"What? No!" para siyang nanghina dahil sa narinig, mabuti nalang at maagap siya nitong nadaluhan kung hindi ay bumagsak na siya sa may matigas na sahig. "What happened to them? Asan ang mommy ko? Okay lang ba sila?" Hysterical na tanong niya rito. "Calm down Sab" Alo nito sa kan'ya at tuluyan na siyang niyakap. "Okay lang si Mommy hindi ba? Maayos naman ang lagay nila ni Tito Gerardo hindi ba? Please Rafael, answer me please okay lang sila hindi ba?" Hagulgol na sabi niya. "Hush baby, everything will going to be okay, walang mangyayaring masama sa kanila" Habang hawak nito ang mukha niya. "Wag mong hahayaang may mangyaring masama sa kanila ah, please?" Parang wala na sa sariling pakiusap niya rito. "Get ready, we are going to fly there now" At inalalayan siya nitong tumayo, hinatid s

