Chapter 4

2401 Words
CHAPTER 4: THEIR REACTIONS Zeph's POV Mariin akong pumikit nang humampas ang malamig na hangin sa mukha ko mula sa labas ng bintana. Heto na naman ako, nakatulala sa labas kahit pa mayroong klase. Hindi na yata talaga ako magbabago. "Zeph, hindi ba puwedeng makinig ka muna sa klase?" naka-kunot noong suwestiyon sa akin ng best friend ko, si Roxanne. Ang istrikta niya talaga tingnan kapag pinagsasabihan niya ako, para akong nagkaroon ng pangalawang ate. Napabuntong hininga muna ako saka siya sinagot, "Sorry. Alam mo naman ang kaibigan mo, laging lutang." Sinubukan kong magbiro, pero hindi nabura ng sinabi ko ang kunot sa noo ng masungit kong kaibigan. Nakita ko ang pag-ikot ng kanyang mata. "That's not what Xenon wants to happen, Zephaniah." Kapag ako tinatawag ni Roxanne sa totoong pangalan ko habang nakabusangot ang mukha at nag-english siya ng ganyan, ibig sabihin niyan, galit talaga siya. Umiwas na siya ng tingin sa akin at muling ibinaling ang tingin sa professor namin habang nakahalumbaba. Muli akong napabuntong hininga, halatang-halata talaga sa mukha niya na badtrip siya sa akin. Alam niya na kasi ang tungkol kay Katrina, pati na rin ang tungkol sa mga sinabi nito sa amin ni Tyron. Nagsimula ang badtrip niya sa akin nu'ng sinabi ko sa kanya ang balak ko na gamitin ang mga impormasyong alam ni Katrina para ipanlaban sa Pistol's Tribe. Ayos lang siya nu'ng una, tumutol siya kaagad at hindi talaga siya pumayag. Masyado daw kasing mapanganib. Kaso, nagpumilit ako at naubusan na siya ng ikakatwiran sa akin kaya ayan, nagsimula siyang maghimutok. Hindi ko alam kung 'yan na lang ang paraan na naiisip niya para pakinggan ko siya, o talagang naiinis siya sa akin. Sinabi ko na rin sa iba pang mga kaibigan namin ang tungkol dito, at kagaya ni Roxanne ay kumontra rin sila sa ideya ko. Wala naman akong inasahan na suporta sa kanila dahil mula naman umpisa ay tutol na silang lahat sa gusto kong paghihiganti sa Pistol's Tribe. Gusto ko lang ipaalam sa kanila para maisip nilang seryoso talaga ako sa balak ko at walang makakapigil sa akin ano man ang mangyari. Pagkatapos ng klase ay agad nang lumabas si Roxanne sa classroom, wala manlang siyang sinabing kahit ano o sulyap manlang sa akin. Nagkatinginan na lang kami ni Ranz dahil sa nangyari, alam naming pareho na talagang tinotopak ang girlfriend niya. Sa gitna naming dalawa nakaupo si Roxanne, kaya sa pag-alis niya ay kaming dalawa ni Ranz ang nagpang-abot ng tingin. Sa tinginang iyon ay ako ang unang yumuko, nakaramdam ako bigla ng guilt dahil sa pag-walk-out ng kaibigan ko. Halata rin sa tingin ng boyfriend niya na sinisisi niya ako bakit ganoon si Roxanne ngayon. Sabay kaming nagligpit ng gamit namin. Pagsukbit ko sa bag ko ay nagsalita siya, "Kaibigan mo rin naman ako, 'diba?" aniya, lumapit siya sa akin ng bahagya. Tumingin ako sa kanya na may malungkot na ekspresyon pero umiwas din ako agad. Hindi ko kayang sagutin si Ranz ng oo dahil alam ko naman kung anong kasunod ng tanong na iyan. Kapag sinagot ko ang tanong niya, parang hinayaan ko na ang sarili kong magisa sa sarili kong mantika. At alam ko naman na sumagot man ako o hindi, itutuloy niya pa rin ang gusto niyang sabihin. "Ang magkakaibigan, nagdadamayan...pero hindi ibig sabihin ay susuportahan ka na namin sa kalokohan mo. Pasensya na, Zeph...pero sa pagkakataong ito, palagay ko walang may gusto sa plano mo." Naiwan ako sa pwesto ko na sobrang sama ng loob dahil sa mga sinabi ni Ranz. Alam ko naman at gets ko na 'yon, noon pa. Pero 'wag na sana nila 'kong pagsalitaan ng masasakit na salita kasi hindi naman ako manhid, tagos hanggang buto 'yung sinasabi nila na hindi nila ko susuportahan. Puwede naman silang tumutol nang hindi na umiik para tahimik na kaming lahat. Kung hindi nila kayang intindihin kung bakit ako ganito, hindi ko rin kailangan ng ganoong opinyon. Iniwan ko ang classroom na parang wala lang sa akin ang mga sinabi ni Ranz maging ang pag-walk-out ng best friend ko. Pakiramdam ko kasi, lalo kong natutulala at nagiging lutang. Wala na yata akong puwang sa lupang tinatapakan ko. Habang naglalakad sa corridor, nakatanaw ako sa gilid nito. Kita mula sa third floor corridor ang malapit nang lumubog na araw. Sana gaya nalang ako ng araw, mayroong maaaring puntahan kapag malapit nang dumilim ang kinatatayuan niya. Sana ang mundo ko ay gaya ng mundo niya, may kabilang panig na maaring puntahan kapag wala na akong puwang sa mundong sinisikatan ko. Napangiti ako ng palihim dahil sa iniisip ko, pakiramdam ko ibang tao na ako ngayon... Sumagi muli sa isip ko ang mga kaibigan ko. Grade 12 na kami at magkakasama pa rin sa isang section. Pero sa tingin ko, parang wala rin sila sa paligid ko. Hindi ko ramdam na narito siya kahit abot-kamay ko lang sila. Lumabas na ako ng tuluyan sa MCU. Napagdesisyunan kong 'wag na munang pumasok simula bukas, nalulungkot lang kasi ako lalo kapag nandito ako sa school. Nawalan na 'ko ng gana pumasok dahil sa ginagawa nila sa aking pagpaparamdam na hindi sila naniniwala sa mga gusto kong gawin, parang napakawalang kwentang tao ko na para sa kanilang lahat. Wala nang naniniwala sa akin, wala nag may pakialam sa akin. Wala na 'kong kasama, ako na lang mag-isa... Kung sana nandito ka ate Tiffany, kung sana nandito ka Xenon... Puwede bang sumunod na lang ako sa inyo? Puwede bang magsama-sama na tayong tatlo? Puwede ba 'yon? Napangiti ako, nakita ko sila mula sa kalangitan. Kapwa din silang nakangiti sa akin. Ang sarap sa pakiramdam... "ZEPHANIAH, WHAT THE HELL?!" Hindi ko naintindihan ang nangyari, basta ang alam ko lang...nakahiga na ako at nakikita ko si Claude. May sinasabi siya pero hindi ko maintindihan. Hanggang sa nawalan na ako ng malay. *** "Zeph, wake up b***h!" Nang madinig ko ang boses na 'yon, alam ko na nakahiga ako ngayon sa kama ni Mace kahit 'di ko pa naimumulat ang mata ko. Kabisado ko na kasi ang amoy ng kwarto niya. At sa pagmulat nga ng mata ko, mukha niya ang bumungad sa akin. "What the hell is that, you freaking crazy b***h!? Nagpapakamatay ka ba!?" iritado ang boses ni Mace. Ano bang ginawa ko? "Ano bang sinasabi mo?" kunot noo kong tanong, hindi pa napo-proseso ng utak ko ang mga nangyari. Kitang-kita ko sa itsura niya ang hindi maipintang mukha. Halatang inis siya sa akin. Napansin kong nandito rin si Claude, nasa bandang pinto siya ng kwarto ni Mace at medyo malayo sa amin dahil malaki ang kwarto ng kakambal niya. Kumpara kay Mace na naiinis sakin, wala siyang pinapakitang kahit anong ekpresyon. Lagi na lang siyang malamig kung makatitig, hindi ko alam kung ano ang iniisip niya. "Anong sinasabi ko? Really, Zephaniah?! Ang sarap mong ipabugbog nang matauhan kang bwisit ka!" lalong pinapakita ni Mace ang galit niya sa akin. "Kung anoman ang kasalanan ko sa 'yo, sorry." Tumayo ako ng kama at nagsimula maglakad palabas pero pinigilan ako ni Mace at hinarap sa kanya. "Zeph, hindi solusyon ang pagpapakamatay. Hindi ko alam kung wala ka sa sarili mo kanina, pero nakita ka namin na dahan-dahang naglalakad patawid sa kabilang