CHAPTER 27: KALAGAYAN Zeph's POV Hindi pa nagsisimula ang araw ko, may dalawang panirang tao kaagad ang nanggulo sa akin. Ang plano ko sana ngayong araw ay mag-isang maghanap ng impormasyon tungkol sa totoong pumatay kay ate, pero habang naghahanda ako ng sarili ko ay nakarinig ako ng kaguluhan sa labas ng kwarto ko rito sa Hotel na tinutuluyan ko. Tapos paglabas ko, dalawang bwisit na lalaki ang naabutan kong inaawat ng mga Guard dahil daw nag-aaway sila. Hindi ko pa alam kung anong pinagmulan ng away. Alam kong nasa ugali ni Zed ang makipag-away dahil ang tingin niya sa sarili niya ay sobrang lakas na kahit siguro si Superman ay lalabanan niya. Pero iba si Claude, nakilala ko ang lalaking 'yon na tahimik at kalmado. Hindi iyon basta nakikipag-away kung walang mabigat na rason. Kahit p

