Chapter 23

2387 Words
CHAPTER 23: RESULTA Rox's POV Pag-alis ni Xander ay agad akong nagdiwang! Hindi ko inaasahan na mapapayakap ako sa katabi kong si Mace dahil sa sobrang saya. "Ano ba?! Get off nga!" aniya, nagtataray siya pero hindi niya naman ako tinutulak paalis sa kanya. Ilang segundo ang itinagal ng yakap na iyon at sa pagbitiw ko ay tumingin ako sa kanya nang nakangiti. "Thank you," sabi ko sa kanya. Agad na kumunot ang noo niya sa akin. "For what?" "Sa lahat...kasi mula umpisa, ikaw na ang kasama namin ni Ranz. Malaki ang naitulong mo sa amin, lalo na 'yung mga ideas mo." Imbes na magsabi siya ng 'welcome' ay inirapan niya lang ako. Natawa ako ng mahina dahil doon. Hindi ko talaga inasahan na may ganitong side siya. Na-e-excite na ako sa pag-uwi ni Zeph, tatlo na ulit kami! Sigurado akong matutuwa 'yon kapag nalaman niya na close na rin kami ni Mace. Dati kasi ay silang dalawa lang ang nag-uusap, hindi ako isinasama ni Zeph kapag pupunta siya ng base nila. "At anong gusto mong gawin ko? Panoorin siyang gawan ng kabastusan ang girlfriend ko?" "Wala akong sinabing ganyan, ang aking lang sana kinontrol mo ang sarili mo! Sana sa labas mo na lang siya pinatay!" "Wala na akong oras para isipin 'yan o gawin 'yan! Naiintindihan mo bang mabilis nga ang mga nangyari?!" Kumunot ang noo ko nang makarinig ako ng boses na para bang nagtatalo, pero agad ding napalitan ng lungkot ang mukha ko nang makita kong sina Ranz at Salazar pala ang magkaharap at nagsasagutan. Hindi ko alam bakit kailangan pa nilang pagtalunan ang tungkol sa bagay na 'yon, nangyari na 'yon at alam na ng buong school. Wala nang magagawa ang pag-uusap nila dahil alam na rin naman namin ang pinagmulan ng issue na 'yon. Wala ng sense para pag-usapan, baka mauwi pa 'yon sa away. Buong tapang akong lumapit sa kanilang dalawa. Hinawakan ko ng mahigpit ang braso ni Ranz para mapalingon siya sa akin at balaan siyang manahimik na, pero hindi niya manlang ako sinilip kahit sandali...na kay Salazar pa rin ang tingin niya. Seryoso ang mata niya at nakakunot din ang noo niya, nakatikom ang bibig at tila kinakausap ang kaharap gamit nag titig niya na animo ay ipinaglalaban niya ang kanyang katwiran. Napalunok ako, dahil sa mga nangyari ay sanay na akong makita ang ganyang reaksyon niya. Pero hindi ko lang matanggap na hindi siya nakikinig sa akin. Bumaling ang tingin ko kay Salazar, gaya ni Ranz ay ganoon din ang ekspresyon ng mukha niya. Nakikipagmatigasan siya ng titig sa kaharap niya. Gusto kong magwala at magmaktol para pansinin nila ako. Pero bago pa ako makapagsalita ay naunahan na ako ni Mace. "Anong attitude ba 'yang ipinapakita ninyo? Hindi pa rin ba kayo maka-move on?" aniya. Tumabi siya sa akin habang nakahalukipkip, pabalik-balik ang tingin niya sa dalawa habang nagsasalita. Sa wakas ay naunang kumalas sa tinginan si Salazar, bumaling ang tingin niya sa nagsalita. "Ayokong maging bastos sa 'yo...pero kahit ka-alyansa ka ng Poison Blade, labas ka sa usaping ito." Nakita ko ang pagtaas ng kilay ni Mace. Gusto ko siyang awatin na huwag nang sumagot pa pero naunahan na naman niya akong magsalita, "Well, makikisali ako sa usapan n'yong dalawa sa ayaw at sa gusto mo!" Nanlaki ang mata niya ng ilang segundo, tapos ay umirap siya saka muling nagsalita, "Ang point ko lang, wala nang sense kahit pa sisihin mo si Ranz sa ginawa niya. Besides, dapat nga maintindihan mo siya dahil narinig mo naman ang mga pinag-usapan nila ni Xander kanina." Kumunot naman ang noo ni Salazar ng ilang segundo saka sumagot nang mapalitan ang ekspresyon niya ng paniningkit ng kanyang mata. "Sinasabi mo bang kapag hindi ko siya pinagsabihan, mabubura n'on ang nangyari? Tama ka, alam na natin ang pinagmulan ng gulong 'yon...sobrang galing ninyong tatlo kasi naresolba n'yo ang misteryo ng nangyaring iyon. Pero ang punto rito..." Ang mahinahon niyang boses ay biglang nagbago nang huminto siya sandali sa pagsasalita, bigla na lang itong tumaas at tila sinisigawan niya kaming tatlo. "...pumatay siya sa loob ng Monte Claro University at alam nating lahat na labag 'yon sa batas ni Zephaniah!" Ipinagdiinan niya ang mga huling katagang iyon at kulang na lang ay isampal niya 'yon sa mukha naming tatlo. Malaki ang agawat ng edad namin sa edad niya, sa tingin ko ay nasa sampung taon ito. Seryoso palagi at mukha ni Salazar at halos parati rin itong walang imik sa lahat. Palabati naman siya, pero kahit anong ngiti, kaway, o tawag mo sa kanya...isang tango lang ang isasagot niya sa 'yo. Siya ang masasabi kong pinakamatandang miyembro ng Poison Blade at ang pinakatapat na miyembro ng gang. Sinabi niya pa nga noon na handa siyang itaya ang buhay niya para sa gang, lalo na kay Zeph. Matured talaga siyang mag-isip. Napakatibay ng loyalty niya sa best friend ko, walang kahit anong makakatibag doon. Kaya naiintindihan ko na ganito ang ipinapakita niyang reaksyon ngayon...nagpapaka-kuya siya sa amin kasi nagkamali kami. Ipinapaintindi niya lang na kahit ano pang rason bakit nagawa iyon ni Ranz, pagkakamali pa rin iyon. Halata naman na higit pa sa akin, mas matindi ang naging epekto sa kanya ng nangyari. Gets ko siya at tatanggapin ko ang parusang ibibigay niya. Pero tingin ko, para sa dalawang katabi ko... "Nagka-girlfriend ka na ba? Alam mo ba ang feeling ng adrenaline rush? Do you even get what am I saying here?!" sagot ni Mace. "Ayos lang kahit hindi mo maintindihan ang punto ko rito, basta tigilan mo na ang pangangaral mo sa akin na parang tatay kita kung manermon," dagdag naman ni Ranz. Iyan, ipaglalaban pa rin nila ang katwiran nila. Idinadaan nila sa init ng ulo ang usapan at ayaw munang pakinggan si Salazar kung bakit niya kinukwestiyon ang ginawa ni Ranz. Pero hindi maganda para sa aking kung papanig ako sa kanya, alam ko man ang punto niya, dapat akong manatili sa side nina Ranz at Mace. Ipinagtanggol ako ng boyfriend ko kaya ito nangyari, kaya tama lang na kahit anong mangyari...sa kanya ako kumampi. Pero hindi naman ibig sabihin n'on ay hahayaan ko na siyang makipatalo pa, ayokong magkaroon pa kami ng panibagong problema. Please, quota na talaga ako today sa stress at frustrations. "Tama na nga kayong dalawa! Puwede ba, magkakasama tayo rito...huwag naman 'yung kayo pa ang mag-aaway!" awat ko sa kanila habang ipinagpapalit-palitan ko ang tingin ko sa dalawang katabi ko. Ang hirap pumagitna, sa totoo lang. Ingat na ingat ako sa dapat kong sabihin. Kahit kampi ako sa boyfriend ko, ayoko namang dumagdag pa sa problema. Umalis ako sa gitna nina Ranz at Mace. Pumwesto ako sa gitna ng dalawang panig saka nagsalita, "Ganito na lang...pag-usapan na lang natin kung paano natin sosolusyunan ang nangyaring paglabag—" "Bakit naman ako sasali sa problema ninyo? Gusot n'yo 'yan, pwes ayusin n'yo." Tinitigan ko si Salazar, mata sa mata. Hindi ako makapaniwala na ganoon ang isasagot niya sa akin. Isang kuya ang tingin ko sa kanya, isang kuya na handang pumalit kay Zeph kapag ganitong pagkakataon. Pero bakit gan'on, mas mukha pa siyang isip bata kesa sa akin ngayon? "Salazar, akala ko...akala ko ayaw mong magkaroon ng taong lalabag sa batas ni Zeph? Bakit—" "Ayoko ng may lumalabag sa leader ng Poison Blade, pero hindi ibig sabihin n'on ay tutulungan ko na kayo sa problema n'yo! Tingin ko naman sa boyfriend mo ay may buto siya para harapin ang kalokohan niya." Nakaramdam ako ng kilabot sa pananalita niya, damang-dama ko na seryoso siyang palalain pa ang issue nilang dalawa. Bakit ba ang hilig nila sa problema?! Salubong ang kilay ko nang sagutin ko siya, "Naririnig mo ba ang sarili mo?! Kapag hindi natin ito inayos, gang natin ang malalagay sa alanganin! Kung concern ka sa posibleng mangyari, dapat lang na magtulungan tayong ayusin ito! Para naman ito sa lahat, hindi lang ito para sa amin," katwiran ko. Pero imbes na makumbinsi sa sinabi ko, pinakitaan niya pa ako ng isang nakakalokong ngisi. "Paanong naging para 'yan sa lahat? Hindi naman kami kasama sa nakapatay, hindi naman kami sangkot sa krimen, at wala kami sa pinangyarihan...kaya malinaw na kayo lang ang may pananagutan at hindi kami!" Hindi ko akalain na ganito kababaw lang ang isasagot niya sa akin, ito lang ba ang pinaghuhugutan niya sa pinaglalaban niyang katwiran?! Napailing ako dahil sa mga binitiwang salita ni Salazar, hindi talaga ako makapaniwala na naririnig ko ang mga salitang iyon mula sa kanya. Sobrang layo nito sa inaasahan kong mangyayari. Tuluyang tumulo ang luha ko nang marinig ko ang sunod niyang sinabi, "Kung tutuusin nga, puwede namin kayong itiwalag ngayon dahil lumabag kayo sa batas ng Princess at ng Leader ng gang n'yo...hindi dapat tulungan ang mga gaya n'yong makasalanan." Hindi ako umiiyak dahil takot ako sa sinabi niya, mas lalong hindi ito luha dahil sa nasaktan ako...luha ito na dala ng pinagsama-samang stress, frustrations, at pagod. Nakakasawa na idepensa ang sarili mo sa taong makitid ang pang-unawa. Biglang umabante si Ranz at tila isinangga niya ang katawan niya para sa akin kay Salazar nang marinig niya ang tungkol sa pagtiwalag. Ilang beses na niya itong ginawa kaya alam kong gaya noon ay uulit niya lang ang sasabihin niya, "Kung gusto n'yo kaming itiwalag, ako lang ang saktan n'yo. Walang kinalaman si Roxanne sa nangyari, iniligtas ko lang siya at ako ang pumatay!" Lalong lumabo ang paningin ko dahil sa patuloy na pagbuhos ng luha sa mga mata ko. Akala ko tapos na ang problema...pero heto at lalo itong lumalala. Kahit itiwalag nila kami ngayon, alam kong pansamantala lang ito dahil sa pagbalik ni Zeph...tiyak na gagawa siya ng paraan para makabalik kami sa grupo. Pero ang hindi ko lang matanggap, kapwa namin miyembro ang nagtutulak sa amin paalis...sa isang pagkakamali, nakalimutan na nilang kaming dalawa ni Ranz ang umayos ng alliance namin sa Dark Spade. Ayokong isipin na dapat ko 'yon isumbat sa kanila, pero dahil sa inaasta nila sa amin...hindi ko maiwasan. Iginala ko ang mata ko sa paligid, lahat ng miyembro ng Poison Blade ay nakatingin sa aming dalawa ni Ranz. Kahit hindi sila magsalita ay alam kong sang-ayon din sila sa sinabi ni Salazar. Masakit mang aminin pero...alam ko ring may punto naman talaga siya. "Wait...ititiwalag mo sila? Tama ba ang narinig ko?" Narinig ko ang halakhak ni Mace pagkatapos niyang magsalita kaya napalingon ako sa kanya, napansin kong nananatili siya sa pwesto niya at nakahalukipkip pa rin. Kahit papaano ay gumaan ang loob ko sa pagsingit niya sa usapan, ramdam ko ang simpatya niya sa amin. Sana lang ay may naiisip siyang paraaan para hindi matuloy ang pagtiwalag sa amin. Pinahiran ko ang luha sa mga mata ko, hindi na ako dapat umiyak...hindi ko ito dapat iyakan. Gaya nilang dalawa ay dapat din