Ilang araw na ang lumipas, ngunit nanatiling nakaukit sa isipan ni Ellis ang eksenang iyon sa likod-bahay. Paulit-ulit niya itong binabalikan, iniisip nang malalim kung paano siya tinitigan ni Rick nang gabing iyon. Sa tuwing maaalala niya iyon, napapahaplos na lamang siya sa tapat ng kanyang dibdib, damang-dama ang pagwawala ng kanyang puso. Gaya ngayon—ilang ulit na niyang binasa ang pahinang hawak, ngunit ni isa ay wala siyang tunay na naunawaan. Mula nang gabing iyon ay napapayag siya ni Rick na lumabas paminsan-minsan sa kwarto. Sa gabi ay nagpapahangin siya sa labas, at sa araw naman ay nagpupunta sa library to pass the time. Kailangan niyang alisin sa isip ang kasalukuyang kalagayan—baka mamatay siya sa kakaisip kung tutunganga lang siya sa loob ng kwarto. And Lt. Amigable’s libr

