Ang sunod na mga araw ay iginugol ng grupo sa syudad at nanatili sa bahay na si Rin ang naghanap. Isang studio-type kung saan iyun ang naging hideout ng lahat. Nagkaroon ng hatian ng kanya-kanyang gagawin dahil ang nais ni Rick ay huwag malagay sa alanganin ang apat na kasamahan dahil titulo at trabaho ng mga ito ang nakasalalay. Nasubukan ang bawat pasensya ng pitong miyembro ng Black Eagles. Lalo na nang pumalpak si William sa natokang trabaho para rito. Pinagsabihan ito ni Rick sa paniniwalang wala sa hulog ang kapatid kaiisip sa iniwan nitong kasintahan sa Quezon Province. Of course, William became defensive. Pero hindi na nangulit pa ang binata at sinubukang intindihin ito. Tutal ay hindi miminsang sumagi sa isipan si Ellis. Isang ngiti ang hindi inaasahang sumilay sa labi ng maala

