FOUR

447 Words
Hindi siya sumagot dito, sa halip ay nilampasan niya lang ito ngunit agad siya nitong nahigit sa isang braso. "Hindi sa lahat ng pagkakataon ay maiiwasan mo ako" At mabilis na siya nitong binitiwan at tuluya ng bumaba. Sumunod naman siya rito papuntang komedor. Nandoon na ang mag-asawa at nauna ng kumain ng breakfast. "Oh, goodmorning mga anak, mabuti at narito na kayo at may sasabihin sana kami ni Katrina sa inyo". Masayang sabi ng Don sa kanila. Hindi siya nagkomento, sa halip ay nakinig nalang siya nang magsalita ulit ang ito. "Balak naming mag-honeymoon sa ibang bansa at nakapagpabook na kami ng cruise sa loob ng isang buwan at hija, wala kanang alalahanin sa eskwela dahil nagawan ko na ng paraan para makapasok kana sa lunes sa bago mong school. At dahil si Rafael ang mas nakakatanda sa inyo siya na muna ang magbabantay sa'yo." Mahabang sabi ng Don na nakapagpataas ng isang kilay niya. Magbabantay? Anong akala nila sa'kin? Batang paslit? MyGod! I'm already 20 years old! "Don't worry papa, akong bahala kay Sab. Enjoy your honeymoon" Nakangiting sabi nito at tumingin sa kan'ya ng nakangisi. Gusto niyang matakot sa klase ng ngiti nito. Pero alam niyang may binabalak itong hindi maganda. Dumating ang araw ng pag-alis ng mga ito at inihatid nila ang mga ito sa airport si Rafael ang nagdrive. Matapos makasakay sa eroplano ang mga magulang niya ay naisip niyang silang dalawa nalang ang uuwi. Parang gusto niyang kabahan. Uupo na sana siya sa may backseat nang sitahin siya nito. "Balak mo ba kong pagmukhaing driver?" Inis na sabi nito sa kan'ya. Wala siyang nagawa kaya umupo na lamang siya sa may frontseat ng kotse katabi nito. "Are you afraid of me?" Nakangising tanong nito sa kan'ya. "Don't worry, I won't bite" "There's nothing to be afraid of" Matapang na sabi niya. "So, what course are taking-up right now?" Pag-iiba nito sa usapan. "Architecture" Maikling sagot niya. "That is a good course and, I do believe that you have brains. Sabagay, mas mabilis nga naman umangat kapag gumamit ka ng ibang tao." Sarkastikong sabi nito. May laman na naman ang salita nito. "Sorry pero hindi ako komportable sa ganiyang mga klase ng usapan" Tinatamad na sagot niya. "Bakit? Nasasaktan ka ba? I don't mean anything by that" Painosenteng sabi pa nito. "No, I am not!" At isinandal na niya ang ulo sa may headboard gusto niyang matulog para wag na siyang kausapin nito. Pinilit niyang ipikit ang mga mata niya pero bakit tila mukha ni Rafael ang nakikita niya? Tinignan niya ito habang seryoso itong nagda-drive. Matangkad.. Makapal na kilay.. Mahabang pilik-mata.. Matangos na ilong.. Manipis at mamula-mulang labi.. Mamasel na katawan.. Morenong kulay.. Malakas ang dating, iyong tipong mahirap kalabanin. "Are you done checking me out? Do you like what you see?" At tumingin ito sa kan'ya. Patay! Nahuli siya nitong nakatitig dito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD