ONE

439 Words
  "Mommy no pleaseee!" halos lumuhod na siya para pakiusapan ang mommy niya na h'wag magpakasal ulit. She really knows how her mother love her late dad, kaya hindi niya alam kung ano naisipan nito at gusto nito ulit mag asawa after a year and half. "It's for your future, our future. I want to be secured anak, gusto kong maging maganda ang kinabukasan mo kahit wala na ako". "but mom, 1 year nalang at mag gragraduate na rin ako sa kurso ko tapos magta-take na ako ng board exam, matutulungan na kita. Hindi mo na kailangan pang magpakasal ulit." "No Sab, my decision is final, I will marry Don Gerardo Gabriel and in two weeks time lilipat na tayo sa mansiyon nila. She can see determination on her mom's eyes, parang wala ng makakapagpabago ng isip nito at parang nanlumo siya. Mabilis lumipas ang mga araw at ngayon ay ang araw ng kasal ng mommy niya kay Don Gerardo, ito rin ang unang araw na makikita niya ang Don. Isang simpleng kasal sa huwes lang ang hiniling ng mommy niya at tanging sila lang ang naging saksi at ilang piling mga kamag-anak. May edad na ang Don, ngunit mapaghahalata mo na talaga namang napaka kisig nito noong kabataan nito. Dahil napaka tikas pa rin nito at hindi mo iisiping 63years old na ito. Napaka ganda naman ng mommy niya sa suot na simpleng bestidang puti. Maganda at sexy pa rin ito at maraming nagsasabi na sakanya niya namana ang kanyang kagandahan na ikinangingiti na lamang niya. Natapos ang kasal ng hindi man lang niya nakikita ang anak nito. Nasabi ng mommy niya na may nag-iisang anak daw na lalaki ang Don. Agad na lumapit sa kanya ang mommy niya akay-akay ang bago nitong asawa. "Sab, meet your Tito Gerardo". Nakangiting sabi ng mommy niya. Dahil pinalaki siya ng mga magulang niya na may disiplina hindi niya ito pinahiya, ganap na ang mga itong ikinasal pero ngayon palang sila normal na nagkakilala. "Nice to meet you po, Tito" at nakipag beso-beso siya rito. "It's also my pleasure to finally meet you hija, totoo nga ang sabi ng mommy mo. You are really beautiful, bagay na bagay kayo ng anak ko." Sabay ngiti nito na ipinagsawalang bahala na lamang niya. Hindi man siya ganap na inampon ng Don ay parang hindi pa rin siya naging komportable sa sinabi nito. "Teka nga, bakit hindi ko pala nakikita iyang anak mo honey?" tanong ng mommy niya. "He's so busy with our company napaka workaholic ng batang iyon, but don't worry you will meet him later on dinner." Ngiti pa nito sa kanila.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD