GHOST STUDENT
Hello! I'm a 4th year college student sa isang university sa province dito sa Luzon. I will not mention the exact institution. This story happened inside our campus. Gusto kong ishare itong mga creepy experience ko.
The term "ghost student" is usually used to refer to a student na bihira pumasok. But this story is different. Literal na ghost po 'yong estudyante.
Maaga akong pumapasok sa school kahit na hapon pa ang klase ko dahil mahirap na makasakay sa amin kapag tinanghali. As usual dumarating ako sa school between 7:00-7:30 am. One time, 6:50 am ako dumating at didiretso ako sa faculty office dahil may ipapapirma ako. Nasa 2nd floor ang office at sa hagdan may nakita akong estudyanteng babae na walang mukha. Kumaripas ako ng takbo paalis ng building at di na tumuloy. Kinuwento ko sa kaklase ko pero di nila ako pinaniwalaan. Masyado raw maaga para magkaroon ng multo.
Pangalawa noong late ako umuwi. Kapag 5pm na kasi ay wala na talagang jeep na dumadaan or kung meron mang bus ay around 9pm pa makakadaan sa school. So nagpasundo ako sa kuya ko. Medyo madilim dahil walang waiting shed sa harap ng school pero may malaking puno ng mangga. Doon ako naghintay at hindi rin sobrang liwanag ng street light. Natanaw kong may estudyante rin sa kabilang side ng puno at parang naghihintay din. Bale nahaharangan ng puno yung face niya, at yung shoulder side niya lang ang naaninag ko. Imagine niyo nalang na nasa magkabilang side kami ng puno at pareho kaming medyo natatakpan. Since natanaw kong nakuniform sya, inassume kong student din siya.
Nagslita sya ""late ka na nagout"" hindi ko pinansin dahil akala ko hindi ako ang kausap niya kaya nagsalita ulit siya ""Anong department mo? May hinihintay ka?"" sumagot ako sa kanya dahil mukhang ako naman ang kausap niya ""BS*** dept ako. Hinihintay ko lang kuya ko. Galing pa kasi akong council kaya late na naman uuwi."" Sumagot lang sya na ""mm okay"".
After no'n tahimik na ulit, at saktong dumating na yung kapatid ko. Napamura ako nang makita kong walang tao sa kabilang side ng puno. Kinilabutan buong katawan ako at nanlamig dahil doon. Sino 'yong nakausap ko? Kinuwento ko sa mga kapatid ko pagkauwi at sabi nila, iwasan ko na raw magpagabi at maaga akong magchat kung gagabihin man ako.
Simula noon ay bothered na ko sa tuwing papasok ako dahil sunod-sunod na nakakakita ako. One time nagrereview kami ng kaklase ko, dalawa lang kami sa ilalim ng mga mahogany, mahangin kasi doon at ang view ay farm. Maaliwalas kaya doon kami nalalagi kapag gusto namin magreview. Habang nagrereview kami ay umidlip ako. Paggising ko bumungad sakin yung estudyante na walang mukha, as in nakaharap sa mukha ko. Napasigaw ako sabay takbo nang di lumilingon. Hinabol ako ng kaklase ko at tinanong ako kung anong nangyari. Sinabi ko sa kanya pero wala daw syang nakita na nasa harap ko. Simula noon ay di na ko pumunta sa spot na yun.
Akala ko tapos na sumunod ay nasa klase kami at ako ang magdidiscuss ng lesson. Habang nagdidiscuss ako ay may student na nasa likuran ng instructor ko. (samin kasi kapag nagdidiscuss kami or nagrereport, ang instructor namin ay nakaupo kasama ang mga student. Magaact po sila as student at kami ang teacher). Isinawalang bahala ko at inisip na baka irregular student. Kalagitnaan ng discussion ko napahinto ako dahil familiar ang student na yun. Biglang nagsink in utak ko na parang sya yung nakikita kong walang mukha at yung nakausap ko sa puno ng mangga. Diko namalayan na nagspace out ako in the middle of my discussion at noong tinapik ako paglingon ko sa pwesto niya ay wala na siya doon. Nakita ko siya na nakaupo sa upuan ko at walang mukha. Hindi ko naituloy ang discussion dahil bigla akong nanginig at natumba.
Marami pang ibang pangyayari, at yung mga yun ay mga minor lang gaya ng pagpaparamdam or pagkalabit sakin. Itong last na ikukuwento ko ay noong nasa restroom ako. Nagyari ito a week before long weekend. Hapon ito nangyari around 1:30 pm, 2pm pa ang klase ko that time. Habang umiihi ako may naririnig akong bumubulong sa kabilang cubicle. Boses babae at diko maintindihan yung sinasabi niya dahil puro bulong hanggang sa palakas nang palakas na halos magecho na pero di pa rin clear mga binabanggit niya. Nakaramdam agad ako ng takot, at naisip ko ulit yung estudyanteng babae na walang mukha. Lalabas na sana ako nang may pumipigil sa pinto para mabuksan ko. Narinig ko ulit yung nakakarindi na bulong sa tapat ng pintuan ng cubicle at hindi ko alam gagawin ko. Nagsalita sya ng malinaw ""wag ka naman umiwas sakin"". Umiiyak na ako at nung sinipa ko ang pintuan ay bigla itong bumukas pero walang tao sa loob ng restroom. Kumaripas ako ng takbo habang umiiyak. Nasalubong ako ng katiwala ng school habang tumatakbo. Nanay na rin ang tawag sa kanya ng mga estudyante.
Si nanay ay matagal nang katiwala ng school, at sya lang ang pinayagang magtinda sa loob ng campus. Noong nakita niya akong umiiyak at nanginginig ay dinala niya ako sa tindahan niya at tinanong niya ako kung anong nangyari. Kinuwento ko lahat ng nangyari, at mga iba pang naranasan ko. Ito lang ang nabanggit niya ""Ikaw ang sumunod. Magiingat ka dapat lagi kang may kasama"". Buong hapon ay hindi na ako pumasok at nagpasundo nalang ako. Kinabukasan at nilagnat ako. Pakiramdam ko may alam si nanay.
Kinuwento ko sa mga kaibigan ko at sabi nila ay subukan kong magpa-albularyo. Hanggang ngayon ay takot pa rin ako. Hindi ko pa naiopen ito sa mga instructors namin dahil patapos na rin naman ako sa pagaaral. Tanging mga kaibigan ko at si nanay lang ang nakakaalam. Kailangan ko bang sabihin sa instructors/professors ko? Nahihiwagaan kasi ako sa nangyayari at kung anong background story.
Magreresume na naman ang klase at kinakabahan ako baka maencounter ko ulit siya.
Clst
EL PUEBLO CONDO BUILDING B
Sta. MESA, MANILA
So that day, maaga ang dismissal. Kaya napagdesisyunan naming tumambay muna sa dorm nila Len (di tunay na pangalan) bago umuwi. Edi gora. Pero bago yun, plano plano muna kami paano makakapasok lahat e may limit lang ang number ng visitors. Anim kami non e. Pero dahil maparaan, success hahaha.
Kuwentuhan lang kami ng random. Hanggang sa napunta kami sa horror experiences ng isa't isa. Active na naman ako! Favorite ko to e! HAHAHA.
Habang nagchichikahan, bigla ako nakarinig ng ungol ng babae. Yung ungol na parang iyak. Pero di ko pinansin yun tapos tuloy lang chika. Eh biglang tumigil si Len sa pagkuwento sabay tanong kung may narinig kami. Narinig nya nga raw yon, so sabi ko, ako rin. Yung dalawa narinig din. Yung dalawa namang busy sa phone, di raw. So sabi namin ano yun. Nagjoke pa si Len. Sabi nya, ang aga raw ha. Dapat gabi raw kasi nagpaparamdam di tanghali. Haha. Edi hinayaan na namin. Tuloy ang kuwentuhan. Hanggang sa nagkayayaan na umuwi.
Habang nagsasapatos yung iba, naghihintay naman sa tabi ng pinto yung iba. Nakabukas aircon e, para sabay sabay na lalabas.
Habang nasa Teresa St. Kinuwento ni Mij na habang nagsasapatos kami, may bumulong sa kanya. Huminga raw sa tenga nya tapos super lapit. Kinilabutan nga sya. Di nya na lang sinabi kasi nandon pa kami e.
After that incident, ilang araw lang nakalipas nagkuwento si Len na yung mga kasama nya sa dorm nakakita ng white lady.
One time daw, mag-isa yung kasama nya sa dorm. Tapos nung binuksan nya yung ref pagkasara daw nakita nya sa peripheral vision yung babae. Edi takbo raw sya palabas ng unit na yun. Di raw sya umuwi hangga't di pa umuuwi mga kasama nya. Tapos may nangyare din na yung tatlo nyang kasama, sabay sabay nakita yun sa salamin habang nasa kwarto sila.
Possible kaya na natrigger namin yung mumu? Kasi nagchikahan pa kami about don?
May kuwento rin pala yata sa building na yun. Tungkol sa isang unit na walang nagtatagal umupa kasi may mga kung anek anek na paramdam.
Ayun lang. Hi sa mga kapit-unit ni Len! Baka naexperience niyo rin HAHAHA
Thank you, admin Chai!
Starla 🌠