Nagpatuloy ang kaguluhan sa loob ng sasakyan dahil sa pag-interrogate ng magkakapatid kay Rin na napagtanto ni Ellis na hindi kasabwat ng magkakapatid. Pinilit niyang iiwas ang mukha para maalis ang kamay ni Rick na nakatakip sa bibig. Ang isa ay mahigpit na nakayakap sa bewang kasama ang dalawang kamay na pumipigil sa kanyang maabot ito. Humarap rito at matalim ang tinging ipinukol. But it was ineffective. "Rick, can you move from the back! Hindi nakakatulong ang pagwawala ni Ellis. Hindi ko gustong sumang-ayon sa sinabi ng babae sa harapan pero hindi mo dapat siya binitbit." "I have a name handsome! It's Rin!" Hindi ito pinansin ni William o ni Rick at sinagot ng huli ang una. "Sa tingin mo ba kung hindi ko siya binitbit ay hindi tayo pauulanan ng bala kanina? She became our human