akong lumaban... Hindi sumagot si Salazar kaya muling nagsalita si Mace, "Sino ka ba para magdesisyon kung sino ang dapat itiwalag sa gang ninyo? Hindi ba't pare-pareho lang kayong miyembro lang ng Poison Blade? Walang official sa inyo, at wala rin dito ang Leader at Co-leader ninyo. Kaya bakit ka nagdedesisyon na parang pagmamay-ari mo na ang gang ni Zephaniah?" Hindi ko maiwasang magdiwang sa loob ko. Biglang nawala ang sama ng loob ko, ang talino talaga ni Mace pagdating sa mga ganitong bagay! Tumaas ang tono ng boses ni Salazar nang sumagot siya, "Kaya nga ako nagdedesisyon dahil wala sila! Kailangang may isang taong magboses para sa lahat at—" "And you think that's you? Oh c'mon, give me a break! I never knew about that rule. Basta mo lang i-a-appoint ang sarili mo na ikaw ang spokesperson ng gang? Gawa-gawa mo lang ang ganyang rule!" sagot ni Mace. Kagaya ng nakasanayan, mataray at maarte pa rin ang tono ng boses niya. Pero kahit ganoon ay may punto pa rin ang sinabi niya. Tila tumaas naman ang tensyon sa paligid, kumabog ang dibdib ko nang maisip ko kung ano pa ang puwedeng mangyari...walang may gustong magpatalo sa kanilang dalawa. Narinig ko ang bulungan sa paligid, tila naghahati ang opinyon ng bawat isa. Pero ang bulungang iyon ay nanatili lang ugong sa paligid, walang nagtangkang sumalungat sa sinabi ni Mace. Sino bang may lakas nang loob na barahin ang isang Monte Claro? Pero hindi nagpatalo si Salazar, kahit kilala niya kung sino ang kausap niya ay patuloy niya pa ring pinilit ang katwiran niya. "Hindi ba kung meron mang dapat tawaging nagmamarunong dito, 'diba ikaw 'yun? Sino ka rin ba para—" "I am the Co-leader of Dark Spade, the ally gang of your gang. Basically, I have higher position than you. And I presume...no one will oppose my opinion here, right?" Iginala niya ang tingin niya sa paligid, halos lahat sila ay yumuko nang magtama ang tingin nila ni Mace. Napa-awang ang bibig ko dahil sa pagkamangha sa ginawa niyang 'yon, sobrang powerful niya magsalita...kahit maarte pa ang tonon ng boses niya na hindi mo aakalaing isang co-leader ang nagsasalita ay sinusunod pa rin siya ng mga tao rito—kahit ibang gang pa siya galing. Paano niya nagawa ang magkaroon ng ganito kalakas na impluwensya? Pero kahit gaano kalakas ang kapangyarihan ni Mace bilang boses namin, isang mataas na pader naman si Salazar dahil sa ang hirap niyang banggain...kahit pa anong pangungumbinsi ay hindi manlang siya natiklop. Bumalik ang tingin ko kay Salazar nang magsalita siya, "Hindi ko papayagang tumuntong ang dalawang 'yan sa lugar na ito hanggang walang nagiging desisyon si Zeph tungkol sa kanila. At hindi ako papayag na hindi sila maparusahan!" aniya. Isang katahimikan ang namayani sa buong paligid. Hindi naman naalis ang tingin ko kay Salazar. Ang din galing niya...isa lang siyang miyembro kumpara kay Mace, pero nagawa niyang tapatan ang tapang nito sa pagsasalita. Seryoso at buo ang boses niya, para itong isang ungol ng nagngangalit na leon...isang hayop na kapag hindi ka sumunod, tiyak na sasakmalin ka. Wala nang sumagot pa dahil sa sinabi niyang 'yon, tuluyan nang nanahimik si Mace. Napansin ko ang pagbaba ng balikat ni Ranz, napayuko na lang ako dahil ibig sabihin lang nito...wala na akong choice kundi ang tanggapin ang sinabi ni Salazar. Nakakalungkot lang na sa ganito nauwi ang lahat. Hindi ko na ring nagawang magreklamo dahil alam kong tama siya, nagkaroon kami ng malaking paglabag...tama lang siguro ang parusang iyon sa amin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD