-Emily's POV- Finally this is it, ito na ang araw na pinakahihintay ko. Hindi ako ganun kababaw na tao para lang hamunin si Minah na sumali sa contest dahil lang sa nabangga niya ako. Actually, sinadya ko iyon dahil kasama siya sa plano ko. Ang plano na pabagsakin ang isang Campus Nerd. I already check her background kung siya nga ba ang sikat na si Minah Jeon o magkapangalan lang talaga sila. Hindi basta-basta ang paaralan na ito. Mga mayayaman, sikat at respetado lang ang nakakapasok dito kaya malay niyo siya nga ang sikat na model sa Korea. Pero kahit na nagpa-imbestiga na ako, negative ang labas. It means hindi siya ang Minah Jeon na model sa Korea. Pero I still have doubts, para kasing imposible na magkaroon ka ng kapangalan. With the same name and surname, that's really impossibl

