KABANATA 03

2141 Words
PINATAY na ni Ysabella ang ilaw sa kwarto at bumaha na ang kadiliman. May ngiti sa labi na inilapat ni Ysabella ang kanyang likod sa higaan. Hanggang sa oras na iyon ay nag-iinuman pa rin ang magkapatid sa labas ng bahay. Masaya siya na makitang magkasundo ang magkapatid na sina Fernan at Mikael. Sabagay, ano pa ba ang aasahan niya, eh, mabait naman ang kanyang nobyo. At sa tingin naman niya kay Mikael ay ganoon din ito. Magaan agad ang loob niya sa kapatid ni Fernan dahil magaling itong makisama. Palaging nakangiti at maasikaso sa kanila. Tumingin siya sa kisame na yari sa plywood. Hindi na malambot ang kanyang hinigaan `di tulad sa bahay nila. Ang bahay na ito marahil ang magiging tahanan niya hanggang sa pagtanda. Pero wala siyang pinagsisisihan. Mahal niya si Fernan at handa siya na habangbuhay na panindigan ang desisyon na pagsama dito. Pupunuin nila ni Fernan ng tawa ng mga supling nila ang bahay na ito. Sigurado siyang magiging masaya iyon kapag nangyari ang kanyang nasa isip. Maya maya ay nakaramdam na ng pagbigat ng talukap ng mga mata niya si Ysabella kaya naman tumagilid na siya at ipinikit ang kanyang mga mata upang matulog na. Hindi pa man siya nakakatulog nang maramdaman niya ang pag-ingit ng papag at naramdaman niya na may humiga sa kanyang tabi. “Fernan... Tapos na ba kayong mag-inom ni Mikael?” tanong niya. Hindi na siya nag-abala pang lingunin ito dahil nakatalikod siya sa gawi nito. Wala siyang nakuhang pagsagot. Bagkus ay yinakap siya nito sa beywang at kinilabutan siya ng dumampi ang mainit nitong hininga sa kanyang leeg. Napaungol siya nang mahina nang ang labi na nito ang sumayad doon. “Fernan…” anas niya habang nakapikit ang mga mata at dinadama ng husto ang ginagawa nito sa kanya. “Ysabella…” Biglang naimulat ni Ysabella ang kanyang mga mata. Ang init na unti-unting bumabangon sa kanyang katawang lupa ay biglang naglaho nang magsalita si Fernan. Ah! Hindi pala. Hindi si Fernan ang lalaking katabi niya ngayon! TUMAYO si Maikael matapos niyang tunggain ang tagay niya. Medyo umiikot na ang paningin niya. Sanay naman siya sa inuman ngunit matagal-tagal na rin pala ang huling beses na nakatikim siya ng alak kaya bahagya siyang naninibago. “Oh, `tol! Sa'n ka pupunta?” tanong sa kanya ng Kuya Fernan niya. Kahit moreno ito ay namumula na ang mukha nito sa kalasingan. Kabaligtaran naman niya ito, medyo mahina ito sa alak. “Ji-jingle lang ako, kuya.” Totoo naman ang kanyang sinabi. Kanina pa siya nakakaramdam ng tawag ng kalikasan. “`Sus! Baka tatakasan mo ako at tutulog ka na! Hindi puwede. Uubusin pa natin iyong isang bote!” Natawa siya sa paraan ng pagsasalita nito. Lasing na nga. “Naku, `wag kang mag-alala, kuya. Babalikan kita diyan. Mabilis lang ako! Kung gusto mo ay bumili pa tayo ng isa pa!” aniya. “Sige, balik ka agad, `tol!” Pagkasabi nito niyon ay pumasok na siya sa bahay. Dumiretso siya sa banyo at doon ay umihi. Paglabas niya ay nakita niya ang nakabukas na pinto ng kwarto ng kuya niya at ni Ysabella. Kahit madilim doon ay kitang-kita niya ang nakahiga at nakatalikod na