Chapter 49

1354 Words

CHAPTER 49: COMEBACK Natapos ang gabing iyon na marami sa grupo ng Street Ninja ang namatay. Hindi nila kinaya ang laban dahil sa pagdating nga ng miyembro ng Dark Spade. Sumibol ang galit nila kay Xander dahil umano wala itong maayos na plano. Kinabukasan, inanunsyo ni Zephaniah sa MCU ang ginawa ng grupo sa kanilang kuta. Sinabi niyang walang kapatawaran ang ginawa ng mga ito. At isang pagbabanta sa grupo ang sinabi niya na kapag naulit ang ganitong gulo, hindi na sila magdadalawang-isip na ubusin talaga silang lahat. Lumipas ang ilang araw, ibinigay muna ni Zeph ang oras niya sa pagbabalik ng kaayusan ng kuta nila. Madaming gamit ang nasira at nabahiran ng dugo kaya matinding pag-aayos at paglilinis ang kailangan para rito. Gaya ng nakasanayan ay hindi pa rin siya pumasok sa school.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD