Ignored
Yes I am. I'm avoiding him because I know how fast I am when it comes to falling in love.
"You're avoiding me." ulit niya. nakakagalit.
Nailipat ko ang tingin ko sa counter dahil inilagay na don ang inorder kong Iced coffee. kinuha ko naman agad yun at aambang aalis na sana ngunit hinarangan ako ni Evo.
"Now tell me you're not avoiding me huh." he said. ngayon ay tinitigan ko na ito sa mata.
wala na rin naman akong magagawa kundi sabihin nalang ang saloobin ko at baka sakaling tumigil na siya sa kung ano man ang binabalak niya.
"Evo you know what, whatever your intentions are, I don't want to get involved with your play time around it's not funny anymore." giit ko sakanya. umarko naman ang kilay nito at natawa.
"Who told you that I'm playing around?" tanong niya sa mababang tono, na ngayon ay seryoso na siya.
"Then what is this all about? it's obvious that you're doing this for fun, trying to satisfy your ego and pride. I'm trying to save my heart to whatever your intentions or plans. from what you're doing, you'll just break someone's heart for nothing." giit ko sakanya.
His dark eyes bore into me kaya mas lalo lamang akong nahirapang basahin ang galawan niya.
"Find somebody who will give you the same vibe. I'm not like the girls you can easily get. my heart is fragile and I'm doing my best to protect it." dagdag ko.
kitang kita ko rin ang pag galaw ng naka depinang panga nito at ang pagkunot ng perpektong kilay niya bago ko ito talikuran at iwan sa kinatatayuan niya.
It is easy for them to get someone who can give the satisfaction they need. when it really does make someone hurt who's taking love seriously.
I hate being in one sided. nakakagalit yung ikaw lang pala yung umaasa at naghihintay ng pag-ibig sa taong wala naman pala talagang pagmamahal sa puso. nakakatakot masaktan kung sa una pala ay ikaw rin naman ang may kasalanan kung bakit humantong ka pa sa maling paraan.
Never fall in love, I'll protect my heart no matter what.
One thing I've realized that things getting worst the more you cover up things, the more you sugar-coat those unfiltered things just to make people assured than telling them the truth and speaking up what it was supposed to be. isahang pagkakamali, isahang sakitan at isahang pag-aayos.
"Hoy hindi ka na sumasama!" inis na saad ni Ell saakin palabas kami ng school ngayon at papuntang Lemon grounds.
"Kasama na ako ngayon." nginitian ko ito ng malawak at inirapan lamang ako.
"Nasan ka ba kasi nagpupunta? puro sila bianca na kasama mo." saad naman ni Louise.
"Hindi puro sa whistletop mga yun, you know party life." saad ko naman at nagkibit balikat.
"Sabagay mga 18 na kaya nakakapasok na sa bar." saad naman ni Xia.
"18 naman na sila Ari at Louise!" saad ko.
"Oo kaya sila ang madalas sumama kina Evo sa BGC." sabat naman ni Ell.
Napaiwas naman ako ng tingin at nanahimik na. sumakay nalang kami sa iisang sasakyan para pumunta sa lemon grounds at dun nalang magpasundo sa drivers namin pag uuwi na.
Maganda ang napili naming pwesto kaya maganda rin ang view. sa roof deck kami at kitang kita ang riverside dito mula sa taas.
The color of the sky mixed into orange and dark until it covered by the darkness. payapa ang dapit hapon na iyon kasabay ng tawanan at kwentuhan kasama ang mga kaibigan.
"Next time, we can introduce this place with the band." saad ni Ariah habang inaayos ang bag.
"We can hang out without their group though." saad ko sa mahinang boses ngunit alam kong narinig nila iyon.
natigilan naman si Ari sa ginagawa at nailipat naman nila Ell, Xia at Louise ang atensyon saakin.
"Ayaw mo ba sa kanila?" Xia asked.
"I mean, they're fun to be with? nothing's wrong about the vibe?" dagdag muli ni Xia. tinitigan ko lang ang mga ito.
"Yeah right. pero siguro we can have our time as a group? look, They're always there when everytime we go out? I mean they have their own group and we also had ours?" halos paputol-putol kong saad. napakunot naman ang noo ni Ashnell.
"You know what, I don't get you. this past few days you're acting strange, lagi ka ng wala, lagi kang hindi sumasama tuwing may practice band-"
"Is this all about Evo?" pinutol ni Ariah ang sinasabi ni Ell kaya natahimik ang lahat.
"No. you know what? nevermind. let's do things like we used to before." saad ko at tumayo na rin para ayusin ang bag.
"Sa friday ang last practice ng banda, you can join naman na siguro?" tanong ni Louise na ngayon ay tumayo na rin. tumango naman ako agad.
"Pack up, let's go." saad ni Ariah.
I think there's no point at all if I'll avoid him.
Nagdaan ang mga araw at hindi ko na nakita ang anino ni Evo sa campus. hindi ko maiwasang maghanap tuwing nakikita ko ang mga pinsan niya o grupo nito.
Hindi rin sila nag band practice kahapon at nag-fofocus sila sa volleyball daw dahil bukas na ang sports fest.
Busy ang lahat sa pagde-decorate ng kanya-kanyang booth sa school field kaya magulo at pakalat-kalat ang mga estudyante. nag-aasaran ang mga magkakatabing booth dahil lahat kami ay magkakalaban sa pagandahan at paramihan ng kita.
"ang yayabang naman nitong mga Blue teams! tatalunin lang din naman sila sa basketball bukas!" bwisit na saad ni Hena
"Ha! nasa atin kaya ang isang Zephyrus Alfiera!" mayabang na saad ni Bianca.
"Hoy may Zeus Montressor ang blue team!" pag-aapila naman ng blue team dahil katapat lang namin ang booth nila.
nagkakasagutan naman sila Bianca sa kabilang team ngunit katuwaan lang din naman ang mga iyon.
"Kailangan na natin ng boys! saan na ba kasi sila?" saad ni Valerie na leader ng team namin dahil hirap na kaming ilagay ang bubong ng booth house namin.
"Vanellope pwede pahawak nito, hanapin ko lang ang mga boys." ibinigay ni Jana ang isang mood board na ipininta nila kanina.
nagtutulong-tulong na kami sa pagkukumpuni ngunit kulang pa rin talaga ang lakas naming mga babae.
"buti pa ang green team tumutulong ang mga boys!" saad naman ni Pauline na nakatingin na ngayon sa may kabilang banda kung saan ang booth ng green team kaya napatingin na rin ako dun.
nakita ko naman roon sila Kiero at Alas na nagbubuhat ng mga kahoy na gagamitin sa booth nila.
"Saan ba ang mga boys natin at nagkakaubusan na ata?" tanong naman ni Hena. nagkibit balikat lamang kami.
"si Zafiel ang representative natin?" tanong ni Sara nang makita si Zafiel at iba pang candidates na patungong studio para mag practice for the pageant.
"Si Ari pala ang representative ng blue." mahinang saad ko habang nakangiti.
"sa boys category naman ayaw sumali ni Zephyr, pinipilit na nga iyon ng management natin ayaw pa rin." singit naman ni Yna habang nagtatali ng mga decorations.
"bakit daw?" tanong ni Sara.
"Ewan ko ba, ayaw ata partner-an si Zaf." sagot naman nito.
"huh? hot chick naman si Zafiel? prototype ng mga babae niya." nagtatakang saad ko.
Baka kasi talagang ayaw lang ni Zephyr sumali sa ganito.
"Si Zach kasi ang pambato ng blue team." singit naman ni Valerie na ngayon ay nakapamewang na habang tinitingnan pa ang mga dapat gawin at ayusin sa booth namin.
"That's it. ayaw niyang labanan ang pinsan niya." saad ni Hena, kaya napatango naman kami.
"Pinipilit din ng management ng red team si Evo, ewan ko lang kung pumayag." saad naman Yna. napaiwas naman ako ng tingin.
"Papayag yon, partner ata si Gomez!" singit naman ni Bianca. akala ko ba, na turn down na siya?
"Wala na, panalo na sila. beauty and brains eh." saad naman ni Hena na ngayon ay mukhang nawawalan na ng pag-asa. natawa naman kami sa reaction niya.
"Ano na?" tanong ni Valerie kay Jana na kararating lang at napagod pa ata sa kakahanap ng mga team mates naming boys.
"Nagsisitaguan ata! ang iba naman ay may training daw." sagot naman ni Jana.
"Hoy! kanina pa tapos ang practice game ng basketball, andyan na nga sila Zeus!" agad naman umapila si Sara kaya napalingon kami sa katapat na booth at andun na nga si Zeus at iba pang players.
Namataan din namin sila Caleb at ang soccer team nila na papunta na rin sa kanikanilang teams para tumulong.
ganun nalang din ang gulat ko nang makita ko si Zach habang patungong blue team na inakala kong si Evo dahil halos may pagkahawig sila maging sa pangangatawan nila.
"Nako Jana, pinagloloko ka lang ng mga iyon!" saad ni Yna na ngayon ay tumayo na.
"Tara hanapin natin sila. maiwan nalang ang iba dito!" Tumayo si Valerie at saka tinawag kami ni Bianca para hanapin ang mga ka team mates na boys.
Habang naglalakad kami patungong Gym ay natanaw namin agad sila Zephyr sa may gilid na nakatambay na mukhang kanina pa nagpapahinga.
"Kita mo na ang mga 'to napakatamad, ayaw maarawan!" bwisit na saad ni Valerie. napailing nalang ako at natawa.
"Uy Vanellope ikaw nalang tumawag kila Zephyr, since you're close to them." saad naman ni bianca. tumango naman ako kaya nauna akong naglakad sa dalawa.
"Hoy Zephyr! ano? walang balak tumulong sa booth?" tawag ko dito nang lapitan namin sila. napilingon naman ito habang nakasandal sa barricade. Umayos naman ito ng tayo at isinuot na ang long sleeve jersey nito.
"Tara na, nagagalit na mrs. ko." pabirong saad ni Zephyr. napakunot naman ang noo ko at dinig ko naman ang pasimpleng tili nila bianca sa likod ko.
"Kapal mo!" pag-aapila ko sa sinabi niya. napahalakhak lamang ito saka umalis na nakapamulsang naglakad at sumunod naman ang iba pa naming ka team mates sakanya.
"Akala ko ba si Evo?" tanong ni Bianca habang pabalik na kami ng field. nanlamig naman ako sa sinabi niya kaya napailing nalang ako agad.
"Wala. wala ni isa sakanila." simpleng sagot ko.
Pagkarating namin don ay agad naman dumiretso ang boys para tumulong na sa pag-aayos ng booth namin.
nagawa pa nilang makipag-asaran sa yellow team na katabing booth lang namin. kung kanina lang ay blue team ang kaasaran ngayon naman ay ang yellow team ang trip ng boys.
Habang nakikipagtawanan kami ay nahagip ng aking mata si Evo na nagbubuhat ng plywood gamit ang isang kamay lang. nakasunod naman sakanya ang team mates na nagbubuhat rin ng mga kailangan sa booth nila.
hindi ko maiwasang sundan ito ng tingin dahil nakakapanibagong bumabalik ito sa dating pakikitungo saakin..
The urge to burst out my inner thoughts, my heart is crying, and the guilt inside me. nakakainis pero tama lang din naman ang mga ginawa ko.
"Red team losers!" sigaw ni Kiero ng dumaan ang team ni Evo sa harap ng green team.
"Kie the loser head!" sigaw na pabalik ni Evo kaya nagtawanan ang ilan sakanila.
"Evo walang ambag!" banat naman ulit ni Kiero, ngunit nakalayo na din sila Evo.
"Loser head ka pala eh!" banat naman ni Zeus ngayon.
"Tangina mo wala kang dulot!" pabirong saad ni Kiero. halos magkakalapit lang din kasi ang booth naming White team, Blue team, yellow team at green team kaya hindi maiwasang makipagtalo sakanila.
"Paabot ako ng Hammer" mahinahong utos ni Zephyr saakin kaya nailipat ko ang tingin sakanya habang paakyat ito sa ladder. inabot ko naman sakanya ang hammer ngunit bago niya abutin yon ay nagtanggal muna ito damit. at first ang akala ko ay ang long sleeve jersey niya lang ang tatanggalin at ititira ang white shirt, ngunit ganun nalang ang pagkagulat ko ng pati ang white shirt niya ay tinanggal niya.
"Ano ba yan Zephyr, ang laswa!" sita ni Ashnell na napadaan sa booth namin kasama si Louise na pareho silang red team.
"Gustong gusto mo nga eh." tumatawang saad nito. tinapon naman nito ang white shirt saakin kaya sumakto pa ito sa mukha ko.
"Bwisit ka Zephyr!" I almost screamed as I removed his shirt from my face. tinawanan lang ako nito at nagsimulang umakyat para ipagpatuloy ang ginagawa sa bubong ng booth.
I'm not going to deny it but, Zephyr is such a hot guy right now. lalo lamang na exposed and katawan nito nang matutukan ng araw ang abs nito na halatang nakuha niya sa pag g-gym.
"Zephyr naglalaway na si Valerie!" pang-aasar ni Simon, kaya pasimpleng kinindatan ni Zephyr si Valerie.
Mahinang nagtilian sila Jana at Bianca sa tabi ni Valerie na ngayon ay pulang pula na ang mukha.
"Pasikat pa!" nang-aasar na saad ni Zeus na nasa kabilang booth nang makita si Zephyr. tinawanan lang nito at nagawa pang ibalandra ang katawan kaya may mga babaeng napapatingin na rin sa booth namin at halos madistract na sa ginagawa ni Zephyr.
"Zephyr gawin mo yan bukas, tiba tiba ang customer natin." banat ni Jarett saka sila nagtawanan.
"Malamang, basta ba akin ang 60% ng kita natin." pabirong saad naman ni Zephyr habang nagpupukpok sa taas.
"Would you let that happen Valerie?" I asked. nahihiya naman ngumiti si Valerie at namula nang tingnan niya si Zephyr. this actions of her is such an obvious to notice about. she likes Zephyr!
"o-ofcourse not!" agap nito at nagawa pang mautal saka agad umiwas ng tingin. tinawanan ko naman ang reaction niya.
nalihis ang atensyon ko ng sumulpot si Evo habang nakapamulsang naglalakad palapit saamin. kinabahan naman agad ako lalo na nung makalapit ito saamin.
"Zephyr, yung susi?" tanong nito kay Zephyr. bumaba naman agad si Zephyr sa hagdan para ibigay ang susi kay Evo.
nagpatuloy nalang ako sa ginagawa para hindi ko na makasalubong pa ng tingin si Evo.
"Vanellope paabot nga." napatingin naman agad ako kay Zephyr saka inilipat ang tingin kay Evo.
aabutin ko na sana ang susi kay Zephyr para ibigay kay Evo ngunit bago ko pa iyon nakuha ay dumaan na ito sa harap ko para siya mismo ang kumuha kay Zephyr.
He ignored my presence like he doesn't know me! para akong nanghina at tila galit sa sarili dahil bakit ganun nalang ang impact niya saakin? bakit ba ganito nalang ang nararamdaman ko tuwing hindi kami nagkikibuan. diba ito nga ang pinili ko?
Why does it feel like, I have feelings for him the moment he ignores me?