopted and took care of us. To abandon the ones who helps and treats us like their own family. To leave those people who's been there and gave us the light of hope." Nagulat ako sa seryosong pananalita ni Harold. I'm not used to it. "And it's not that easy." Napailing siya bigla. "Actually, it will never be that easy." Napapikit ako nang mariin bago muling dumilat at hinilot ang nananakit kong sentido. "No! It's not what I mean. I-" Napahinto ako sa pagsasalita nang biglang tumayo si Mads. Nakangiti siya pero bakas ang lungkot sa kanyang mga mata. "I'm sorry, Thalia. I know that you are just worried to us, and I'm very thankful to that. We are very thankful to that. Pero hingin mo na lahat. Siguro kahit gaano pa kamahal ang bagay na 'yon o kahirap gawin. But we will never leave the Anderson's. No matter how good your reason is." That made my mouth shut. Sarado pa ang mga utak nila sa ngayon kaya hindi ko na muna ipipilit ang gusto ko. Hindi ko naman sila masisisi dahil talagang nabigla ko rin sila. Isa pa ay masyado silang bulag sa katotohanang hindi mabubuting tao ang mga kumupkop sa kanila. Mula pagkabata ay kasama na nila ang pamilya Anderson at ang mga ito na ang naging pamilya nila. Samantalang ako ay ilang taon pa lang naman nilang kakilala. Most especially, I'm just their friend. Napatango ako at napayuko habang kagat ang ibabang labi. "Okay. I'm sorry about that. I'm just... concerned." "Apology accepted." Napaangat ako ng tingin at tumambad ang nakangiting mukha ni Madeline sa 'kin. Halata roon ang pang-unawa na ikinangiti ko. Nagpatuloy na kami sa kuwentuhan na para bang walang nangyari. Kahit na ba medyo lutang pa rin ako at nag-iisip ng ibang paraan para mapaalis ko sila sa poder ng mga Anderson. Hanggang sa magpaalam kami sa bawat isa ay okupado pa rin ang isip ko. Tinanaw ko ang papalayong sasakyan na sumundo sa kanila, bago ako tuluyang lumulan sa kotse ko na buo ang desisyon sa dapat na gawin. I promise to do whatever it takes just to persuade them to leave the Anderson's. ----- A/N: Hello! Alam kong marami ang nagtataka kung ano ba ang nangyari after umalis ni Nathalia ng abandonadong gusali. Pero sinadya ko po munang bitinin ang part na 'yon. Mare-reveal po ito sa mga susunod pang kabanata. I hope you guys enjoy reading this story! :) - Ate Snow ❄
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD