CHAPTER 47: SORPRESA Samantala, habang nangyaayari ang kaguluhan sa pagitan ng Poison Blade at Street Ninja...naiwan naman si Mace sa base ng Dark Spade. Tulala ang dalaga at naglalayag ang kanyang isip. Hanggang sa mapunta ang isip niya sa mga pangyayari nitong mga nakaraan... Ilang araw nang hindi nag-uusap sina Mace at Kris. Nagsimula ang hindi nila pagpapansinan nang bigla na lang umamin ng diretso ang binata na matagal na niya umanong mahal ang dalaga. "Mahal kita, Mace. Ayoko sana umamin kasi natatakot ako na baka i-reject mo lang ako. Pero mula nang gabing may mangyari sa akin, lalo kang hindi nawala sa isip ko. Alam ko na kapag nalaman ng kapatid mo ang tungkol sa bagay na 'yon, mananagot ako," ani Kris. Magka-usap silang dalawa noon sa base, silang dalawa lang ang tao kaya ki