bulto ng nobya ng kanyang kapatid. Napalunok siya nang makita ang perpektong kurba ng beywang nito. Hindi na niya napigilan ang sarili na ihakbang ang mga paa palapit dito. Dahil na rin siguro sa espiritu ng alak kaya nagkaroon siya ng lakas ng loob na gawin iyon. Basta, ang nasa isip lamang ni Mikael ng mga oras na iyon ay ang madama ng kanyang mga kamay ang katawan ni Ysabella. Kung gaano iyon kalambot at kasarap hawakan, katulad ng ginagawa dito ng kanyang Kuya Fernan. “MIKAEL!” gulat na bulalas ni Ysabella sabay balikwas ng bangon. Nagmamadali siyang tumayo at tinungo ang switch ng ilaw at pinindot iyon. Nang bumukas ang liwanag ng bumbilya ay hindi nga siya nagkamali-- si Mikael nga ang lalaking tumabi sa kanya kanina at hindi si Fernan. May kaba na napailing si Ysabella. “A-anong ginagawa mo dito, Mikael?” may diin na tanong niya. Tila naguguluhan na napailing naman ang lalaki. Tumingin ito sa kanya na parang nakakaawa. “H-hindi ko alam…” sagot nito. Tumayo ito at akmang lalapit sa kanya ngunit umatras siya. “Ysabella, `wag kang matakot sa akin. H-hindi ko sinasadya. Lasing lang ako… Lalabas na ako. Pasensiya ka na.” Matagal niya itong tiningnan bago siya huminga ng malalim. Siguro nga ay lasing na lasing na ito kaya hindi na alam ang ginagawa. “Ah, s-sige. L-lumabas ka na ng kwarto namin ng kuya mo.” Talagang pinagdiinan ni Ysabella ang mga salitang 'kuya mo' para maunawaan ni Mikael na hindi maganda ang ginawa nito. “Sana naman ay hindi na ito maulit, Mikael,” dugtong pa niya. “Patawad…” anito. Nang palabas na ito ay bigla niya itong tinawag. Tinanong niya kung nasaan na si Fernan. Sinabi nitong nasa labas pa rin ito at hindi pa sila tapos mag-inuman. Sumama na si Ysabella sa paglabas ng bahay kay Mikael at doon ay nakita niya si Fernan na nakahalik na ang mukha sa lamesa. Sa lupa at nakita niya ang napakaraming suka. “Tama na ang inuman niyo,” ani Ysabella. “Tulungan mo akong dalhin siya sa kwarto namin,” aniya kay Mikael. Tumango naman ito. Magkaagapay nilang binuhat si Fernan. Nakasampay ang isang braso nito sa balikat niya habang ang isa pa ay kay Mikael naman. Ngunit dahil nahihirapan sila sa ganoong posisyon ay nagprisinta na lang si Mikael na ito na lang ang mag-isang magbubuhat sa kapatid nito. Pinasan nito si Fernan hanggang sa kwarto nilang mag-kasintahan. “Maraming salamat, Mikael…” pasasalamat ni Ysabella nang maihiga na ni Mikael si Fernan sa papag. “Walang anuman. Ah, Ysabella... `Yong tungkol sa nangyari kanina, sana kalimutan mo na iyon. At huwag mo na sanang banggitin kay kuya. Okay lang ba?” Nailang bigla si Ysabella. “Sige. Walang problema basta't 'wag nang mauulit. Oo nga pala, may iuutos sana ako sa'yo, Mikael.” “Ano iyon?” “Maaari mo ba akong ikuha ng maliit na palanggana na may maligamgam na tubig? Pati pamunas na tela na rin sana. Lilinisan ko si Fernan at amoy suka na siya.” “Sige, hintayin mo lang ako dito.” At lumabas na nga si Mikael. Pagbalik nito ay dala na nito ang lahat ng kanyang pinakuha. Nagpaalam na rin ito na matutulog dahil antok na daw ito. Nang mapag-isa na sila ni Fernan sa kwarto ay isinara na niya ang pintuan at siniguro niyang nakakandado iyon. HINDI mapakali sa pagkakahiga si Mikael. Babaling sa kaliwa, babaling sa kanan. Dadapaat titihaya ngunit hindi mawala sa utak niya si Ysabella. Oo, alam niyang mali na pagnasaan niya ang babaeng papakasalan ng kanyang nakakatandang kapatid, ngunit masisisi ba niya ang kanyang sarili? Lalaki lang siya. Normal na lalaki na nakakaramdam ng libog sa katawan. Hanggang ngayon ay malinaw pa rin sa kanyang isip ang ginawa niyang paghawak sa katawan at paghalik sa leeg ni Ysabella. Hindi nga siya nagkamali, tunay na napakalambot at napakabango ng katawan nito. Partida pa iyon dahil may suot pang damit si Ysabella nang haplusin niya ito. Ano na lang kaya kung ang mismong balat na nito ang nadampian ng kanyang palad? Ano na lang kaya kung ang mismong labi na ito ang kanyang nahalikan? Ahhh!!! Sigaw ni Mikael sa kanyang utak. Hinubad niya ang kanyang sando at ginawang pampunas sa pawis sa kanyang mukha. Uminit ang kanyang pakiramdam nang isipin niya ang mga bagay na iyon. Wala na siyang magagawa kundi ang ilabas ang init na iyon katulong ang kanyang mga kamay! At ilang sandali pa nga'y tumilamsik na ang bunga ng pagsasarili ni Mikael sa kanyang tiyan habang pinapakawalan niya ang isang impit na ungol. INILUBOG ni Ysabella ang tela sa maligamgam na tubig at piniga iyon. Lilinisan niya muna si Fernan bago siya matulog. Una niyang pinunasan ang gwapo nitong mukha. Napangiti siya nang mapagmasdan ang natutulog na nobyo. Parang napakainosente nito kapag tulog... Sunod na pinunasan niya ay ang leeg at mga braso nito. Hinubad na rin niya ang t-shirt nito upang mapunasan niya ang katawan. Napakaswerte niya dahil bukod sa gwapo si Fernan ay biniyayaan pa ito ng magandang katawan. Mukhang pati ang shorts nito ay kailangan din niyang hubarin dahil may kaunting suka sa laylayan niyon. Ganoon na nga ang ginawa niya at ang mga binti at paa naman ang nilinisan niya. Matapos iyon ay napatingin siya sa kulay putting brief ni Fernan. Napatitig siya sa bukol na naroon. Tila nahihipnotismo na binitiwan niya ang hawak na tela at naglakbay ang kanyang isang kamay papunta sa maselang parte ng katawan ni Fernan. Masuyo niyang hinimas-himas iyon hanggang sa maramdaman niya na unti-unti iyong lumalaki. Tulog pa rin sa kalasingan si Fernan. Naisip ni Ysabella na alisin na rin ang huling saplot sa katawan nito. At tumambad na nga sa kanya ang nakatayo nitong p*********i! Niyapos iyon ng kanyang nanginginig na mga kamay. Naramdaman niya ang init at katigasan nito. Hindi mawari ni Ysabella, ngunit simula nang angkinin siya ni Fernan at maramdaman niya ang sarap niyon ay tila nais niyang palaging magpaangkin dito. Maya maya ay namalayan na lang ni Ysabella na dinadama na niya ang kaliwa niyang dibdib habang hawak ang p*********i ni Fernan. Hindi pa siya nakuntento at tuluyan na siyang naghubo't hubad. Labis-labis ang init na dumadaloy sa kanyang dugo ng mga sandaling iyon. At kailangan niya iyong ilabas. Kailangang-kailangan! Namumungay ang mga mata na inupuan niya ang p*********i ni Fernan. Pasok na pasok ang kahabaan niyon sa kanyang p********e. Dahil tulog si Fernan ay siya na muna ang magtatrabaho. Nag-umpisa nang gumalaw si Ysabella sa ibabae ng lalaki. Nagtaas-baba ang kanyang balakang habang nilalamas niya ang sariling dibdib. Walang pagsidlan ang sarap na kanyang nararamdaman ng oras na iyon. Narinig pa niya ang mahinang pag-ungol ni Fernan. Marahil ay alam nito ang ginagawa niya ngunit sa sobrang kalasingan nito ay hindi na nito makuhang gumising. Patuloy si Ysabella sa ginagawa. Ngunit dahil unang beses niyang gawin ang puwestong iyon ay paminsan-minsan ay tumitigil siya kapag nakakaramdam ng pagkangawit sa kanyang mga binti. Unti-unti nang dumudulas ang kanyang lagusan. Hindi siya tumigil hangga't hindi niya naabot ang sukdulan. Nanghihina at nanlulupaypay na humiga siya sa tabi ni Fernan. May kasiyahan na tumingin siya sa kisame sabay pikit ng mga mata. NAGISING si Ysabella nang maramdaman niya ang paghalik ni Fernan sa kanyang labi. Nang imulat niya ang kanyang mga mata ay ang nakangiti nitong mukha ang sumalubong sa kanya kaya naman napangiti na rin siya. “Good morning!” bati niya sa nobyo. Ganito pala ang pakiramdam ng ang una mong makikita sa iyong paggising ay ang mukha ng taong makakasama mo habangbuhay-parang langit sa lupa! Isang pilyong ngiti ang gumihit sa labi ni Fernan. "Anong ginawa mo sa akin kagabi, ha?" tanong nito. Bumalikwas siya ng bangon. “Ha? Ano bang sinasabi mo?” natatawa niyang turan dahil nakuha niya agad ang tinutukoy nito. “Ginahasa mo ako kagabi!” “Asa ka, Fernan! Ikaw, gagahasain ko--” Hindi na naituloy pa ni Ysabella ang sasabihin dahil malakas siyang napatili nang ihiga siyang muli ng lalaki sa papag at pumaibabaw ito sa kanya. “Oo, ginahasa mo ako kagabi!” nakangiti ito. “Pasalamat ka't wala akong lakas kung `di baka ikaw ang ginahasa ko!” “Ewan ko sa'yo. Panaginip mo lang iyon!” biro pa niya. “Ah, tumatanggi ka pa, ha. Pwes, ikaw naman ang gagahasain ko ngayon!” anito at hinalikan agad siya nito sa labi. “Hindi ka na makakalaban dahil hindi na ako lasing ngayon!” pilyong turan nito. Ngunit hindi pa man sila nag-iinit ng husto nang sunud-sunod na katok ang gumulantang sa kanila. “Kuya, Ysabella, handa na ang almusal!” si Mikael pala. “Ha? Sige, susunod na kami!” sagot naman ni Fernan. “Hintayin ko na kayo, ha. Bilisan niyo at baka lumamig na `yon.” “Hay... Bitin!” palatak ni Fernan nang marinig nila ang papalayong yabag ng paa ni Mikael. Humagikhik si Ysabella. “Ikaw, kasi! Ang bagal-bagal mo. Ang dami mo pang pasakalye kanina. `Yan tuloy, naudlot!” tudyo pa niya. “Eh, `di... ituloy natin. Bibilisan lang natin,” sabay kindat pa ni Fernan. “Loko-loko! Bumangaon na tayo at saluhan na natin si Mikael sa almusal. Hindi mo ba naaamoy iyong sinangag at longganisa na niluto niya? Ang bango…” “Ikaw ang naaamoy ko, eh!” Natatawa na bumangon na siya at hinila patayo si Fernan. “Puro ka talaga kalokohan! Tara na at nagugutom na rin ako. Kailangan ko muna ng lakas.” “Lakas para saan?” Isang kindat lang ang isinagot niya kay Fernan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD