Jethro Pagdating namin sa study room ko ay namangha sila sa ayos. Mala-computer shop style kasi ang ginawa ko at tig-isa sila ng advance desktop. “Wow! Iniisip ko tuloy kung sino talaga ang mas mayaman sa ating lahat,” manghang sambit ni Clyde. “Dude, huwag ka nang umasa. Mas mayaman pa rin ako kaysa sa iyo.” Tapik ni Jordan sa balikat niya at binatukan naman siya ni Clyde. “Okay, guys! Mamili na kayo kung saan kayo uupo.” Nag-unahan pa sila at nang makapwesto na sila ay linabas ko ang mga litrato na nakuha mula sa crime scene ng ama ni Cherry. Pagkatanggap nila ay napangiwi at halos iiwas nila ang litrato sa kanilang mukha nang makita nila ito. Natawa ako sa bawat reaksyon nila pwera lang kay Lucifer na wala man lang ipinapakitang emosyon. Nakatitig lang ito sa litrato. “Dude! How