kalye like you were just walking in the sidewalk! Ano bang problema mo? Why you're acting like that?" Sa pagalit niya sa akin, blangko lang ang aking ekpresyon. Hindi ko alam na ginawa ko 'yon kanina, siguro nga tama ay siya na baka wala ako sa sarili ko. Pero 'yung huling katagang binitawan niya, iniisip ko kung dapat ko bang sagutin iyon... imposible naman yatang hindi niya alam ang sagot sa tanong niya. "Kapag ba sinabi ko, maiintindihan n'yo na? Kapag ba sinabi ko, tutulungan n'yo na 'ko? Sasamahan n'yo ba 'ko?" "My God, Zeph! Anong klaseng drama 'yan? Naririnig mo ba ang sinasabi mo? You're being a selfish—" "Ako pa ang naging selfish ngayon? Ako pa talaga? Wow, Mace...sa iyo talaga nanggaling 'yan?!" "Zeph, you're so unbelievable. Sana intindihin mo rin bakit hindi ka namin sinasang-ayunan sa gusto mong mangyari. Napaka delikado ng gagawin mo, alam kong alam mo kung gaano tayo kaliit at kahina kumpara sa babanggain mo...hindi natin sila kaya." "Hindi ba talaga kaya o naduduwag lang kayo? O baka naman dahil wala kayong pananagutan sa pagkamatay nilang dalawa kaya wala kayong pakialam?" "Itigil mo na 'to, Zephaniah. Nag-aaway lang tayo." "Dapat talaga tayong mag-away! Alam mo kung bakit? Kasi akala ko kaibigan ko kayo! Akala ko nandiyan kayo parati para sa akin, akala ko hindi n'yo 'ko pababayaan gaya ng ginawa ko sa inyo mula noon! Tama naman pagkakaintindi ko sa salitang kaibigan, 'diba?" "Tama ka, pero bilang mga kaibigan mo kami...sana alam mo rin na ginagawa namin ito para sa kaligtasan mo. Kung nabubuhay lang silang dalawa, ganito rin ang gagawin nila." "Kung nabubuhay man sila, hindi ko na ito gagawin. Kasi kung nandito sila, baka hindi ko na kayo nakilala. Kung hindi naman sila nawala hindi ko naman pipiliin na makasama kayo, eh. Nakakapagsisi na nakipag-alyansa pa ako sa inyo. Sana nagturingan na lang tayong magkaaway." "Are you really sure with that?" Nabalot kami ng katahimikan na dalawa. Natikom ako sa tanong ni Mace, galit lang ako kaya nasabi ko 'yon. Pero ayokong humindi dahil gusto kong maintindihan niya 'ko. "Tapos na ba kayo sa away n'yo?" Napatingin ako kay Claude nang bigla siyang sumingit sa pagitan naming dalawa ni Mace. "Nakakarindi talaga mag-away ang mga babae." Sumama ang tingin ko kay Kris nang bigla siyang umeksena at lumapit kay Mace. Hindi ko alam kung kanina pa siya nandito. "Sana maintindihan mo ang gusto namin mangyari, Zephaniah. Hindi namin ito ginagawa dahil lang sa iniisip mong wala kaming pananagutan sa pagkamatay nila. Kapakanan at kaligtasan mo lang ang inaalala namin," dugtong pa ni Kris. Hindi na 'ko sumagot pa sa sinabi niya, alam ko kasing talo na ako. "Aalis na 'ko, salamat sa pagliligtas n'yo sa akin kanina." Hindi na ako naghintay ng sagot nila sa akin, kusang naglakad ang mga paa ko papunta sa pintuan. "Zephaniah." Hindi ko na nagawang lumingon, naramdaman ko na lang ang mainit na yakap ni Mace mula sa likuran ko. "Aalis ka ba talaga na hindi tayo ok? Ano ba, alam mo namang ikaw lang nakaka-gets sa ugali ko bukod sa dalawang asungot na nandito, eh. Bati na tayo please? Sorry na. I'm just worried kasi hindi ko gusto na pati ikaw mamatay din dahil sa Pistol's Tribe na 'yon. Intindihin mo na lang kami, please?" Napangiti ako, para kaming tanga parehas. Kumalas ako sa pagkakayakap ni Mace sa akin saka ako humarap sa kanya. "Kung ikaw ang namatayan, baka ganito rin ang gawin mo. Hindi madali para sa akin ang gusto n'yo. Hindi ko na hihilingin na intindihin n'yo ako o tulungan sa balak ko, pero sana hayaan niyo akong gawin ito. Hindi ako matatahimik kapag wala akong ginawa sa kabila ng may paraan na para makaganti ako sa kanila." Pagkatapos ng sinabi ko, tahimik na 'kong lumabas sa kwarto ni Mace. Hindi ko na inintindi kung ayos na ba kami o kung ano ba ang reaksyon nila sa sinabi ko, mas importante ngayon na pagtuunan ko ng pansin ang balak ko. *** Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko si Zild na nakaupo sa couch namin sa sala. "Wala ka naman ginawang hindi tama rito sa bahay, 'diba?" nagdu-duda kong tanong. "Bukod sa sapilitan kong binuksan ang pinto ng kwarto mo para hanapin ka...wala naman." Nakangisi pa ang loko. Sinira na naman niya ang door knob ng kwarto ko. Sinuri ko ang paligid ng bahay, nandito lang si Katrina. Nagkita kaya sila? "Sino hinahanap mo? 'Yung babaeng may alam sa gang ng Pistol's Tribe?" Sinamaan ko ng tingin si Zild. "Anong ginawa mo sa kanya?!" "Bukod sa sinunggaban ko siya dahil sa pag-aakala kong ikaw siya...wala naman." "Ang manyak mo talaga!" Binato ko agad kay Zild ang unang bagay na nahawakan ko—flower vase. Pero siyempre, nakailag siya at nabasag lang ang vase. Naglakad ako paakyat sa kwarto ni Katrina, pero hinigit ako ni Zild. "Hindi ka ba talaga titigil sa kahibangan mo?" walang emosyon niyang sambit. Masama ang naging tingin ko sa kanya nang binawi ko ang kamay ko. "Hindi, at wala rin akong pakialam sa opinyon ninyo." "Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Akala mo ba kapag naghiganti ka, matutuwa ang mga bangkay? Babangon ba sila para puntahan ka at pasalamatan? O baka naman gusto mo ng sumunod sa kanila? Ako na papatay sa 'yo, paisang halik lang ako." Nasampal ko si Zild, hindi dahil sa sinabi niyang gusto niya 'kong halikan dahil sanay na 'ko sa biro niya. Pero ang hindi ko matanggap na sinabi niya...ay 'yung binastos niya ang katahimikan nina Xenon at ate Tiffany. Matalim ang naging tingin ko sa kanya, alam ko na kahit hindi ako magsalita ay alam na niya kung ano ang rason ng ginawa ko. Ngumisi sa akin si Zild at bumaba ng hagdan. Habang pababa siya ay nagsalita siya, "Pinalayas ko na ang hinahanap mo. At kung tatanungin mo 'ko kung saan siya nagpunta, hindi ko alam." Naikuyom ko ang aking kamao. Wala na nga siyang naitutulong, perwisyo pa siya. "Talaga bang kinakalaban n'yo 'kong lahat?" "Hindi mo lang kami iniintindi." Makahulugan niyang sambit saka naupo muli sa couch. Heto na naman ba? Makikipag bangayan na naman ba 'ko? Uulitin ko na naman ba rito ang lahat ng sinabi ko kay Mace kanina? Mag-aaway din ba kami? Napabuntong hininga ako, pagod na ako sa ganoong bagay. "Umuwi ka na," sabi ko na lang. "Bakit? Girlfriend ba kita para sundin kita?" nang-aasar niyang sambit. Naging seryoso ang tingin ko sa kanya. "Hindi, pero baka nakakalimutan mo...ako ang leader ng gang na kinabibilangan mo." "Hindi rin." Kumunot ang noo ko dahil sa sinabi niya, nang-aasar na naman ba siya? "Ang leader ng Poison Blade ay matapang at walang ibang inisip kundi ang kapakanan ng mga taong nasa paligid niya. Hindi siya makasarili gaya mo. Binibigyan niya ng halaga ang opinyon ng iba," dugtong pa niya. "Wala akong panahon sa 'yo, Timothy John." Nakakasuko ang ugali ni berde, nakakainis na rin. Dumiretso na ako ng akyat papunta sa kwarto ko. Nadinig ko pa ang sigaw ni Zild sa baba, "Matutulog ka na ba? Goodnight, I love you!" Pabagsak akong humiga sa kama. Nanghina ako bigla nang may tumulong luha sa mata ko. Sama-samang emosyon ang nararamdaman ko ngayon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD