-Minah's POV-
Nandito ako ngayon sa Starbucks, thursday ngayon at wala kaming pasok dahil may urgent meetings lahat ng teachers. Sana lagi na lang may urgent meeting para lagi din walang pasok, kaso kamalas-malasan nag-iwan ng gawain yung prof namin. Edi sana ngayon nasa mall ako at namamasyal.
Almost 8:15 na at ang usapan namin ay 8:00 pero 'til now wala pa rin sila. Kaya nga inagahan ko kasi ayoko ng nale-late.
After 3 minutes dumating na din si Bekka.
"I'm sorry, I'm late. Na-traffic lang ako" umupo na siya pagkatapos um-order ng pagkain. A little later ay dumating na din si Bryan at Ice.
"Sorry we're late" sabay na sabi nila.
"May magagawa ba 'yang sorry niyo?" kahit kailan talaga Pilipino time dumating.
"Easy lang Ms. Jeon" sabi ni Ice habang naka-taas ang dalawang kamay.
"Sana kasi inagahan niyo diba?"
"Si Bryan kasi bagal kumilos" sisi ni Ice kay Bryan.
"Anong ako? Ikaw nga ang bagal mag-drive" sagot naman ni Bryan.
Tiningnan ko ang wrist watch ko at 8:30 na wala pa rin si Morie at Blake. Don't tell me na nakalimutan nila dahil kung hindi pagbubuhulin ko talaga ang small intestine nila.
Habang kumakain napansin ko na kanina pa tingin ng tingin samin yung lalaki sa kabilang table. Ang weird pero hindi ko na pinansin pa.
"Sorry na-late ako. Traffic kasi saka nag-ayos pa ako" paliwanag ni Morie. At nakuha niya pa talagang mag-ayos samantalang kami ay simpleng shirt at jeans lang ang suot. Tiningnan ko naman siya from head to toe, at ang gaga naka-dress at heels pa.
"Park ang pupuntahan natin hindi fashion show" sermon ko sa kanya.
"Sorry na, hindi ka pa nasanay sa akin" imbes na mabad-trip inubos ko na lang kung kami na iniinom ko sayang naman kung ibubuhos ko lang kay Morie.
"Ang lakas mag-set ng oras, siya naman pala 'tong late" I murmured.
"Baka naman na-traffic lang" sabi ni Bryan habang kinakalikot ang phone niya.
"Kumpleto na ba?" sabi nung lalaki dun sa kabilang table.
"Blake?" gulat na tanong ni Ice. Bwiset akala ko kung sino, so siya pala yung lalaki na tingin ng tingin samin.
"Lets go" sabi niya sabay labas ng Starbucks. Sumunod na lang kami since siya yung nakakaalam nung way.
"Bekka pasabay" nasira kasi yung sasakyan ko at hanggang ngayon ay hindi pa rin naaayos.
Hindi ko na siya hinintay sumagot at sumakay na sa sasakyan. After a long ride nakarating kami sa isang maliit na park. I think pang-elementary students 'to since may mini playground.
"Dito tayo magsh-shoot?" tanong ni Morie.
"Malamang. Alangan namang dito tayo magpa-fashion show" pilosopong sagot ni Ice.
"Hindi ikaw ang tinatanong ko kaya wag kang sumabat"
"Hindi rin ikaw ang sinasagot ko kaya wag kang assuming" sagot naman ni Ice.
"Enough Idiots" I said at naupo muna sa bench. Mas interesting na panoorin yung mga batang naglalaro kaysa dun sa dalawang isip bata na yun.
"Hindi pa ba tayo mag-uumpisa?" bored na tanong ni Bryan.
"Okay, umpisahan na natin 'to para maka-uwi na agad tayo" Blake said.
"I talk to Mrs. Santos yesterday and I requested kung pwede natin palitan yung play and she agreed but still, lovestory pa rin ang theme natin" sabi ni Bekka.
"So sinong magiging main characters natin?" I asked, nagtaas naman ng kamay si Ice.
"Yes?" tanong ko sa kanya.
"What if ikaw and Blake" sagot ni Ice.
"Bad idea" sagot ko sa kanya. Napatingin naman ako kay Blake at seryoso lang siyang nakatingin sakin.
"Bunutan na lang para fair sa lahat" suggest ni Morie.
"Bright idea" I said.
"Nakakapag-isip ka rin pala ng tama" asar ni Ice kay Morie.
At dahil eveready si Bryan naglabas siya ng papel at ballpen. Inilista ko naman lahat ng pangalan namin.
"Sino may dalang bottle?" tanong ni Morie.
"Here" may inabot naman na plastic cup si Bekka.
"San mo nakuha yan?" tanong ni Morie.
"Binili" tipid na sagot niya. Pagkalagay nung names ay inalog-alog ni Morie yung cup.
"Sinong bubunot?" tanong ni Bryan.
"Ako na lang" presenta ni Ice.
"Wag 'yan malas 'yan eh" sabi ni Morie.
"Malas mo mukha mo. Baka nga ikaw yung malas d'yan" sagot ni Ice.
"Anong sabi mo?" galit na sagot ni Morie.
"Bingi ka? Hindi mo narinig?"
"Enough! Ako na lang bubunot" awat ko.
"Bunot na" habang bumununot nakatingin sila sakin at sa papel na hawak ko.
Binuksan ko yung papel at binasa ang pangalan na nakasulat dun.
"Ice" pinakita ko naman sa kanila yung papel na nabunot ko.
"Okay lang sakin si Minah or Bekka, 'wag lang 'tong unggoy na 'to"
"Excuse me but I am a dyosa at isa pa, tingin mo gusto 'din kitang maging partner. No way!" maarteng sagot ni Morie.
"Morie" I said.
"Huh?" gulong tanong nila.
"Si Morie 'yung nabunot ko"
"What?" sabay na sigaw ni Morie at Ice.
"Lets start, walang mangyayari kung mag-iinarte tayo" I said. Mukhang puro bangayan ang mangyayari ngayong araw.
After so many hours natapos na rin naman yung ibang scenes para sa video presentation. Ano bang pinag-iisip ng teachers namin at pinaggawa kami ng ganito.
Kay Morie na ako sumabay pauwi since nauna na rin si Bekka. Susunduin niya pa kasi yung mommy niya na galing sa business trip. Bigla namang sumikip and dibdib ko kapag naaalala ko yung nangyari 6 years ago.
"You okay?" tanong ni Morie. Ngumiti na lang ako para hindi na siya mag-alala pa. Kahit na may pagkabaliw at pagkamaldita ako never nila akong iniwan. Kaya nagpapasalamat ako na nakilala ko sila.