CHAPTER 34: REASON Zeph's POV Nakakapangilabot man marinig pero...naniniwala talaga siyang anak niya ako. Iyon ang bagay na sinabi niya sa akin nu'ng araw na bisitahin niya ako sa Hotel. Ipinagpilitan niyang ako raw ang nawalay niyang anak at hindi ko tunay na ama si Zoren, ibig sabihin ay hindi ako tunay na Hernandez. Pero kahit galit ako sa mga magulang ko, hindi ko matatanggap na hindi ako anak ng kinalakihan kong ama. Ilang beses kong hilingin noon na sana ay hindi sila ang naging magulang ko, palagi ko silang minumura sa isip ko at palagi kong hinihiling na sana ay dumating ang isang araw na mamatay na lang sila para magkaroon na ako ng kapayapaan na magawa ang ano mang gusto ko. Pero kung si Ricardo Salcedo naman ang aangkin bilang ama ko, hindi bale na lang. Hinding-hindi ko 'y

