Chapter 10 | Puzzled

2431 Words

Chapter 10 | Puzzled Pagkatapos kong kumain ay naisipan ko munang manood ng TV. Habang si Cole naman ay umupo sa pang-isahang sofa at nakinood rin. Kahit na ang totoo ay gustong-gusto kong malaman ang lagay ni Stephen at gamutin ang sugat niya. Pero pilit kong pinigilan ang sarili. Wala dapat akong pakielam sa kanya. Kung gusto niya magpakamatay, bahala siya sa buhay niya. Pabor pa nga sa 'kin 'yon kapag nagkataon. "Gaano katagal ka ng nagtatrabaho kay Stephen?" tanong ko kay Cole habang nakatuon ang mga mata ko sa TV. Kung tutuusin ay wala naman akong maintindihan sa pinapanood ko dahil kung saan-saan naman lumilipad ang isip ko. I saw he smiled from my peripheral view. "Ang totoo po niyan ay bata pa lamang ako ng mapunta sa poder ng mga Anderson. Nakita lang nila kong pagala-gala sa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD