Nakita niya ang gulat sa mga mukha ni Marco, ilang sandali itong natahimik at hindi nakapagsalita. Nakatitig lamang ito sa kan'ya habang bahagyang nakaawang ang bibig. "My mother just married Don Gerardo, month ago. Galit na galit sa amin si Rafael dahil pera lang raw ang habol namin sa kanila" malungkot na sabi niya. Seryosong nakatitig lang ang lalaki sa kan'ya at tila handang makinig sa sasabihin niya kaya nagpatuloy siya. "I admit, iyon ang unang plano ng mommy ko, but she saw how the don treated us. He was a good man even sa akin noong mga panahong nabubuhay pa ito, at alam ko napamahal na ang mommy ko sa don" "Then, I don't get it, why do you need to marry him?" ngunot noong tanong nito. "Iyon ang nakasaad sa last will and testament ng asawa ng mommy ko." "Bakit kailangan kang

