"B-bitiwan mo ako Rick." Mahinang pakiusap niya. Hindi niya gustong mamihasa sa ganuong mga acts nito. Iisipin nalang niyang natatakot siya sa dilim kaya siya naiyak. "Baka iba na naman ang isipin mo." Hindi napigilang bulalas. "Ano ang iisipin ko?" "You hate me right?" Nabigik ang lalamunan. "Kailangan ay yun din ang maramdaman ko sayo." "Yeah, we're supposed to do that. Mas makakatulong sa ating dalawa kung iyon ang pareho nating mararamdaman para sa isa't isa. Kaya hindi ko alam kung bakit ginagawa ko pa ito..." Rick let out a deep sigh. Sandaling inikot ang mata sa paligid. Tuluyan nang lumayo ang loob ng dalawang kapatid kay Ellis dahil sa magaspang nitong pakikitungo sa kanila. Ngunit sa naging pag-uusap nila sa barko, ipinagtanggol ang dalaga at iginiit na huwag itong idamay sa

