Chapter 18 | The Dream, Truth and Dare

3513 Words

Chapter 18 | The Dream, Truth and Dare Tahimik kong sinasagutan ang isang take home activity namin sa school, nang bigla akong mabulabog sa marahas na pagbukas ni Mama ng pinto ng kuwarto ko. "Ma?" tawag ko sa kanya pero hindi niya ko pinansin. Dumiretso siya sa cabinet ko at basta na lamang kumuha ng mga damit ko roon, bago hinila ang isang maleta at inihiga ito sa kama. "Anong ginagawa mo, Ma?" nagtataka kong tanong sa kanya ng makalapit. "Aalis tayo." Mababakasan ng pagkataranta ang kanyang boses. Kumunot ang noo ko. Wala kasi akong matandaan na lakad namin ngayong araw. Isa pa ay gabi na. "Saan po tayo pupunta?" Sinusundan ko lamang ng tingin ang basta na lamang niyang pagsasalansan ng mga gamit ko. Saglit siyang tumigil sa ginagawa para harapin ako. Nagulat pa ko nang mahigpit

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD