Frederick III: Between family

2210 Words
Manila, Philippines. Tinitigan ni Ellis ang ibinagay na bodyguard sa kanya ng ama. Isang matangkad na babaeng naka-suot ng tight-fitting jeans at polo with a matching black sneakers. Her name is Rin, ang babaeng hindi man lang kumurap nang titigan niya. Ayun sa ama ay proteksyon iyun dahil sa mga nangyayaring kidnap for ransom sa mga anak ng mga mayayamang businessman recently sa Pilipinas. At hindi niya kayang tanggihan ang ama. "That's why I'm very pleased with you, hija. You don't say no to me kahit nasa mukha mo ang disgusto." Naglakad siya likod ng sofa at yumakap sa leeg nito. "I want to ask a favor from you dad." Paglalambing niya. Humarap si Rodrigo sa unica hija. "What is it dear?" "Please be nice to Kuya Riley." "Mabait ako sa kuya mo. Kung sana'y nakuha man lang niya kahit kalahati ng pagiging matalino mo ay hindi ko kailangang mag-aalaa." Nilangkapan pa lalo ng lambing ang tinig. "He is smart. Napi-pressure lang siya dahil sa mataas na expectations ninyo. And I don't say it in a bad way. You are the person I am looking up to, the figure of a perfect man. If it weren't for you, I will not even believe in that word." Napangiti si Don Rodrigo Alvarez. "Alam na alam mo talaga kung paano ang maglambing. Isa pa yan sa pagkakaiba ninyo ng kuya mo. Ni minsa ay hindi niya gustong lunukin ang pride niya." "And I am the same as him, father. You are a proud man, at may karapatan ka. Dapat lang ay ganun din kami ni Kuya Riley bilang mga anak ninyo." "Pero hindi mo ako kailanman binigyan ng sakit ng ulo at inaasahan ko yun sa kanya." Inabot ni Rodrigo ang anak at hinila palapit sa tabi. "You've lost weight." She smiles. "I'm on a strict diet. I am turning twenty soon at ayokong masira ang figure ko." "Do whatever you want Ellis. Walang lalaking hindi ka gugustuhin. You are smart and a gorgeous lady, idagdag pang anak kita." Natigilan siya. You're wrong daddy. Mayroong lalaking hindi ako gusto and that's because I am your daughter. Yumakap siya rito upang itago ang mukha. Hanggang ngayon ay kinakabahan parin siya sa magiging pagkikita nila ng lalaking nasa isip. Not because she's still affected on what happened three years ago. Pero kinakabahan siya at the same time excited kung ano na ang itsura ni Frederick Legrand. "I miss you daddy. You are working so much. Bigyan mo ng time si mommy para hindi siya laging wala sa mood." "Pinasama na naman ba niya ang loob mo?" Agad siyang umiling. Kahit gawin yun ng ina ay hinding-hindi ito ipagkakanulo. Kahit anong mangyari ay gugustuhing makuha ang simpatya nito. "I just want to see you getting along together tulad ng isang normal na mag-asawa. She's jealous of your business and I can't blame her. Hayaan mo siyang manatili sa tabi mo." Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ng don. "I'm sure nagsabi na naman ng hinaing niya sayo si Eliza." "Please don't be mad at her. Maybe she just missed you. And that's what I want you to do too. She will be celebrating her birthday soon. We can surprise her." It was out of a blue idea but she loves it. "Alam mong wala akong time-" "I'll take care of everything." Pagboboluntaryo at excited na tumayo. "I'll tell mom that she can have the celebration she wants. And that you want the four of us together." Nang makita ang pagtutol sa mukha ng ama ay niyuko ito at humalik sa pisngi. "I love you a lot daddy!" Dali-daling lumabas ng pinto upang hindi na makatutol ito saka agad sumunod ang bodyguard. Excited na pinuntahan ang ina na kasama ni Riley sa entertainment room. Lalong sumimangot ang nakatatandang kapatid nang makita siya. "You don't have to give me that look Riley. Atleast ako ay may ginagawa para bumalik sa dati ang relasyon nila mommy at daddy." Dumilim ang anyo ng sinabihan. "Stop being sarcastic towards your brother Ellis." Suway naman ni Elisa. Humalukipkip siya. "I am not. Hindi ko intensyong pasamain ang loob niya pero iyun naman talaga ang totoo." Tangkang sasagot si Riley pero itinaas niya ang isang kamay. "I am not fighting with you. Bakit ba lagi nalang masama ang timplada mo sa akin." Sarkastikong ngiti ang sumilay sa labi ng nakatatandang kapatid. "Alam mo ang dahilan. Huwag kang magpanggap na hindi mo alam." Tumalim ang mata nito. Ellis raised both of her hands and look at her mother. Hindi gagatungan ang pagiging bad moon ng kapatid. She came to tell her mother about the good news. "I spoke to dad about your upcoming birthday. He said you can have the celebration that you want." Nasilip ang galak sa mga mata ng ginang, and she is very much pleased. "Tatawagan ko ang mga amiga ko kung ganun." Tinungo ni Elisa ang pinto at binuksan. Nagulat nang mabungaran ang isang babae. "Who is this woman?" Sabay pasada sa kabuuan ng babaeng ni hindi kumurap. "She's Rin, mother. Kinuha siyang bodyguard ko." "Rin? Bodyguard?" Nilingon ang anak na ngayon ay nakaupo na sa mamahaling sofa. "Bakit ka may bodyguard?" "You guys have too. Nagkataon lang na nauna akong bigyan ni daddy dahil may mga lakad ako sa mga susunod na araw." Ipinagkibit-balikat ni Elisa ang sinabi ng anak na babae at nilampasan ang bodyguard. "Mukhang pumapel kana naman kay daddy." Si Riley nang tuluyang makalabas ang ina. Naupo sa katapat na upuan at iniyos ang laman ng isang bag. Nasilip ni Elllis angblama at nakita ang mga lenses ng mga camera. Naalala niyang mahilig talagang manguha ng mga larawan ang kapatid na mahigpit na tinutulan ng ama. "At least I'm doing something. I'm tired of you throwing hatred towards me when I'm not doing anything. Bakit hindi mo nalang kasi paluguran si daddy para naman gumanda-ganda ang tingin niya sayo." "You know that will never happen." Mula sa pagkakayuko sa bag ay nag-angat ng mukha. "At least I have our mother's sympathy. Ang isang bagay na habang-buhay mong aasamin." Tumayo ito. Sumunod siya. "Hindi mo ako dapat tinatrato ng ganito!" "Bakit? Naiinis ka? You are my younger sister. Ang totoo niyan ay mahalaga ka sa akin. Pero hindi ko magawang kalimutan ang mga ginagawang pagkukumpara ng matandang yun sa ating dalawa." "Ang matandang sinasabi mo ay ama nating dalawa. Watch your language Riley!" Halos umusok ang ilong sa kapatid. Wala na silang pag-uusap na hindi nauwi sa pag-aaway kahit panay ang paalala ni Ellis na huwag itong patulan. Sometimes, she felt like he's provoking her. "Minsan ay naiintindihan ko ang daddy kung bakit ka nuya tinitikis. You are so egoistical! Madalas ay wala sa rason ang mga galit mo." "Sabihin mo ang gusto mong sabihin pero hindi ako magiging sunod-sunuran sa kanya. I care about our father but I care more about you. Huwag kang magbulag-bulagan sa kanya pra sa bandang huli ay hindi ka masaktan." Isinukbit sa likod ang bag at nagtungo sa pinto. "Where are you going?" "Come on, alam mo kung saan ako papunta." Pupunta ito sa isang local studio. May balak na naman iting gawing proyekto ayun sa narinig niyang usapan nila ng ina. "We will have dinner tonight. Unuwi ka pra kompleto tayong apat." Nilangkapan ng pakiusap ang tinig. Matabang itong ngumiti. "Mahalaga ba ang presensya ko doon? Kung ikaw pa siguro ang wala ay baka ipahanap ka sa isandaang tao. Pero ako? I doubt it." Tuluyan itong lumabas ng kwarto at naiwan si Ellis na natitigilan at napatitig sa pintong nilabasan ng mag-ina. Nanghihinang napaupo. What's wrong? Bakit ba kahit anong gawin niya ay hindi makuha ang simpatya ng dalawnag taong inaasam-asam na makuha. Gusto lang naman naman niyang maging maayos sila. They are family after all. Samantala si Don Rodrigo Alvarez naman ay kagyat na tumayo mula sa kinauupuan at nagtungo sa executive table upang tanggapin ang on-going call. Tinitigan ang nakarehistrong numero ng international call mula sa France. "Bonjour, France International Bank..." pinakinggang mabuti ang sasabihin ng babaeng nasa kabilang linya. Tumaas ang excitement nang matapos ito. Pagkatapos ay tinawagan ang tao sa natirang bansa. "Salut monsieur..." magiliw na bati ng babae sa kabilang linya. "I will send them off to settle everything soon. Can you hold everything for a while?" "Their presence had been needed for years, Monsieur. You know how the bank works. They needed the three of them as soon as possible. My apologies that they managed to reached you." "I' m heading to Zamboanga one of these days, I'll schedule the arrival of the siblings in France as soon as I can..." nahinto sa iba pang sasabihin ang Don nang sumilip si Ellis. "Busy?" Sumenyas ang matanda pero tuluyang pumasok ang anak na dumiretso sa sofa. Dali-daling tinapos ang tawag at nilapitan si Ellis. "Wala kang lakad ngayon?" "Do you want me to head out?" "Kung kailan kita ikinuha ng bodyguard ay saka ka naman hindi lumalabas." Isang matamis na ngiti ang ibinigay rito. "Kuya Riley is heading out. Why don't you give him the chance to do what he wants?" Walang pasakalyeng pag-uumpisa ng naturang topic. "Sinabihan kaba niyang kausapin ako?" Alma ni Ellis na magagalit na naman ang ama kapag nalaman nitong umalis ng walang paalam ang nakakatandang kapatid. At gusto niyang pagtakpan si Riley sa kabila ng malamig na pakikitungo nito sa kanya. Yes, gusto parin niyang kunin ang simpatya nito. Bilang magkapatid ay dapat ganuon dapat silang dalawa. Hindi niya kakayaning hawakan ang lahat ng negosyong maiiwan ng ama kung sakali. Bukod pa sa ito dapat ang magdadala ng apelyedo ng ama. Their father's legacy. "I'm doing this because I want to. Give him the chance to do what he wants. Kaya siya nagmamatigas dahil masyado kayong malamig sa kanya." "Hindi ako ang unang yuyuko sa kapatid mo. Kapag binawi ko ang lahat ng prebilihiyong tinatamasa niya ngayon ay titigil din siya sa gingawa niya." "But you can't do that!" Tutol niya. Lalong magagalit si Riley kapag ginawa iyun ng ama. "Do you know the story of the prodigal son, dad?" "What about it?" I-kwenento ang tungkol sa isang bible parables. Kung paanong tinanggap ng ama ang alibughang anak pagkatapos nitong waldasin ang dapat na mamanahin nito at maglayas. "Hindi mo pwedeng ikumpara ang bagay na iyun sa nangyayari sa kuya mo." Puno ng pagkadisgusto ang mukha ng Don. "I know you Dad, you are one of the few person that I ever adore. Maayos na pag-uusap langbang kulang sa inyo. Nagtitikisan lang kayo ni kuya Riley." "And here you are again talking about this topic. Kanina ay ang tungkol sa mommy mo at ngayom naman ay ang sa kapatid mo. Tell me, are they bugging you?" "No!" Agad niyang tanggi. "Then what's with this conversation. Hindi kita kailanman kinaringgan ng ganito noon." "I just want to us to have a good relationship with each other. It's just the four of us. At hindi ako titigil hangga't hindi tayo nagiging maayos na pamilya. It's not all about money. I do appreciate how hardworking you are. Ibinibigay ninyo sa amin ang lahat ng karangyaan at luho sa mundo. Pero hindi ang oras ninyo, especially for mom." Nilapitan ni Rodrigo ang anak at tinunghayan ang magandang mukha. "I'm doing my best to keep this family as intact as it is. Pero may mga bagay na nagbabago sa paglipas ng mga panahon. Lalo na sa pagitan namin ng Mommy mo." "What do you mean?" Naguguluhan niyang tanong at nagsalubong ang kilay. Biglang kinabahan sa ibig ipakahulugan ng ama. Hindi siya makakapayag na may ibang babaeng pumagitan sa mga magulang. "Please deny whatever is going on in my mind. You can't have another woman!" Rodrigo raised one of his eyebrow. "Kapag narating mo ang ganitong edad ay maiintindihan mo ako-" "No!" Marahas niyang tanggi. "Please don't say that! D-Did you find someone new?" Halos hindi lumabas ang tinig sa lalamunan Hindi naman siya inosente para hindi isiping posible iyun dahil sa sinabi ng ama. "You have to promise me. Hinding-hindi mo pwedeng hiwalayan si Mommy!" Pinatigas ang reaksyon ng mukha. "You can have hundreds of woman, but we will remain as family." Halatang nagulat ang ama. "You are so straight-forward a list. At some point ay naiintindihan ko ang ugali mong yan. You actually got it from me." There was a slight proudness in her father's tone. Hindi pinansin ang sinabi at pinakatitigan ito. "You will never do whatever is running into my mind. We will be a family! And my mother will remain your wife until the day you both die." "Ellis-" Hindi pinansin ang pagtawag ng ama at tinalikuran ito. Hindi man literal na umamin ay parang may ibig sabihin ang mga salita nito kanina. So, may basis ang assumptions ng ina. Kuyom ng mahigpit ang kamao ay dumiretso siya sa kwarto at doon nagmukmok. She has to do something. She wanted to keep her family intact kahit na nga ba impossible na ang gustong mangyari. But first, she has to find out kung sino ang babae sa buhay ng ama na gusto nitong ipalit sa pwesto sa babaeng nagsilang sa kanya. Her mother will forever the queen of their house. At hindi siya makakapayag na may pumalit sa pwesto nito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD